Episode XXVI

2423 Words

Kung malaki ang tinatawag nilang villa sa hacienda halos doble ang laki ng bahay sa harap namin ngayon. Tatlong palapag ito. Kulay puti rin at itim may terrace sa pangalawang palapag at may malawak na pinto sa likod nito. Para siyang palasyo. May bilog na fountain sa harap. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang bilyonaryo ang asawa ko. Isang lalaking palaboy na ng dahil sa gutom at init ng panahon nawalan ng malay kaya nasagi ko siya ng aking sasakya at humandusay sa semento. Putok ang kanyang noo, namaga ang kanyang balakang at nagtamo ng mga galos sa katawan. Ngayon eto siya sa aking tabi na parang haring niyuyukudan ng mga alipin at ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila isang batas na dapat sundin. Isa ng magaling na abogado. Attorney Michael Pierce Nikkel Dacumo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD