Bago pa bumukas ang pintuan, nanginig ang katawan ko sa hinala na kung sino ito. Franco. Bumungad ang maputlang mukha nito sa amin at ang napakalamig na titig ng mga abong mata nito na parang alam niya ang aming ginagawa. Akala ko nakatingin ito ng malalim sa akin subalit ng sinundan ko ang paningin nito ay si Norman ang kanyang pinapatay sa kanyang titig. "Ilabas si Vittoria," mahina at kalmado ang tinig nito subalit may halong panaganib sa bawat paglabas ng salita sa kanyang bibig. Kalmado subalit maawtoridad ang boses nito. "Hindi. Hindi!" Mabilis akong tumingin kay Norman at nakiusap sa kanyang mga mata subalit alam kong wala siyang magagawa. Nagpumiglas ako sa hawak ng mga ito. "Anong ibig sabihin nito!" "Ano bang kasalanan ko!" Kinakaladkad nila ako palabas at unti unti

