Bakit? Hindi ba't ang pagnanasa sa isang babae kung hindi mo ito katipan ay hindi nararapat subalit hindi ba mas malala ang iyong pagnasahan ang mismong kapatid? Tila hindi mapakali si Vittoria sa nakatala sa talaarawang iyon ng Amerikanong binata. Tila sabik na si Vittoria na matapos ang umaga at nang kanyang maituloy ang naudlot na pagbabasa. Nais na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa dalawa. Katulad rin ba ito ng mga una niyang nabasa? Magagawa kaya ng lalaking kapatid na suwayin ang sagradong utos ng panginoon. O mapipigilan kaya ng lalaki ang kanyang sarili na itigil ang kanyang tawag ng laman? Ang mabagal na paglingon ni Franco at paglapit niya sa dalaga ang pumatid sa malalim na pag-iisip ng dalaga. Subalit nakahanda ay lumaki pa rin ang mata ng dalaga sabay ng mabili

