Chapter 1.3

490 Words
Kilalang-kilala ni Vittoria ang may-ari ng panturok na ito, pati na ang marka ng isang ‘crescent moon’ sa kanang bahagi ng leeg nito--parehong marka na nakay Vittoria. Ang simbolo na ikaw ay isang Arturian. Ito’y naiturok sa kanilang dugo gamit ang pinaghalo-halong kemikal at tanging mga taga-Arturia lamang ito nagpapakita. Bagamat hindi pa siya nito nahahagilap, ang buong silweta nito ay sapat na upang pabilisin ang t***k ng puso niya at baliktarin ang buong pag-iisip nito. Malamang si Franco agad ang unang makakahabol sa kaniya.  Walang duda. Katulad pa rin ng dati. Anumang kabang nararamdaman ni Vittoria kanina ay hindi makakapantay sa matinding kuryenteng nagpanginig sa buto nito.  Babalik na naman ba siya sa asilo? Labing siyam na taong gulang ay tila bata pa. Ngunit muli, ang mga taong katulad niya ay hindi pa nakakaabot sa edad niya.  Iwinaglit ni Vittoria ang katotohanang iyon sa kanyang isip at pinakiramdaman ang paggalaw ni Franco sa kanyang kinatatayuan subalit napatigil siya nang mahagilap ang paglapit nito sa kanyang gawi.  Pinilit niyang hindi gumalaw sa pagnginig ng buo niyang katawan. Katapusan na nga ba niya.  Malalakas na yapak ng paa ang dumagundong sa gawing kanan at ang dating matanda ngunit matipunong sundalo ang nangunguna rito. Ang bawat kilos nito ay kalkulado at ang hawak nitong mahabang M16 ay kapansin-pansin sa dilim.  Isang opisyal sa militar.  Tila mga dahong mahinhin na gumagalaw sa gubat ang mga ito sa kanilang sambong berdeng mga uniporme. Subalit malinaw ang  pananaw ni Vittoria.  Isa pa, ang presensya ng mga ito ay kapansin-pansin. Marahil ay nasanay na siya sa mga ito nang sila ay nasa asilo pa lamang.  Nagtago si Franco sa isang malaking puno. Nagtaka ang dalaga sa kilos ni Franco. Bakit ayaw niyang magpakita sa kanyang  mga sundalo? Subalit ang pag-iisip ay pagsasayang ng oras sa kasalukuyan niyang sitwasyon. Ipinagpatuloy ni Vittoria ang pagtahak sa dilim kabaligtaran ng puwesto ng mga sundalo.  Nang sinigurado niyang hindi siya mahahagilap ng mga ito sa kanyang patutunguhan, dumapa siya sa mga malalaking ugat ng puno at nagsimulang gumapang hanggang makalayo-layo siya at nakayukong tumakbo pababa sa gubat, pataas, paikot sa mga malalaking puno patungo sa kung saan siya mapapadpad na ligtas at wala si Franco.  Sa mabilis nitong pagtakbo, maraming hibla ng kanyang buhok ang nahuhulog na dumidikit sa pawisan niyang mukha, hinaharangan ang kanyang pagtingin. Mabilis nitong itinali muli ang kanyang buhok subalit dali-dali na naman itong natatanggal.  Tila nasa ibaba na siya ng gubat. Konting tiis nalang sa mga nangangalay niyang binti at naghihingalong dibdib ay maabot na niya ang dulo nito. Tungo sa mga bahay at siya ay hihingi ng saklolo.  Isang malaking kamay ang kumapalampag sa kanyang likuran dahilan ng kanyang pagkawala ng balanse. Natumba siya sa lupa ngunit gumulong siya agad at hindi inalala ang sakit.  Walang segundong pinalipas, hinila niya ang nakatagong kutsilyo mula sa loob ng manggas ng kanyang damit, at inikot upang itutok sa harap niya.  Imposible! Paano nito ako nahanapan? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD