Dahil sa mga narinig hindi nila malaman ang sasabihin at kung kanino aapila sa mga lalaking katabi nila. Kasabay din sa marahas na pagpalis ni Dave sa kamay ni Amara na nakahawak sa kamay niya. May ngisi naman sa mga labi ni Ezekiel. "Hindi ba napakahirap naman yatang makasal sa isang babae spoiled brat na walang alam kung hindi magliwaliw kasama ang kung sinu-sino, at mapabilang sa isang pamilyang aportunista. Hindi pa man kinakamkam na ang pinaghirapan ng iba." May ngising nakakainsultong turan ni Ezekiel. "Tulad ng sinabi ko ibabalik n'yo lahat ng kinuha ninyong ari-arian ng mga Belanger kasama ang mga kinita ng mga negosyo nila. Kung hindi lahat kayo kasama ng abogado ninyo ipakikulong ko at sisigurohin kung hindi na kayo makalalabas ng bilanggoan." Mariing wika ni Nikkel.. "At ano

