"Baka iyong nakakalimutan, maaari kong kitlin ang mumunti mong buhay sa isang segundo lamang?" Isang bantang hindi na tumatalab kay Vittoria. Ang aking kahilingan! Ako na ang nagmamakaawa...ito sana ang nais niyang bigkasin subalit nang alalahanin niyang mamatay siya ng walang kaalam-alam sa kanyang pagkatao ay tila isang nakakainis na katotohanang pumipigil sa kanyang pagkitil sa sarili niyang buhay. Kaya't nanahimik na lamang siya. Si Franco ang pinuno ng mga militar dito na nagbabantay sa lumang asilong ipinatayo para sa mga nawalan ng tamang pag-iisip. Batid ni Vittoria na ang Sector 37 ay hindi isang kampo ng militar lamang. Ito ay itinayo upang maingat na masdan ang mga naikulong rito sapagkat ang mga tao rito ay ikinokonsiderang mga halimaw sa lipunan. Mga mamamatay tao. Na

