Subalit nang mapansin ko ang kanyang ekspresyon, napaatras ako. Tila may masakit at parang nasasaktan ang kanyang mukha. Lumayo ako ng konti upang pagmasdan siya. Walang bakas ng sugat sa kanyang mga kamay at paa o mukha subalit hindi nakatakas sa aking mata ang panginginig ng kanyang mga binti. Sigurado akong pinahirapan siya ni Franco. Nang sumagi kung paano ito pinarusahan at gaano ito naghirap ay parang nais kong magwala. Nais kong pumatay ng tao. Naging matigas ang aking mga kamay subalit hindi ko alam kung saan ko ito isusuntok. Nakakabwisit na hindi ako makaganti, na wala akong magawa kundi tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang sakit na kitang-kita sa kanyang napakaamong mukha. "N-Norman, a-anong ginawa nila sayo?" Naiiyak ako sa aking galit. Naiiyak ako sapagkat wala akong mag

