Chapter 6: Ang Adobong Baboy Na May Itlog Ng Pugo

1428 Words
“There are nights when the wolves are silent and only the moon howls.” ~~George Carlin BAGO SILA UMALIS ni Paul sa Batangas ay nagtanong-tanong muna siya kay Mayan tungkol kay Paul. At isa sa napag-alaman niya sa asawa ay ang paborito nitong pagkain. Adobong baboy na may itlog ng pugo. Kaya heto siya ngayon, abala sa pagluluto ng pagkain ng asawa.             Madali lang lutuin ang ulam na gusto ng kanyang asawa. Simple lang sekreto ng adobong baboy, dapat malambot ang baboy kapag kinain at manuot ang lasa sa karne ng baboy. Para magawa iyon, hiniwa niya ng maliliit na piraso ang baboy, mas mainam at mas mabilis lumambot ang baboy kapag ganoon.             Para hindi maging makunat ang balat ng baboy, ‘wag igisa ang hiniwang baboy. Bagkus, pinagsama-sama ni KM ang kalahating kilong baboy, tatlong ngipin ng bawang at isang pirasong sibuyas na hiniwa ng pahalang. Para mawala ang lansa ng baboy (bago iluto linisin muna ng asin at paminta), isinahog na ni KM ang maliliit ng hiwa ng laya at isang supot na dinikdik na paminta. Binuhos niya ang ¼ na toyo at suka.             Paghaluin ang mga rekado at baboy at i-marinade iyon ng sampung minuto bago sindihan ang kalan. Pakuluan ang karne hanggang sa sipsipin lahat ng karne ang toyo at suka. Kapag hindi pa rin malambot ang karne, lagyan ng kalahating baso ng tubig at hayaang kumulo ulit ang karne. Huwag masyadong malakas ang sindi ng kalan para hindi ma-overcooked ang adobo. Huling isasahog ang itlog ng pugo na nalaga na.             Inamoy at tinikman ni KM ang niluluto.             “Hmmm, ang sarap. Tignan ko lang kung hindi makalimutan ni Paul ang pangalan niya.”             “Hindi iyon tumatanggi kapag adobong baboy na may itlog ng pugo ang ulam.” Iyon ang sabi sa kanya ni Mayan. Napangiti siya. Pasasaan ba’t mapapaibig din niya ang asawa. Ika nga nila, the best way to win a man’s heart is through his stomach.             Inayos na ni KM ang lamesa at nagpalit siya ng damit. Hinintay niya ang asawa sa sala habang nanood ng Two Wives. Naiirita man siya sa role ni Erich Gonzales ngunit sobrang nagagalingan siya sa aktres. Naiiyak siya kapag umiiyak si Erich.             Narinig ni KM ang ugong ng sasakyan ni Paul. Pinatay niya ang telebisyon at pumunta sa dining area, tinignan kung nasa ayos ang lahat. Agad niyang sinalubong ang asawa nang nakapasok na ito.             He was so dashing in his black long sleeves with his tie on. The seriousness in his face made him mysterious for her.             “I cooked for you. Dinner is served for us,” she said.             “I am not hungry,” he said abruptly.             “Hindi pa ako kumain, hinihintay kita,” aniya, hopeful.             “Walang nagsabi sa iyo na hintayin mo ako,” pagsusungit ng asawa. Paalis na ito nang pigilan niya ang kaliwang braso nito at igayak ito sa dining area. Nagsalubong ang dalawang kilay nito.             “Hep, hep. Niluto ko ang paborito mong ulam. Dyaraann, adobong baboy na may itlog ng pugo.”             Ngunit nakamaang lamang sa kanya si Paul.             “Masarap iyan,” pagpapatuloy ni KM. “May sangkap iyan ng pagmama—“             “Hindi ako gutom,” anito at tumalikod sa kanya.             Pakiramdam ni KM para siyang lobo na hinipan, nabigyan ng lakas ng loob pero sa huli tutusukin lamang pala siya. Nilukob siya ng kalungkutan, isa iyong damdamin na madalas niyang maramdaman at madalas niyang tinataboy. Ngunit ngayon hinayaan niya ang madalas na kalungkutan na iyon sa sakupin siya, ariin siya, na parang doon siya nararapat.             “Hanggang g-ganito na lamang ba tayo, Paul? Oo alam ko, may kasalanan ako sa’yo. Kung gusto mong iparamdam sa akin na wala akong kwentang babae, nagtatagumpay ka. At habang buhay akong magsisi sa ginawa ko sa iyo. Wala na akong magagawa roon, Paul. Hindi ko na iyon maibabalik. Pero may magagawa pa tayo sa relasyong ito. ‘Wag mo namang ipagdamot sa akin ‘yong pagkakataon na maging masaya tayo. ‘Wag mo naman na akong hayaang mamalimos sa’yo. K-kasi... sa loob ng ilang taon, iyan na ang ginawa ko Paul.”             Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi. “At hanggang ngayon, pakiramdam ko namamalimos pa rin ako. ‘Wag ka naman sanang maging katulad nila. Hindi ko hinihingi na agad-agad mo akong matatanggap. Kahit pakonti-konti lang. Kahit... k-kahit, kainin mo lang ang mga niluluto ko sa’yo, kahit tikman mo lang ito sa sabihing, ‘masarap.’ Sapat na sa akin iyon, Paul. Kahit hindi mo na sabihing maganda ako at ang damit ko, o sexy ako at maganda ang mga mata ko. Okay lang, basta iparamdam mo lang sa akin na may pag-asa tayo.”             Nilampasan niya si Paul at nagtuloy sa kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama, tumalukbong sa kumot at umiyak na parang sa pamamagitan noon, mawawala lahat ng hinanakit niya sa buhay.             “Sometimes good things fall apart so better things can fall together, Kristine.” Isa iyong alaala ng kanyang ina noong panahon na nalaman niya na anak siya sa labas at kabit ang kanyang ina. Noon iminulat ng kanyang ina na darating din ang totoong kaligayahan para sa kanya.  Naniwala siya. Ngunit ngayon, unti-unting nabubuwag ang paniniwalang iyon.             Bakit kailangan niyang maging malungkot panghabangbuhay? Hindi niya makuha ang punto noon. Sa bilyong tao sa mundo, kung lahat ay naghahanap ng kalinga, hinahanap ang pagkukulang na iyon sa ibang tao, ngunit bakit mas gusto nitong mapag-isa, ayaw magbigay at hindi nagbibigay. Bakit? Ginawa lamang ba ang mundo para bigyang punan ang kalungkutan ng mga tao?             Hindi niya alam kung ilang oras siyang nagmukmok sa kwarto niya. Nang mahimasmasan, tumayo siya at pumunta sa terrace ng kanyang kwarto. Tumingala siya, umaasam na makita ang buwan. Ngunit mukhang nakikidalamhati rin ang buwan dahil natatakpan ito ng mga ulap. Walang bituin at walang buwan. Ngunit nasisinag niya ang liwanag ng buwan. “Sa buwan na marikit... bigyan ang hiling ng abang maliit...sinasambit nang marapat... ang pagsamong wagas at sapat. Hindi,” aniya at umiling. “Bakit ba ako nagpapaniwala sa mga ganito? Bakit ba kita kinakausap? Baka hindi ka talaga totoo. Baka hindi talaga tama ito. Baka mali ang inay.  Mali ang lahat ng ito.” Tumalikod siya at sinara ang pintuan papuntang terrace. Tinignan niya ang orasan at nagulat siya nang malaman na mag-a-ala una na ng madaling araw. Bigla siyang nauhaw kaya bumaba siya para kumuha ng maiinom. Nakabukas ang ilaw sa dining area. Baka nakalimutan ni Paul na patayin iyon. Ngunit hindi talaga nito iyon pinatay dahil naroon pa ang kanyang asawa. Kaharap nito ang laptop nito habang kumakain ng... Nanlaki ang mga mata ni KM. Kinakain ng kanyang asawa ang niluto niya para dito. Napangiti siya kahit pakiramdam niya parang maiiyak na naman siya. Never doubt when you cast your wish, KM. Strike two for me. Naramdaman siguro ni Paul ang kanyang presensiya kaya lumingon ito sa kanyang gawi. And there, she found herself connecting with him again, like the first time they met. How could she easily gave up when everytime she kept on looking to him, everything felt so right, like she was meant for him and he was meant for her. Like the world won’t matter as long as they have each other. Walang imikan na tinungo ni KM ang refrigerator. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan at bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pakiramdam niya bumagal ang takbo ng oras at ang pagtipa lang nito sa laptop nito ang ingay na naririnig nila. Sapat na kay KM ang ginawa ni Paul, hindi na siguro nila kailangang mag-usap o tanungin ito kung masarap ang kanyang niluto. Baka masira pa ang unang pagkakataon na ‘nagkaunawaan’ sila. Masaya na siya roon. Ibig sabihin, handang bigyan ng pangalawang pagkakataon ni Paul ang kanilang relasyon. “Masarap. Masarap itong niluto mo.” Napatigil sa paghakbang si KM sa narinig. Alam ng mga kaibigan at kakilala niya kung gaano siya kadaldal, ngunit sa unang pagkakataon naging speechless siya pero exemption noong makita niya ang abs nito. She was lost for words. But she was in cloud nine. Nilingon niya ang asawa na abala sa pag-e-encode sa laptop nito. Nakakatuwang isipin na umiyak siya kanina dahil sa adobo at naiiyak siya ngayon dahil din sa adobo. He just confirmed what she wanted to hear. And it gave her hope. Enermous hope. For them. She smiled gratefully. “Salamat,” aniya, nakapaloob ang mga emosyon na hindi niya kayang ihayag. Later that night, KM slept with contentment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD