"Anong ginagawa mo roon?," mariing saad ni 45. May isang metro lamang ang aming pagitan. Nakatalikod ito sa akin subalit ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa kanyang baywang at ang kanan ay nasa kanyang noo. Nasa aking gilid ang aking mga nanginginig pang kamay. Ito ang unang beses na hindi pa ako nakakalabas sa asilo ay nahuli at naibalil na kaagad ako. "H-How did you wake up- "You think you could outwit me? I've been a soldier all my life and you were just trained for how many days..." Paano ito nagising kaagad? Hindi ba tumatalab sa kanya ang bulaklak ng halamang akoné sa kanya?? Subalit matagal ko na itong ginagamit sa mga sundalo na hindi nakakaalam ng amoy nito. At isa siya roon sapagkat hindi niya tinatanong kung ano ang nagpatulog sa kanya. Ang halamang ito ay aking nahan

