"What?! Nabaril" Pasigaw ko ng wika dahil parang baliwala lang sa kanya ang nangyari. Mahigpit ko rin siyang hinawakan sa braso at hinarap sa akin. "Tinamaan ng bala ng baril." May pagkapilosopo niyang turan. "Alam ko, seyempre binaril ka di may pumasok ngang bala sa katawan mo. Ang tinatanong ko bakit ka nabaril? Sinong bumaril sayo? May naka-away ka ba? May nasagasaan tao? Yung mga pinakulong mo." Naghihisterikal ko ng saad. "Walang kinalaman ito sa mga taong binabanggit mo." Saad niya, naglakad na siya papasok sa isa pang pinto, sumunod naman ako sa kanya habang nagbubunganga. Maluwang ang walk-in closet niya pero pansin ko halos wala pang laman, kaonti lang mga gamit niya. May ilang paper bags na nakahelera sa isang gilid. "Sino nga ang bumaril sayo at bakit wala man lang akung al

