“We have doomed the wolf not for what it is, but for what we deliberately and mistakenly perceive it to be –the mythologized epitome of a savage ruthless killer – which is, in reality, no more than a reflected image of ourself.”
― Farley Mowat, Never Cry Wolf
NAGHAHANDA NA SI KM para matulog. Payapa na ang loob niyang matulog dahil nakauwi na ang kanyang asawa. Malakas ang ulan at may pailan-ilan na kidlat at kulog. Kapag ganitong panahon, na-e-enjoy ni KM ang matulog. Lalo na’t medyo ‘okay’ na si Paul Angelo. May paminsan-minsang sumpong nga lang ito.
Gaya na lang kaninang umaga, habang dinadasalan niya ito ng agahan napansin niyang nakatitig ito sa kanya habang kinakagat ang ibabang labi. Kinabahan siya at kumabog ang dibdib niya, akala niya handa nang l-um-evel up ang kanyang asawa. Nang ngitian niya ito at tignan gamit ang kanyang ‘seductive-innocent look,’ tinaasan siya nito ng kilay at binaling ang tingin sa iba.
Madalas niya itong biruin, palagi niyang ginagaya ang mga napaka-nurturing na expression nito gaya ng, ‘Wow’ at ‘Stupid.’ Hindi ito kikibo ngunit pagtalikod niya saka ito ngingiti at tatawa. Hindi nito alam na alam niya iyon. Kaya naman ang haba ng buhok ng lola ninyo. Naapakan pa nga niya, eh. Ganoon siguro talaga kalakas ang kanyang charm. Paano na kapag nakita na nito ang kanyang alindog. Baka maglaway ito sa takam.
Ramdam ni KM na malapit nang maayos ang kanilang relasyon. Perfect fit silang dalawa. Kumbaga si Paul ang kanyang McDo, ‘Love ko ‘to’ ika nga nila at balang araw siya ang magiging Jollibee ni Paul, mababaliw ito sa kanya dahil ‘Langhap sarap’ siya.
Isang bagay na lang ang bumabagabag kay KM – ang babaeng kayakap ni Paul sa larawan. Nakita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Paul nang mabasag iyon. Mukhang malalim ang pinagsamahan ng dalawa. Ano kaya ang nangyari sa dalawa? Patay na ba ang babae? Iniwan ba nito si Paul?
Naputol ang pagmuni-muni ni KM nang makarinig siya ng mga katok. Mabilis at sunod-sunod na katok iyon.
“Saglit lang!” aniya sabay bukas ang pinto.
“Bakit ka nag-lo-lock ng pintuan?” Iyon ang bungad sa kanya ni Paul. Magkasalubong ang mga kilay nito. Dinig niya ang malakas na paghinga nito na animo galing sa pagtakbo.
Siya ang nagulat sa tanong nito? Ano ang pakialam nito kung naglo-lock siya ng pintuan?
“I don’t get it. Ano ngayon sa’yo kung nakakandado ang pintuan ng kwarto ko?” clueless niyang tanong.
Pumasok ito sa kanyang kwarto at deretsong umupo sa sofa na nasa paanan ang kanyang kama. Doon napansin ni KM ang hawak nitong unan. Doon siya nagkahinala sa intensiyon ng kanyang asawa.
“Paano kung magkaroon ng sunog? Paano ka maililigtas!” anito.
“So concerned ka? Why I am so touched but my least concern right now is about the lock and the fire. Ang tanong, bakit ka nandito?”
“Dito ako matutulog.”
“Why?”
“Dahil matutulog ako rito sa sofa.”
“Why?” she asked again, giving him a suspicious look.
“It is not what you think,” he said.
“And what I am thinking?”
“I am thinking your thinking and we both know what we are thinking. And it won’t happen.”
“Then why you’re here? May nakita ka bang multo sa kwarto mo? O may dumaang daga sa paa mo kaya naghihiyaw ka?”
Hindi ito sumagot. Doon siya napatawa nang malakas. Tinignan lamang siya ng asawa ng nakamamatay na tingin sabay higa sa sofa.
“Hindi ako makapaniwalang takot ka sa mga daga, my dear husband. ‘Wag kang mag-alala pupuksain ko ang daga na iyon... at papalitan ko ng isang drum na daga,” aniya at tumawa ulit.
“Let’s sleep,” anito at tumalikod sa kanya.
“Bahala ka, may daga sa silong ng sofa,” pananakot niya sa asawa.
“Will you shut up? Maaga pa ako bukas!” bulyaw nito na tinawanan lamang niya.
Nakakaaliw na sa laki ng taong ito takot sa mga daga. Masayang humiga siya at pinikit ang mga mata. Isipin pa lamang niya na sa kwarto niya natutulog si Paul ay may hatid na seguridad sa kanya.
~~o~~
NAGISING SI KM dahil sa mga munting ungol. Noong una ang alam niya nanaginip lamang siya ngunit nang mapagtanto niya na hindi iyon panaginip ay pinakiramdaman niya ang paligid. Mas malakas ngayon ang ulan, at dinig ang malakas na kulog at kidlat. Parang may napupunit na mga papel.
Bukod sa ungol, nagulat siya nang may mainit na paa ang nakadantay sa kanya. Gumagalaw ang kama at parang dinuduyan siya. May gumalaw sa kanyang tiyan at hinawakan iyon ang mahigpit. Doon niya naunawaan na may taong nakayakap sa kanyang likod.
Umuungol siya at gumagalaw ang mga paa niya habang nakaharap sa akin. Ano ang ginagawa niya sa akin?
Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa tumatama sa kanyang batok, nagdala iyon ng kiliti sa kanyang katawan. At parang may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa kanyang buong pagkatao.
Ganito ba ang gusto ng asawa ko, Lord? Sumasalakay kapag tulog ang kalaban? At patalikod kung tumira? Oh noes!
Humigpit na naman ang pagkayakap sa kanya ng asawa. Binalot ng init ang katawan niya galing dito, mula sa matitigas nitong braso hanggang sa dibdib nito. Nalalasing siya sa amoy ng kanyang asawa, parang hangin pagkatapos ng ulan, ngunit mainit-init na hangin iyon.
Oh God, ito na ba talaga iyon?
Umungol ang kanyang asawa.
Teka, ganito ba talaga? Bakit para siyang nahihirapan.
Iyon na naman ang partikular na galaw ng kanyang asawa.
Hindi siya gumalaw, KM. Nanginginig si Paul! Ambisyosa ka lang na may mangyari sa inyo.
Dahil sa napagtanto, agad na hinarap ni KM ang asawa. Nahihirapan nga sa paghinga si Paul.
“Paul, okay ka lang? Paul,” yugyog niya sa balikat nito.
Humigpit ulit ang pagkakayakap nito sa kanya at saka umungol. Hinawakan niya ang pisngi nito pero malamig iyon, namumuti ito. Mas malakas ngayon ang paghinga nito.
Wala itong lagnat, mainit ang katawan ngunit namumuti ang mukha... saan?
Kinakabahan na siya kung ano’ng nangyayari sa kanyang asawa nang kumidlat ng malakas at sabayan iyon ng malakas na kulog. At umungol si Paul at humigpit ang yakap sa kanya.
Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi. Pero tumawa siya ng mapakla.
“Oh, Paul,” she said in sympathy and she hugged him, his face barely kissing her neck. Why would a 30-year old dignified business man, feared by his league, be afraid with thunder and lightning? Ano ang mabigat na rason para matakot ito roon? Muli, parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso. Unti-unti niyang nalalaman ang tungkol sa asawa.
Muli na naman kumulog at humihigpit ang yakap nito sa kanya bawat kulog, umaamot ng lakas mula sa kanya – na kanyang ibinigay ng buong puso. Biglang sumulpot sa kanyang alaala noong mga panahon na umiiyak siya sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pasamang panaginip. Gustong-gusto niyang yumayakap sa kanyang Ina para kumuha ng seguridad. Ngunit natatamo lamang niya iyon kapag yayakapin din siya ng kanyang inay.
Realizing what she was doing, KM sang a lullaby while caressing his back. She embraced him so tight, sending him a message that she can share with his burden. She kept on cuddling his back, conveying him that his secrets were safe with her. At kapag kumidlat ulit at uungol ito, wala siyang panlaban kundi ang paghaplos sa likod nito at ang pag-usal ng ‘ssshhh.’ Paulit-ulit iyon hanggang sa naging payapa ang paghinga nito.
Doon mabuting napagmasdan ni KM ang mukha ng kanyang asawa. He was handsome but up close he was so manly beautiful. She was fascinated by his eyes so she touched them. From his eyes to his nose to his cheeks to his jaw and to his lips. How she loved to kiss him. Parang sa pamamagitan niyon at mawawala ang takot nito... at ang takot din niya. Doon din niya nalaman na may maliit itong pilat sa may kaliwang noo nito na nagbigay ng karisma sa asawa niya. She touched it softly.
“Thank you, Paul.” She wouldn’t trade what she had right now for anything in the world. Two souls embracing each other were priceless. He was priceless and her love from his was beyond words. Paul embracing her just felt so right.
Tinignan niya ulit ang mukha ni Paul at hinaplos iyon ng buong lambing. Ngumiti siya, siguro dapat siyang magpasalamat sa mga kidlat? No, she thanked God for interfering with their lives.
Ngumiti siya dahil meron siyang gwapong nilalang na takot sa kulog at kidlat, na mahilig kagatin ang labi kapag nag-iisip, na bugnutin at paborito pagsalubungin ang mga kilay.
Ngumiti siya at hinalikan si Paul sa noo. Niyakap niya ito nang mahigpit hanggang ang mukha nito ay nasa kanyang leeg.
“I love you, Paul... to the moon and back.”
Later that night, KM slept cuddling him with contentment, happiness... and love.