Episode IV

2566 Words
"Ano ba Nick mapirmi ka nga, matulog kana maaga pa tayu bukas" ani Paula nahihilo na siya sa kalalakad ni Nickulas, simula pa kaninang umuwi sila hindi na ito mapalagay dahil sa matinding pag-aalala. "what if walang taong magpunta, paano na" anito kabadong-kabado talaga ito, maging siya ay kinakabahan din nag-aalala siya dito ayaw niyang ma-disappoint ito, ayaw niya masayang ang effort nito kaya nga todo suporta siya dito, ayaw lang niyang ipahalata ditong nininerbyos din siya. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila paupo sa kama niya. "Relax kalang, naniniwala akung kaya mo yan at madaming dadalo bukas kaya matulog na tayo, believe me" pagkukumbinsi niya dito, at hindi pinahalatang maging siya kinakabahan din sa magiging resulta ng re-opening ng Gym. Naalimpungatan siyang kinusot ang kanyang mga mata para makita kung anong oras na 3:48am na lumingon siya sa gawing ibaba wala na si Nickulas tulad ng lagi nitong nakagawian wala na ang hinigan nitong mattress, nakatupi na yon, nakasalansan ding mabuti ang mga unan nitong ginamit. Bumangon na din siya upang maghanda. Alam niyang kailangan siya ni Nickulas ngayon, ito ang mahalagang araw para dito, ito ang araw na magbibigay ng bagong pag-asa dito, kahapon pa siya nananalangin na sana huwag masayang ang mga pagod at hirap nito, ito ang magiging daan para makabalik ito sa pag-aaral upang makamit nito ang mga pangarap na minimithi ang maging isang abogado. Susuportahan niya ito, tutolungan niya itong maabot ang mga pangarap nito ano man ang mangyari kahit siya pa ang magpaaral dito gagawin niya, sana lang magtagumpay ito at sana pagdumating ang araw nayun siya pa din ang kasama nito. Samantala, hininto nalang basta ni Drex ang sasakyan niya pagdating niya sa tapat ng condominium building kasunod niya ang mga kaibigan ganun din ginawa ng mga ito at inabot ang susi sa valet. Napansin niyang maraming monoblock chairs na patong patong sa may entrance ng building binali wala niya yun, nagmamadali na silang pumasok sa building, ang usapan nila 10:am pero 10:45am na late na sila ng forty five minutes kanina pa siya kabado. Nagpalinga linga pa siya sa loob ng makapasok sila kinakabahan talaga siya, wala siyang nakitang tao kahit isa. "Drex talaga bang ngayon ang inauguration ng gym mo bakit mukhang tahimik yata walang katao-tao?" tanong ng kaibigan niyang si Luke "Oo nga wala kahit isa" sabad din ni Anton. Nakatayo itong iniikot ang paningin sa loob ng building. Wala kasing tao kahit isang makikita. Napansin din niya ni wala nga silang nakasabay na tao sa elevator kahit isa, kaya hindi siya makakibo, baka walang dumalo. Baka hindi na interesado ang mga tao dahil sa tagal ding nakatenga ito. "Palpak yata gimmicks ni Nickulas ah" ani Aleck. "Wag muna tayong magsalita ngayon hintayin muna nating makarating sa rooftop baka meron na dun late na tayung masyado" ani Alvin ang doctor niyang kaibigan, habang siya nama'y wala parin imik pinagpapawisan na siya paano nga kung wala ngang dumalo. Sayang ang efforts nila, malaki rin ang nagastus niya para sa pagbabago nito. "Woww" ani Alvin na gulat na gulat sa nakikita pag bukas ng pinto ng elevator. "Daming chick" bulalas naman ni Aleck, na hindi makapaniwala. "Andito na pala silang lahat Drex" wika naman ni Anton siniko siya nito dahil sa pagkatulala. Hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Nauna ng lumabas ang mga kaibigan niya pero hindi ito makausad dahil walang madaanan sa dami ng tao, napansin din niyang pasimpleng nagbubulongan ang mga tao, kung kanina pinagpawisan siya mas lalong naduble pa ngayon. "Anton" tawag niya sa kaibigan niya. "Why" sagot nito. "Yung foods" "On the way na daw" Usal nito habang sumisingit sa mga tao para makadaan. "Hindi yun i mean padagdagan mo kukulangin yun sa dami ng tao" Anas niya dito. "Sir dito po" ani ng isang security guard na pumutol sa kanilang pag-uusap. Hinawi ng tatlong security guards ang mga tao para may makadaan sila. Nakita niya si Nickulas sa bandang dulo kausap nito ang isang pari katabi nito si Paula at ang dalawang alalay ng pari andun din ang pinsan niya kasama nito ang mga kaibigan. Nasa tabi rin ng mga ito ang dalawang kaibigan ni Nickulas. Ng makita sila nito sinalubong sila nito. "Sensiya na na-late kami, traffic may banggan yata" aniya at nakipag kamay dito, iginiya na sila nito palapit sa pari at ipinakila sila isa isa. "Drex pwede bang hintayin muna nating yun kaibigan ko galing pa kasi yun ng Italy, na delay daw yun flight pero on the way na daw." pakiusap niya. Mayamaya pa may mga ingay na silang nadinig. May pumipito at pumapalakpak pa. "Wow ang ganda talaga niya" ani ng isang boses "Ang tangkad niya" "Ang kinis ng kutis niya nakakaingit" "Ang ganda niya sa personal. Ang bait pala niya." ani pa ng isang boses. Ilang lang yun sa mga naririning nilang kumento ng mga taong nahahabaan ang mga leeg pero wala pa naman siya nakikitang ibang taong dumadating pawang mga flash at pag-click lang ng mga cellphone, na nagse-selfie ang mga yun. Nang mahawi ang mga tao nanglaki ang mata niya kilala niya kung sino ang nakikita niya lagi itong laman ng mga magazine, isang super model naka short ng maong at naka white long sleeve nakasuot din ito ng shade, inilipat nito ang suot na shade sa tuktuk ng ulo kaya mas lalong nakita ang napaganda nitong mukha. Ngumingiti at kumakaway ito sa mga tao. "Nickulas" sigaw nito na nakapagpalingon kay Nickulas "Therese" ganting bigkas naman ni Nickulas, sinalubong nito ang babae at niyakap ginawaran din nito ng isang halik sa noo. Napansin niya masayang nagkukumustahan ang mga bagong dating na parang bang isang daan taon hindi nagkita. "Pau-pau" bulalas uli nito ng makita si Paula. Agad din itong lumapit at naki beso. Ipinakilala ni Nickulas sa kanya lahat ng mga kaibigan nito na pawang puro modelo ganun din sa mga kaibigan niya pero napansin niya mukhang ayaw ng bitiwan ng kaibigan niyang si Alvin ang kamay ni Therese, napailing nalang siya sa inaakto nito. Sa pangalawang pagkakataon nakarinig na naman sila ng tilian mas malakas mas madami may lumulundag pa karamihan mga babae, nakita din niyang tumulong nading makihawi ng mga tao yun dalawang kaibigan ni Nickulas nakita din niya nagmamadali din naglakad si Nickulas palapit sa mga nagkakagulong mga tao, sa pagkagulat niya may isang matangkad na lalakeng biglang tumakbong payakap kay Nickulas dalawang beses pang nagyakapan ang mga ito. Na mukhang sabik na sabik sa isat isa. Hindi siya makapaniwala ang idol niyang car racer champion ng Paris ang nasa harap niya ngayon, ito pala ang sinasabi ni Nickulas na kaibigan nitong model, maging ang mga kaibigan niya ay napanganga sa nakikita. Sa nakikita niya sa mga ito parang malalim ang naging samahan ng mga nito pero ayun kay Nickulas naging palaboy siya bago nakilala ni Paula. Sa tingin niya parang galing ito sa may kayang pamilya sa tindig, sa pananalita at kung pomorma ito na para bang hindi pwedeng baliin ano mang ipaguutus nito. Nahihiwagaan din siya dito kung minsan. Una nga ito nakita ng mga magulang niya, may naalala daw ang mga ito na isang special na tao kahawig daw nito, pero binali wala nalang niya yun. Dahil marami naman magkakahawig kahit hindi magkakamag-anak. Hawak na nila ang gunting na ipang-cu-cut ng ribbon ng nag-sign ng stop ang isa sa kaibigan ni Nickulas kaya nahati na naman ang mga tao sa gitna nakita niya ang kanyang Mommy na humahangos kasunod nito ang Daddy niya. "Sorry for being late sobrang traffic may aksedente daw" anito na humihingal pa. Inabutan agad ito ng bottle water ni Paula. Pinakilala niya dito ang mga kaibigan ni Nickulas manghang-mangha din ito ng makilala ang mga bisita nila. "Ma'dam big fan niyo po ako nun kapanahunan niyo" ani Therese, ganun nalang ang tuwa ng kanyang ina sa narinig, isang kilalang super model ngayon fan pala nito, at mas lalo pa itong nagulat ng makilala ang car racer champion na idol ng anak na isa sa guest nila, nag selfie pa nga ang mga ito kasama ang pari. "Sayang kung alam ko lang na puro model ang mga guest niyo dapat pala umaga palang nagpunta na kami dito. natatawang ani ng kanyang ina. Matapos ang cutting ng ribbon, blessing, hagisan ng mga coins, kainan. Ang mga guests nila makikita mong masaya lahat sa dami ng ibat-ibang masasarap na pagkain na nakahain at talagang mabubusog ka. Abalang-abala ang mga tao sa pag-fill-up ng registration form may mga nagtatanong din sa kanyan kung pwede daw ipa-register din ang kapatid nitong hindi nakadalo. Nakita din niya abala si Nickulas sa pakikipag-usap sa kanilang mga guest, magkasama naman sa iisang table sila Paula at si Maui ang kanyang secretary, sa table ng mga ito nagbabayad ng registration fee. Nakita din niya ang kanyang mga magulang nag-entertain ng mga guest very supportive ang mga ito hindi nga makapaniwala ang mga ito sa dami ng mga dumalo, kung siya nga nagulat at hindi makapaniwala na mahigit 400 katao ang dumalo. Samantala nuon una niyang in-open ang gym niya mahigit 100 lang ang dumalo. Nakita din niyang maging ang mga sport wear at rubber shoes na display ni Nickulas ay paubus na. Ang mga babaeng model na kaibigan nito ang abalang nagaasikaso sa mga sportswears, sa pangunguna ni Therese katabi nito ang kaibigan niyang si Alvin mukhang binabakuran na nito ang model. Dito daw in-order lahat ng display nito may clothes line daw ito sa abroad. Matapos ang mahaba habang registrations, nag suggest ang mga kaibigan ni Nickulas na rumampa silang mga hot bodies nun una ayaw niya pero tinaasan siya ng kilay ng kanyang ina. "Huwag mo akung ipahiya Drexford baka nakakalimutang mong dati akong super model at beauty queen nun bago ako pinakasalang ng Daddy mo" sermon nito sa kanya, kaya wala na siyang nagawa kung hindi sumunod nalang sa mga gusto ng mga ito ganun din ang mga kaibigan niya. Una siyang rumampa nakasuot lang siya ng simpleng puting t-shirt, faded jean at white rubber shoes, habang ang tatlong security guards at ang dalawang kaibigan ni Nickulas ay nakabantay sa dadaanan nila upang hindi sila dumugin ng mga tao. Diretso lang siyang naglalakad sinunod lang niya ang bilin ng mga ito, pero pagdating niya sa gitna bigla siyang simigaw ng "aahhh" sabay punit niya ng kanyang t-shirt nahati yun sa gitna dahil hindi umabot hanggang sa laylayan ang punit kaya lumawit lang yun sa kanyang bewang dahil sa ginawa niya hiyawang ang mga tao lalake't babae may mga pumapalakpak din kabilang na ang kanyang magulang na may malawak ng ngiti sa labi nakasunod din sa kanya ang mga digital camera at mga cellphone para i-video siya, kasunod niyang rumampa si Aleck pinunit din nito ang t-shirt pinakita pa nito ang mga muscle sa dibdib at braso hiyawan, palakpakan, may mga pumito pa dahil sa ginawa nito. Sumunod si Alvin hawak nito sa kamay si Therese nakataas sa ere pagdating sa gitna pinaikot pa nito si Therese ng dalawang bases at yumukod bago nito pinunit ang t-shirt na suot sigawan ulit ang mga tao, kasunod nito si Anton ng may malawak na ngiti sa labi kaya kita kita ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi, sununod dito si Luke na may seryosong mukha pero pagdating sa gitna lumundag pa ito ng bahagya bago pinunit ang t-shirt na suot pinagalaw din nito ang mga muscle sa likod kasunod nito si Nickulas na hubad baro may mga butil ng tubig sa katawan pagdating nito sa gitna pomorma pa itong parang lalaban ng body builder dahil dun umani ito ng malakas na palakpakan, tili ng mga babae at lalake humihiyaw dahil sa pagrampa nito, at ang huling lumabas ang car racer at model na kaibigan ni Nickulas pagkalabas palang nito mabibingi kana sa lakas na mga sigaw at palakpak ng mga tao may mga pumipito pang mga kalalakehan, pagdating nito sa gitna bigla hinubad ang t-shirt na suot at pinaikot-ikot yun sa ere tsaka inihagis pataas lumanding yun kung saan maraming kumpulan ng mga babae, kasabay ng dumagundug na makalas na tilian ng mga tao. Napakasaya at successful ang naging re-opening ng gym niya sana lang magtuloy-tuloy yun. Isa-isa ng nag-uuwian ang kanilang mga guest, isa-isa din nilang pinasasalamat ang mga ito, napansin niya si Nickulas magaling itong umistima ng mga tao yun tipong hindi mo tatangihan, yun tipong babalik balikan mo siya kaya napa hanga siya dito kung gaanu din ka-dedicate ito sa trabaho. Alas singko ng hapon, sila na lang ang natitira nakauwi na ang mga bisita nila maging ang idol niya, kasunod ng mga itong umalis ang mga magulang niya, naiwan nalang ang mga kaibigan at pinsan niya, nasa kabilang table naman mga kaibigan ni Paula nagkukwetohan. Ng biglang bumukas ang pinto ng elevator lumbas dun ang isang babaeng mahaba ang buhok na naka ipit ang ilang hibla ng buhok sa kaliwang side ng ulo nito mala angel ang ganda nito makinis ang kutis, walang bahid ng ano mang make-up ang mukha, natural na mapula ang mga labi nito may katamtaman tangos ng ilong naka suot ng bistedang hindi man lang umabot sa tuhod kaya kita ang maputi at makinis nitong binti, napatayu siyang bigla pagkakita ito, naglakad siyang dahan-dahan palapit dito alam niyang lahat ng tao sa paligid niay sa kanila nakatingin nakita niya itong nagpalinga-linga pero ng malapit na siya dito malalaki ang hakbang na nilampas siya nito. Sinundan nalang niya ito ng tingin, naningkit ang mga mata niya sa nakikita, inuumang nito ang pisngi kay Nickulas ng makalapit ito dito, at ginawaran naman ito ng halik ng huli, napansin din niyang inilayo ito ni Nickulas na para bang walang nakikitang ibang tao sa paligid. Inalalay pa ito ni Nickulas palapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Matapos makapili ng gusto nitong kainin inilagay na ni Nickulas sa isang try at dinala yun sa isang maliit na table malayo sa kanila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito maya-maya pa may dinukot na papel si Nickulas sa wallet nito nakita din niya pinicturan ng babae yun papel sa pamamagitan ng cellphone nitong dala. Napalingon siya sa gawi ni Paula nakita niya itong nakayuko at nakasimangot "trouble" nabigkas niya kaya napalingon sa kanya ang mga kasama niya sa table. Paglingon niya uli dito nakatayo na ang mga ito nakahawak pa yun babae sa braso ni Nickulas lumakad na ang mga ito papasok sa loob ng gym sinundan niya ito ng tingin dumiretso ito sa opisina ni Nickulas. Paglabas ng mga ito makaraan ng mahigit sampung minuto, si Nickulas naman ang naka-akbay dito tuloy-tuloy na ang mga ito sa elevator. Pinagmamasdan niya si Paula ang kaninang hawak nitong basong may laman juice ngayon alak na ang laman ng baso nito sa pagkabigla pa niya inisang lagok nito ang lamang alak nun, sa pang-apat na baso sana nitong alak bigla may umagaw ng baso nito at ito ang uminum nakita din niyang masama itong tinitigan ni Nickulas, inabutan ito ng basong may laman tubig at inilayo ang bote ng alak dito. Napapaling nalang siya dahil nahihiwagaan siya sa pagkatao ni Nickulas. At kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa babae kanina. Ipinilig nalang niya ang kanyan ulo dahil sa naiisip. Matagal na panahon na ang lumipas bakit pa yun ang pumasok sa isip niya. ......................................................... ...please follow my account... ...add my story in you library... ....thanks much..Gob Blessed Us.. ....loveyouguys......lrs... ......Lady Lhee...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD