Hinila niya ang nakatagong kutsilyo mula sa loob ng manggas ng kanyang damit, at inikot upang itutok sa harap niya.
Imposible! Paano nito ako nahanapan? Ang biglaang pagsugod ni Vittoria sa kanyang kutsilyo ay tinapik lamang ni Franco gamit ang kanyang braso. Hinawakan nito ang kanyang kamay na may hawak ng kutsilyo ngunit mabilis na ihinulog ni Vittoria ang kutsilyo bago inikot ang buo niyang katawan upang matanggal ang pagkahawak niya bago pa nito maiposas ang dalawa niyang kamay, yumuko siya sabay ng pagkahulog ng kutsilyo sakto sa kanyang kanang kamay.
Kasabay ng pag-ikot niya sa lupa ay ang pagkahiwa ng pantalon ni Franco sapagkat mabilis itong umatras kayat hindi nakuha ang kanyang mga binti.
Sila lang ang nakakarinig sa bawat kalabog, sampal at suntok ng kanilang kamay sa katawan ng isa't isa. Tila sila'y sumasayaw sa kalayuan maliban sa damdamin nilang nagpapatayan.
Nang biglang ilabas ni Franco ang panturok, muntik ng maitusok nito kay Vittoria ngunit sa takot ay mabilis itong umilag at kumawala sa kanyang mahihigpit na hawak. Mas tumindi ang kanyang takot sa nangyari, malapit na siyang mahuli nito.
Hindi maari. Hindi maari.
Hawak nito sa kaliwang kamay ang panturok, hindi niya ako mahahawakan hanggat aking sinusugod ang katawan nito at iniilagan ang turok.
Bawat kamay at paa nila'y nagpapalitan sa pagsugod nang magsanggaan ang kutsilyo at braso ni Franco. Malapit na sa leeg ni Franco ang kutsilyo ngunit ganoon din ang karayom na dilaw na likidong kanyang hawak, isang pulgada lamang sa braso ni Vittoria ngunit kanyang itinutulak palayo.
Dalawang pinipilit itusok ang kanilang mga sandata, sa sobrang tagal, sinalubong ng mga mata ni Franco na kulay abo ang natatakpang parehong abong mata ni Vittoria.
Mas malakas pa rin ang maselang kamay nito. Malapit ng maiturok ang likido nang biglang umatras at umupo si Vittoria upang tamaan si Franco sa tiyan nito ngunit ang kaliwang kamay nito ang walang alintanang humawak ng mahigpit sa kutsilyo.
Nahulog sa lupa ang panturok ngunit nang magsimulang tumulo ang dugo nito mula sa kutsilyo ay napatigil si Vittoria at dali-daling hinila ang kutsilyo at iniatras ang sarili.
Pinagmasdan ni Vittoria habang tinitignan ni Franco ang kanyang duguang kamay.
There's too much blood dripping from his hand to the ground.
Napatigil si Vittoria ng saglit habang naramdaman niya ang mabilis na pagpitik ng kanyang pulso.
Subalit kailangan na niyang lumisan.