"Hindi ka ba natatakot?" Umalis si Franco sa pagkasandal sa likuran ng bakal na pinto. Ang mga kamay nito ay nasa bulsa ng kanyang puting laboratory gown habang nakatitig sa dalaga. Mabilis na lumingon ang dalaga sa mga mata ng binata na kanya ring pinagsisihan. Isang ngisi ang kapansin-pansin sa mukha ng binata habang sila ay nagtitigan ng matagal kahit may takip ang kanyang mata. Tila hindi pa sila nagkakalapit ngunit nagsimula na ang kanilang away. Kinabahan si Vittoria sa kakaibang tanong ng binata. Anong ibig niyang sabihin rito? "At ano naman ang ikakatakot ko maliban sa makulong ng habambuhay sa asilong ito na hindi ko alam ang nangyayari sa aking katawan at pag-iisip? " Ikinubli nito ang totong emosyon niya. Matigas ang titig ni Vittoria sa binata na tila hinahamon ito sa

