"I don't kill without a reason." Bakit tila naramdaman ko ang bakas ng lungkot sa kanyang boses. At tumingin sa kanyang kanang gilid, "At wag na wag mong tatangkaing kitlin ang iyong buhay... sapagkat ako lamang ang maaring magdikta ng iyong kamatayan!" Nagbalik muli ang napakalamig niyang tono na marahil ay guni-guni ko lamang ang isiping may bahid na sakit ang kanyang salita. Hindi ko alam subalit nang marinig kong buhay si 124512 ay biglang nabuhayan ako ng loob. Nakapalit na ako ng pinakasimpleng damit na aking nakita sa kabinet at sinuot muli ang aking dating lumang sapatos kahit napakarami ng bago sa aking harapan. Maraming magagarang damit, sapatos at mga gamit pambabae na siyang aking ipinagtataka, bakit nais ni Franco na ipasuot sa akin ang mga ito? Wala na si Franco sa

