“I believe I have gained the satisfaction of inflicting pain to you in those 60 seconds…at nais kong hintayin mo, darating ang araw na hindi ako magdadalawang-isip na titigan ka habang nalalagutan ka ng hininga sa aking harapan, habang nagmamakaawa ka sa iyong buhay, habang nagdarasal ka sa Diyos, habang tumutulo ang butil ng luha sa iyong mga mata sa pagtitig sa akin sa aking mga mata. Ah…naiisip ko palang ay parang nais ko ng magsaya— “I am desperately excited, mi love. Siguraduhin mong nalalapit na iyan dahil kung hindi…ako ang tatapos sa iyo…,” malamig na saad nito. Nagtinginan ang dalawa habang isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanilang mukha ngunit ang bawat laman ng kanilang mata ay kakaiba. Muntik ng makalimutan ni Vittoria ang dilaw na likidong hawak nakabulsa lamang sa

