Chapter 1.6

949 Words
“Sandali, ano nga ba ang pakiramdam ng malapit ka ng mamatay? Mananalangin ba ako sa Diyos na ako’y mapunta sa langit? Kagaya ng kung paano magdasal ang mga pasyente sa asilong ito? Maiiiyak rin ba ako sa sakit?,” nakangiti ito habang umiiling-iling sa kanyang iniisip. Gusto kong basagin ang bawat ngiti nito. Isang salita sa isip ni Vittoria. Puno ng galit ang mga mata nito sa loob ng panyo. Kung alam lamang ito ang pakiramdam ng pighati na makita ang isang batang lalaking inaagawan ng buhay sa kanyang paningin subalit hindi niya alam kung paano ito tulungan… “Vittoria, bakit hindi mo subukang titigan ang aking mga mata?I'm already offering you to kill me, why don't we just be quick with this? I thought you wanted us all dead? Don't you wish to s*******r us all as you open your eyes to freedom?” “H-hindi. Nahihibang ka na ba?” "So you don't want to kill us after all?" Napatingin si Vittoria sa mukha nito na kahit papano ay alam niya na sinusubukan lamang ni Franco ang kanyang emosyon. Pinaglalaruan nito ang isang sumpang kapangyarihan na taglay niya.  “Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko. Sa oras na maramdaman ko na mawawalan na ako ng hininga ay iiwas ako ng paningin…” “Nababaliw ka na! Wala pang kayang umiwas sa aking mata matapos nila itong titigan!” Inilapit ni Franco ang kanyang mukha kay Vittoria, hindi alinlangan ang panganib na dala nito. “Kaya ating susubukan kung hindi ko kakayanin…hindi ba’t gustong gusto mo akong patayin noon pa lamang? Why changeg your mind now, love?” Natahimik si Vittoria sa pagkaseryoso ng boses ng binata. “H-Huwag! A-Ayoko ng p-pumatay. Marami na ang n-nagdusa dahil sa a-akin…itigil mo  na ito- Naramdaman ni Vittoria ang paghawak nito sa gilid ng panyo sa kanyang kanang mata. Hindi ito makagalaw sapagkat nasa ibabaw niya si Franco at ang dalawang kamay niya ay hawak ng kaliwang kamay ni Franco. “Tigilan mo ang kahibangan mo!” “Nais ko lang masdan ang aking alas sa mundo. Ikaw ang tutupad sa aking pangarap! Bawat isa sa mundo ay luluhod sa iyong harapan sapagkat taglay mo ang isang kapangyarihang walang papantay. Sa iyong mga tingin, sila ay mananalangin!,” ngumiti ito habang iniisip ang kanyang panalo.  Parang isang demonyo, parang isang demonyo sa gitna ng dilim… Mabilis na itinaas ni Franco ang panyo subalit pumikit ng mariin si Vittoria. Ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mata ay nakakakit upang idilat ang kanyang mata subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. “Naantig ako sa pag-ayaw mo subalit kailangan ko itong subukan. Vittoria, idilat mo ang iyong mata at titigan mo ako, ngayon din!” “No! No!” Inilapit ni Franco ang kanyang bibig sa kanyang tenga at dinilaan ito. "Franco!” Nagpumiglas si Vittoria sa paglapit ng kanyang labi sa  kanyang tenga subalit hindi natinag si Franco. Ang paghinga nito'y isang mainit na hangin na dahilan upang mariing ipikit ni Vittoria ang kanyang mga matang natatakpan ng panyo  habang ang mga kamay nito ay namuo ng isang bola at naramdaman niya ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa kanyang palad. “T-Tigilan mo ako, Franco!” Nang biglang isang kaluskos ang nagpatigil kay Franco sabay ng isang presensiya. “Sir, Private Hangrov reporting Sir!” Isang  sundalo ang nakatayo habang ang kamay nito ay nakasaludo kay Franco, tatlong metro mula sa kinahihigaan namin. Mabilis itong umiwas ng tingin pagkakita sa aming posisyon at tila nahiya. Kahit nakapikit ang mata ni Vittoria ay batid niya ang bawat ekspresyon ng mga tao sa kanyang harap at ito’y  kanyang ipinapasalamat sapagkat hindi siya sobrang bulag sa kaniyang sumpa. “At ease. Speak.” Nawala ang mapaglarong tinig ito at napalitan ng isang kalmado subalit makapangyarihang boses na sanay na sanay na si Vittoria’ng mapakinggan subalit kailanman hindi natanggal ang kanyang takot mula rito. Sa bawat pagbigkas niya ng salita ay may kaakibat na panganib sa ilalim nito. Inilayo ni Franco ang kanyang mukha kay Vittoria subalit nakatingin la rin siya rito at hindi niya tinanggal ang tuhod niya sa gitna ng dalaga. “Sir, the whole mental ward is in chaos Sir. Patient 235 killed patient  147, Sir!” Naalerto si Vittoria sa  kanyang sinabi subalit kalmado pa rin si Franco. “Anything else?” “None, Sir.” Biglang tumayo si Franco. “Okay, you may leave.” “Sir, yes Sir.” “Wait---" tumayo si Franco, sa wakas. "Vittoria at your feet, now.” Napatigil ang sundalo at lumingon samantalang nagtatakang tumayo si Vittoria habang marring nakapikit pa rin ang kanyang mata. “You’re a new soldier, right? I haven’t familiarize your face. Come here. What’s your first name again?” Lumapit ang sundalo at mabilis na umatras si Vittoria sa kanyang kinatatayuan ngunit hinawakan  ni Franco ng mahigpit ang kanyang mga braso at ipinwesto sa kanyang likuran upang hindi ito makalaban. “Drizz, Sir.” “Okay Drizz Hangrov, I want you to touch this girl, right here. “ “N-NO! Franco! Itigil mo na ‘to!” Nagpumiglas si Vittoria kahit nanghihina ang kanyang katawan. “S-Sir?” “Who’s your superior?!” “Sir, Commander Geisler, Sir!” “And who is Commander Geisler?” “Sir, you are Sir.” “Now do what I tell you before I shoot that brain of yours to trillion pieces.” “Sir, yes Sir.” “Napakasama mo. Napakasama mo— “Touch her breasts— “But Sir— “You dare defy me?”  Isang kasa ng baril ang nagpatigil ng paghinga ng sundalo at ni Vittoria.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD