Chapter 5: Her Winnie the Pooh

3119 Words
May Wolf ever walk beside you and grant you rest in his shadow. May his paws ever guide your paths and your howls be heard by all. ~WindWolf “PAANO KAYO NAGKAKILALA ng apo ko?” Ang tanong na iyon ni Lola Alicia na may codename na Allysa ang nagpabalik kay KM sa katinuan. Kanina pa naglalaban ang dalawang bahagi ng kanyang pagkatao. Binabagabag siya nang larawan ni Paul at ang babaeng kasama nito – at hindi lang basta kasama, kayakap pa nito! Parang pinagpira-piraso ang puso niya nang makita ang sakit sa mga mata ni Paul. Ang sabi nila ang pag-ibig ay hindi napipilit. Para itong paghihintay na makain ang isang mangga, kailangang hinog ito at hindi pilit. Hindi masarap ang pilit ng mangga. Tama nga siguro sila dahil masakit ang pakiramdam niya, isipin pa lamang niya na hindi pa man siya nakakapagsimulang paibigin ang asawa, may kaagaw na siya. Pinilit ba niya ang pag-ibig na puwede namang mahinog sa takdang panahon? Itinuon niya ang sarili sa tanong ng matanda habang nanananghalian sila. “Business associates po si Paul at ang Papa ko. Una ko po siyang nasilayan sa bahay.” At nagsimula siyang magbalik sa nakaraan. “Nakaupo po siya sa sofa na parang hari habang kinakagat ang mga labi nito.” Nilingon niya ang asawa na natahimik at nakatingin sa kanya, parang binibigyan siya ng babala. Pansin niyang lahat ng tao sa komedor ay nakatingin na sa kanya. Ngumiti siya sa asawa. “Naaliw ako habang pinapanood ko siya. At napagtanto ko pong kapag may iniisip pala ang asawa ko, ugali na nitong kagatin ang labi nito. Nang araw na iyon, nang una ko siyang masilayan, parang may hindi nakikitang lubid ang nagtali sa aking puso sa kanya. Hindi ko po mawari kung paano at bakit pero tinamaan ako nang matindi kay Paul. Akala ko simpleng attraction lamang po ang nararamdaman ko. Ngunit isang gabing maulan, habang kasama ko si Paul...” Huminto siya at tumingin kay Paul, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. “A-ano ang sumunod na nangyari s-sa... isang gabing maulan, habang kasama mo ang apo ko?” interesadong tanong ni Lolo Domingo.             “May nangyari pong hindi ko inaasahan,” pabitin ni KM.             “Ano ang nangyari na hindi mo inaasahan?” tanong ulit ng matandang lalaki.             “Nangyari po ang hindi ko inaasahan.”             “Ano nga iyon?!” hindi makatiis ng saad ni Lolo Domingo.             She chuckled. She was about to say the details when they heard that full, vivacious laughter from her husband. They eyed him unbelievably. Kinabig ni Paul si KM. Doon niya napagtanto na umaarte lang ang asawa.             “My lovely wife,” he grasped her right shoulder firmly, giving her a dangerous warning. But the heat coming from him and their skin touching made her heart swarm in happiness. It felt so good. She could live forever in his arms.             “That night, tinawagan niya ako at pumunta ako sa bahay nila. His father wasn’t there. At walang ibang mahihingian ng tulong si KM kundi ako. Nag-e-edit siya ng video presentation na kakailanganin niya kinabukasan,” patuloy ni Paul.             Ang babaw naman ng rason niya kung bakit kami nagkatuluyan, pati ba naman sa make-believe love story naming  puro business ang involve?             “Ano ang nangyari sa pag-edit niyo ng video-video na iyon?” tanong ni Lola Alicia.             “Tinulungan ko siyang mag-edit ng video,” sagot ni Paul.             “Nag-edit-an kayo ng video, tapos nainlove nakayo sa isa’t-isa? Aba, mukhang matinding edit-an ang nangyari sa inyong dalawa ah,” singit ni Lolo Domingo.             “He held my hand, and there he realized that he’s madly in love with my beauty, isn’t is babe?” she asked and smiled sweetly to Paul. “Ang love naman po, hindi kailangan extravagant kung paano kayo nagsimulang magmahalan, nagsisimula po iyan sa maliit na bagay. Maaring nagsimula iyan noong maghawak kamay kayo sa isang misa, o kaya nagkabungguan kayo sa isang daan. Maaring biglaan po, walang tao ang kayang magpaliwag kung paano at kailan malalaman kung tatamaan ka ng pag-ibig. But once you fall, there’s no turning around,” she said the last sentence intently looking at Paul. She meant it.             He met her gaze. She wasn’t sure if she was sensing curiosity in his eyes. He was good in hiding his emotions.             “Aba’y ganyan din kami noong panahon namin nitong si Alicia. Parang kami lang ang tao sa mundo. Sayang nga lamang at kung kailan kami tumanda saka naman umarong ang pang-unawa niya,” may lungkot na saad ni Lolo Domingo.             Binitawan ni Lola Alicia ang kubyertos nito. “Kung kailan ka tumanda saka ka naman nagloko!”             “Hindi ako nagloko, masyado lang mababa ang pang-unawa mo!” sikmat ni Lolo Domingo. “’Lo, kumakain po tayo. At may mga bata po sa harapan ninyo,” singit ni Paul.             Mukhang may hindi magandang pinagdadaanan ang mag-asawa. At hindi iyon maganda para sa mga bata na napapanood na nag-aaway ang dalawa sa harap ng hapag kainan. Napabuntong-hininga si KM. Mukhang marami siyang sikretong kailangan tuklasin.             Nang matapos silang kumain ay nagpatulong sa kanya si Lolo Alicia na iligpit at ayusin ang pinagkainan nila.             “Kilala ko ang apo ko, KM. At wala sa karakter niya ang magpakasal agad-agad. Hindi ako naniniwala sa kwento ninyong dalawa. Maaring maloko ninyo ang iba pero hindi ako,” diretsa ng matanda sa kanya.             What do they say? You can never compete with the intuition of a mother. Or a grandmother for her husband’s case.             “Hindi ko alam kung bakit kayo nagpakasal o kung ano ang mabigat na rason niya para pakasalan ka, pero oras na sinaktan mo siya o niloko, maghahalo ang balat ng tinalupan; ako ang makakalaban mo,” banta nito.             “Kung may isang bagay man po na totoo, iyon po ay ang pagmamahal ko sa apo niyo. Mahal na mahal ko po si Paul, Lola,”             Tinignan siya nang matanda, nakataas ang noo at nililimi ang kanyang sinabi. Hindi nagtagal ay inirapan siya nito. “’Wag mo akong matawag-tawag na Lola. Hindi pa kita tanggap sa pamliya ko. O siya, maghugas na tayo. Bilisan mo.”             She sincerely smiled to her. Another person to prove her worth. She vowed to win Paul’s love, but before that she needed to win their trust. She didn’t hate the old woman. She understood her infact. ~~o~~ PAGKATAPOS TULUNGAN ANG matanda ay nilibot muna ni KM ang paligid ng mansiyon. Malaki iyon para sa apat. Halatang matanda na ang mansiyon, itinayo sa siguro noong panahon ng Kastila. Ngunit maayos ang iyon at umayon ang ilang renovations sa parte ng mansiyon. Pinuntahan ni KM ang garden na malapit lamang sa pool area. Nagulat siya sa ganda ng hardin. Para iyong flower farm.             Lumapit siya sa mga naggagandahang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayan ang oras dahil naging abala siya sa pagsilay ng hardin hanggang sa dumako ang kanyang pansin sa bata na nahihirapang umupo sa duyan. Itinataas ni Anthony ang mga paa para maabot ang upuan ngunit sumasabay iyon sa kilos ng bata kaya tumataas din iyon. He looked so cute at that moment, even if he was so irritated. Hindi alam ni KM kung maiiyak ito o hindi.             Naaliw na lumapit siya sa gwapong paslit. Itinaas niya ito at inupo sa duyan. Ang maitim at bilugan nitong mata ay may gulat na nakatingin sa kanya. Hinaplos ng tingin nito ang kanyang puso. Parang ibon na nakawala sa hawla, nakaramdam siya ng munting kalayaan kasama ang batang ito. May kung anong meron sa titig nito para makaramdam siya ng koneksiyon sa munting paslit na ito. Takot, gulat, pangungulila at pag-iisa.             Hindi niya mapigilan ang sariling haplusin ang pisngi nito. “Don’t be afraid, little wolf. I will never hurt you.” And she smiled. “What’s your name?” she asked to start the conversation.             Ibinaba nito ang tingin, hinawakan nito ang mga kamay at kinagat ang mga labi na parang natatakot.             So we’ve got a little Paul here.             “Hey, ano ito?” KM pulled out a trick, inilapit niya ang kamay malapit sa may tenga ni Anthony, hinaplos ang buhok nito, animo may kinuhang bagay roon. Unti-unti niyang ibinuka ang nakasaradong kamay at ipinakita rito ang sampung piso.             Nanlaki ang mga mata ni Anthony sa pagkamangha. Ngumiti ito at parang umaliwalas ang paligid ni KM. Walang tatalo sa ngiti ng isang batang paslit.             Nagtaas ito ng tingin at nagtatanong ang mga mata nito kung paano nangyari iyon.             “Magic,” she said. “You want more?”             Ngumiti ito at tumango, excited sa kanyang magic show.             “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.”             Napalingon sila ni Anthony kay Mayan. Nawala ang saya sa mukha ng bata. Bumalik ang takot at lungkot sa mga mata nito. Bumaba ito sa duyan at patakbong pumasok sa mansiyon.             “Pansensiya ka na. He won’t talk to you no matter what you say,” ani Mayan. Ngayon napagmasdang mabuti ni KM kung gaano ito kaganda. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. She acted like a boy but her beauty is evident to the point of mesmerizing.             “Bakit?” tanong niya.             Mayan looked her in her eyes and she dropped the bomb. “Because he can’t talk.”             And she walked out. ~~o~~ PAUL ANGELO FELT uneasy. He was not comfortable with his wife sleeping on his bed. It was like being a moth seduced by a flame. Nasa banyo ngayon si KM. At siya ay kasalukuyang nakaupo sa couch, katatapos mag-shower. Ngunit kahit katatapos lang niyang mag-shower ay hindi matanggal-tanggal ang init na nararamdaman niya. Naaalinsangan siya.             It would be their first time to sleep in one room. At asiwang-asiwa ang pakiramdam niya.             When was the last time that he got laid anyway? Three months ago? Maybe he needed to hang-out to release his libido or his desire for his wife. Siguro kapag nangyari iyon, mawawala ang pagnanasa niya sa asawa. He wanted to justify his l**t that it was just a normal reaction of a man without s*x for that long. He had needs, too. And s*x was something he could get in a second, anytime, anywhere.             It was not as if he was addicted to s*x. Dumarating ang mga babae para paligayahin siya. And they would offer their body wholeheartedly. Sino siya para tumanggi sa palay kung tutukain na lamang niya iyon? He was just a man.             Why look for another woman when you can have your wife? Iyon ang bulong ng isip niya. And Paul imagined himself and his wife having sex... rough, wild s*x. And involuntarily, his body reacted. Mahirap iyong itago dahil naka-shorts lamang siya.             No. I will not give her any satisfaction from me. She will pay dearly for what she had done.             Paul closed his eyes, forcing himself to sleep. But his senses were working at all once, his hormones raging like fire – consuming his whole being.             Ramdam niya ang presensiya ng asawa. Para siyang bampira na naririnig niya ang langitngit ng pinto ng banyo at amoy ng kanyang asawa. He was getting used to her smell, fresh and dintinctive, like an orange.             Exasperated, Paul opened his eyes. Isa iyong pagkakamali dahil parang diyosa na nakatingin sa kanya si KM. He cursed himself for having that hard-on like a teenager. He cursed KM for giving him that look, that sweet, innocent look. All he wanted to do was to grab her and make love with her... insatiably.             Hanggang sa nagpatuunan ng pansin ni Paul ang suot ni KM. Nanlaki ang mga mata niya at parang mahuhulog ang puso niya.             “Bakit ganyan ang suot mo?” paingil niya rito.             “Ano’ng meron sa suot ko?” nakalabing sagot nito.             He silently cursed again.             It is not safe, that was what he wanted to say. But he said, “It is not proper!”             Tumaas ang kilay ng kanyang asawa. Napagtanto niyang napaka-sexy pala ng pagtaaas ng kilay. That added his desire to take his wife. He was imagining her kissing him and she would ask him if he was satisfied. The level of his desire for KM pained him.             “Proper? Hindi proper ang suot ko?” Yumuko ito at tinignan ang sarili. “Ano ang ini-expect mong suot ko paglabas ng banyo, nakapang-JS Prom? Hindi na ba proper ngayon ang magsuot ng negligee kapag matutulog?”             “Hindi kung medyo transparent ang negligee mo. Change,” he demanded. Naaaninag ni Paul ang suot panloob nitong suot. Halos kita na rin niya ang panty nito sa iksi ng negligee nito. May aircon sa kwarto nila ngunit piangpapawisan si Paul.             “Wala namang problema---“             “Change!”             Padabog na umupo si KM, dahilan para tumaas pa ang laylayan ng negligee nito at makita ni Paul ang hindi dapat niya makita.             God, this is t*****e.             “Wala na nga kasi akong ibang damit na maisusuot. A-akala ko kasi... akala ko, tayong dalawa lang sa pupuntahan natin. Akala ko, m-mag-ha-honeymoon tayo. K-kaya mga ganito lang ang naidala ko,” nakayukong salaysay nito.             Nagtitimping tumayo siya at tinungo ang closet para kumuha ng damit niya.              “Oh, heto isuot mo,” aniya sabay abot kay KM sa damit niya. Ngunit nakamata lamang sa kanya si KM. Nanlalaki ang mga mata nito at nakatingin sa kanyang... s**t!             Agad siyang umupo sa couch at kumuha ng unan para ipantakip sa kanyang alaga na naninigas... sa hiya. Tumawa si KM at ikinainis niya. “Stop laughing or else---“ “Or else what?” nakataas noong hamon ni KM. Tumayo ito sa napakasenswal na paraan. Nakatitig ito sa kanya. She was like a witch and he was bewitched by her charm. Humakbang ito palapit sa kanya. She was a temptation and she knew she had an effect to him. And she was using it to her advantage. Akala niya ay dederetso ito sa kanya ngunit ngumiti ito – ngiti ng tagumpay – at lumiko papunta sa banyo. Doon siya nahimasmasan. It was a mistake having her in his room. Puwede siyang makitulog sa kwarto ni Anthony ngunit baka may makakita sa kanya at magtaka kung bakit wala siya sa kwarto nilang mag-asawa. “Satisfied now?” Napalingon si Paul kay KM. Akala niya mawawala na ang epekto nito sa kanya kapag naisuot na nito ang kanyang damit. But seeing her now in his oversized shirt made his desire for his wife doubled. May panghalina sa kanya ang makita itong suot ang kanyang damit. At may isang alaala ang biglang sumulpot sa kanya. He groaned and he pushed away that thought. Humiga ito sa kama at pinag-krus ang mga paa. He tried not to look on her delicate thighs. “Next time, kapag may pupuntahan tayo magdala ka ng desenteng damit,” aniya. “Next time, kapag mag-aaya ka sabihin mo kung saan tayo pupunta,” sagot nito at naghikab, halatang pagod sa biyahe. “Sigurado kang ayaw mong matulog dito sa kama?” “No,” maiksing niyang sagot. “Sigurado ka? Kawawa ka naman, hindi kasya ang katawan mo sa sofa,” “I said no,” he growled. “Okay, nagmamalasakit lang naman ako,” He closed his eyes. He tried to ignore her. But he never tried to ignore someone in his life especially when it came to buisness. He was always a risk-taker; he engulfed any threat that would come into his way. Now, he was bending his will. He was ignoring her presence because he was afraid of what might happen to him if he will let himself to engulf her. “Tungkol kay... Anthony,” narinig niyang saad ni KM. Nagmulat siya ng mga mata, curious sa narinig niya mula kay KM. May lambong iyon at... kalinga. Parang nagkaroon ito ng connection sa kanyang kapatid. “Ano ang tungkol kay Anthony?” tanong niya. “Bakit hindi siya makapagsalita?” nababaghang tanong nito. Muli, naramdaman niya ang sakit at awa sa boses nito. Hindi niya maaaring itanggi iyon dahil iyon din ang nararamdaman niya sa kapatid, bukod sa pagmamahal. “Mali ang ‘hindi siya makapagsalita.’ Mas tama sigurong sabihin na ayaw niyang magsalita,” tugon niya. Ramdam niyang nakatitig sa kanya si KM. “Bakit?” “Wala makapagpaliwanag. Simula noong bagong panganak siya, wala pang nakakarinig na nagsalita si Anthony,” paliwanag niya. “Did you consult it to specialist?” “Yes. Hindi naman daw siya pipi. Nakakarinig din naman siya. Sabi ng doctor maaaring sanhin iyon ng... t-trauma,” nahihirapang saad niya, hindi niya matanto kung bakit isiniwalat niya ang lagay ni Anthony. “Trauma? Trauma saan?” Mukhang mas lumalim ang kuryusidad ni KM. Ramdam niya iyon. He decided that it was enough. “Let’s sleep,” aniya at tumalikod kay KM. Sinubukan niya matulog ngunit ayaw siyang dalawin ng antok. Halos dalawang oras na siyang nagkukunwaring tulog ngunit buhay na buhay ang kanyang diwa. Ang kahapon na iyon ay parang isang sugat, at masyado iyong malalim. Alam niyang gusto iyong malaman ni KM para gamutin sa alam nitong paraan. Ngunit kapag ginawa niya iyon, mas lalalim lamang ang koneksiyon nito sa kanyang pamilya. At hindi iyon maganda kapag nagdesisyon siyang hiwalayan na si KM. Ang huling kaisipan na iyon ay naghatid sa kanya ng konting lumbay. Pumihit siya paharap kay KM para tignan kung tulog na ang dalaga. Payapa ang paghinga nito. Himbing na ang pagtulog. Marahil sa kakalikot, lumilis pataas ang suot nito. Tumayo siya at naglakad papunta kay KM. Mukha pala itong anghel kapag natutulog. She had a full lips and all he wanted to do is to kiss her. He wanted her so bad that it pained him. Then his eyes focused to her underwear. He desired her, yes, but he couldn’t help to smile seeing what she was wearing. A Winnie the Pooh underwear. Hindi niya nakayanan kaya hinayaan niya ang sariling tumawa nang mahina. Mahirap pa lang pigilan ang tawa. “A-akala ko kasi... akala ko, tayong dalawa lang sa pupuntahan natin. Akala ko, m-mag-ha-honeymoon tayo. K-kaya mga ganito lang ang naidala ko.” Remember what she said made him soar into silent laughter again. Really, he was amused. She was a person filled with so much humor. Naalala niya ang pagkaaliw nito sa kanyang Winnie the Pooh na underwear. Marahil iniisip nitong sinusuot niya iyon o isusuot sa kanilang ‘honeymoon’ kaya ito bumili ng partner na underwear. Ano iyon, couple underwear? And he laughed again at the thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD