Episode III

2578 Words
Pagkahatid niya kay Paula sa may elevator pumasok na siya sa bahay, inumpisahan na niyang linisin ang boong bahay, nasanay na siyang ito ang ginagawa araw araw sa loob ng mahigit isang linggo. Kaunting pahinga pagkatapos niya gawin lahat na dapat niyang gawin sa bahay ni Paula naliligo na siya. Hindi naman kalakihan ang bahay ni Paula sakto lang ito para sa isang tao tulad ni Paula. Kaya hindi siya nahihirapan nilisin ito. Pumasok siya sa library ni Paula at kumuha ng isang librong babasahin bago siya tumungo sa rooftop ng building na araw araw na niyang nakagawian. Dito siya nagbabasa upang malibang, mayroon din siyang dahilan kung bakit dito siya naglalagi. May natuklasan siyang isang abandonadong fitness gymnasium na may mga lumang equipment. Sa tingin niya magagamit pa yon kung maayus, gusto niyang makita at makilala ang may ari ng gym. Dahil may nabuong plano sa isipan niya. Kailangan niyang may pagkakitaan at hindi habang buhay aasa sa iba. Pag-akyat niya sa rooftop ng building nakarinig na siya ng may kalakas sound na nagmumula sa gym. Maluwang din ang pagkakabukas ng pinto nito na dating nakaawang lang. Alam niya sira yun at hindi nasasara ang pinto kaya nga madalas niyang silipin ito tuwing aakyat siya dito. Kaya malalaki ang hakbang at may pagmamadali siyang lumapit doon at sumilip. Nakita niya may apat na kabataan dun na nagtatawanan na sa tingin niya hindi nasay mag-workout ang mga ito. Naiiling nalang siya pinapanoud ang mga ginagawa ng apat na kabataan, hanggang nabaling ang paningin ng mga ito sa kanya, ngumiti ang isa sa kanya kaya tuluyan na siyang pumasok nilapitan niya ang mga ito na may ngiti rin sa mga labi. "Sa inyo ba itong gym?" Pambungad niyang tanong sa mga ito na may nakapaskil parin ngiti sa mga labi. "Kay kuya Drex po ito pinsan ko, lagi po ba kayung nagpupunta dito kuya?" ani ng isa. "Oo halos araw araw nga andito ako, nagbabakasakaling makita yun may ari nito, sa tingin ko kasi parang napabayan na yan mga equipments, sayang lang kung masisira dahil mukhang bago pa ang karamihan." Saad niya. "Busy na kasi si kuya Drex buhat noon siya na ang nag-manage ng negosyo nila, umalis nadin yun dating mga tao niya dito." Tugon nito. "Sayang kasi itong mga ito ang mamahal pa naman niyan, hindi na ba siya nagagawi dito." Muli niyang tanong. "Minsan minsan lang siya pumunta dito, pero kung interesado ka sasabihin ko sa kanya pagnagkita kami, ano nga pala pangalan mo kuya? Dito ka din ba sa building na ito nakatira?" Saad din nito. "Oo diyang lang sa 15th floor ako nakatira pansamantala, Nickulas pangalan ko" aniya, sabay abot sa kamay niya upang makipagkamay sa mga ito. sunod sunod naman nagpakilala sa kanya ang mga kabataan, nagpag alam niyang magkakaibingan ang mga ito at kaya lang nagpunta ng gym dahil wala ng mga pasok ang mga ito dahil sem break na daw nila. Nanalaging siyang sana magkita sila kung sino man ang may ari ng gym, gusto niya makausap ito. Tatlong araw na ang nakalipas buhat ng makita niya yun mga kabataan, simula nuon hindi na bumalik ang mga ito. Napabuntong hininga nalang siya bago naupo sa isang bench na malapit sa pinto ng gym para basahin ang dala niya libro pero hindi pa niya nababasa ang isang pahina nang may marining siyang ingay na nagmumula sa loob ng gym kaya napatayo siya at sumilip sa loob nakita niyang naka awang ng kunti ang isa sa pinto dun kaya dahan dahan siyang pumasok ng muli na naman siya nakarinig ng parang may nahulog na bagay sa loob ng silid kaya nagmadali na siyang naglakad patungo doon. Bago palang siya makalapit sa pinto ng bumukas ito at iniluwa dun ang isang taong may dala ng kung ano. "Anung ginagawa mo diyan? ano yan dala mo?" Sikmat niya dito. "Sino ka? Bakit ka andito?" magkasabay pa nila tanong sa isat isa. "A-ah so- sorry akala ko kasi napasok ng magnanakaw." aniya sa nauutal na wika, napakamot pa siya ng kanyang batok sa hiya. "Ako ang may ari nito. ikaw anong ginagawa mo dito?" Malumanay na nitong tanong sa kanya. "Madalas kasi ako dito, nakita ko yan mga equipment mo mukhang napabayaan na hindi na nalilinis sayang naman kung hindi mapapakinabangan." Tugon niya at ipinakita niya interesado siya sa gym nito. "May alam kaba sa workout gym?" Tanong nito. "Apat na taon akong nagtrabaho sa gym kaya nga nagmakita ko ang mga ito nanghihinayang ako, masyado ng makapal ang alikabok may mga kalawang na din yun iba." Aniya habang inilahad pa ang kamay sa gawi ng mga equipments. "Kung interesado ka magusap tayo puntahan mo ako sa opisina ko, nagmamadali kasi ako ngayon. Kinuha ko lang ang mga ito. San ka pala nakatira, anong floor?" Tanong nito. "Sa 15th floor ako pansamantala nakatira, san ba opisina mo?" Aniya. "Drex" pakilala nito. "Nickulas" aniya at ng shakehands sila, tatalikod na sa ito ng hinugot nito ang wallet, inabot sa kanyan ang isang tarheta nito. "Yun number sa likod sa baba ang tawagan mo, sa secretary ko yun. Sige na kailangan ko ng umalis." anito at nagmamadali ng naglakad palabas ng gym. Naiwan siyang hindi alam kung anung sasabihin sa tuwa. Dahil tila dininig ng langit ang panalangin niyang makilala ang mayari ng Fitness Gym. "Salamat!" pahabol niyang wika. At may ngiti sa mga labing sumunod dito palabas ng gymnasium. Masaya siya sa wakas nakausap na din niya ang may ari ng gym sana lang pumagay ito sa nais niya. Kaya ngayon palang bumubuo na siya ng mga plano sa isip niya. Nang mga sasabihin dito para muli nitong buksan ang gym. Kinagabihan masaya niyang ibinalita kay Paula ang nangyari. Sa wednesday ng 9am siya pinapupunta ng secretary nito kaya naman si Paula na ang namili ng kung ano ang isusuot nito. "Ito nalang isuot mo tsaka eto, yung rubber shoes mong white gamitin mo." ani Paula matapos kalkalin nito ang backpack ni Nickulas. "Meron akong mga blazer." sabay tayu mula sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang may limang kahon ng ibat ibang blazer na panlalake sa closet niya. "Bakit meron kang ganyan, kanino yan, may lalake kabang kasama dito?" Kunot noong tanong niya dito. "Ano kaba ikaw palang ang lalaking nakapasok sa bahay ko bukod kay Papa, binili ko ang mga yan, pag may nagbi-birthday sa mga empleyado ko iyan ine-reregalo ko, meron din akung pambabae diyan" pahayag nito na natatawa. Kaya umaliwalas na ang kanyang mukha sa paliwanag nito. Hindi rin niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa pag-aakalang may ibang lalaki ito bukod sa kanya. Mukhang mas excited pa siya kaysa dito. White v-neck long sleeve t-shirt ang pinsuot niya dito na pinatungan ng gray na blazer at tinernohan ng faded ripped jean, ayun dito regalo daw ng anak na teen ager ng dating amo nito ang pantalon, nang minsan daw nagpunta ang mga ito sa hongkong. "Sabi nun anak ng amo ko uso daw yan ganyang may mga punit, minsan ko palang yan naisuot" aniya. "Wow! you look ruggedly gorgeous. Bagay na bagay sayo." bulalas niya na hindi napigil ang panghanga dito. Gwapo nga ito, matangkad at matangos ang ilong, makapal ang kilay, may mahaba at malatik na pilik mata na bumagay sa kulay chokolate nitong mga mata, mamula mula ang mga labi nito, may mga manipis na balbas at bigote rin ito na nakadagdag ng s*x appeal dito at ang hanggang balikat na kulay brown nitong buhok na lahat yata ng babae mapapalingon dito. Hindi mo aakalain mahirap lang ito dahil sa tindig palang iisipin mong isa itong mayamang at kagalang-galang na tao. "Tara na nga baka ma-inlove kana sakin niya." Birong wika nito at kinindatan pa siya habang mahinang tumatawa. Inakbayan na siya nito at lumabas na sila ng bahay. Ang usapan nila pagkatapos niya sa opisina ni Drex tutuloy na sila sa opisina niya para sa aap-playang trabaho sa opinisa nito. Kung hindi nito makukumbisi ang lalaki sa nais ni Nickulas. "Pwede bang ako nalang mag-drive, nakakahiya naman kasi kung ikaw pa gawin kung driver." Pakiusap nito sa kanya. "Marunong kang mag-drive" takang tanong niya dito. "Oo naman nagtrabaho ako sa talyer dati, natuto akung mag-drive ng mga sasakyan." Saad niyang may halong pagsisinungaling. "Hindi kaba baba? Baka mainip ka dito, tsaka mainit dito dun kana lang sa loob." aniya kay Paula ayaw na kasi niyong sumama sa loob. "Dito nalang ako, hihintayin nalang kita dito." Tugon nito. "Hindi pwede maiinip ka lang, mainit din dito." Pangungulit din nito sa kanya. Lumabas na siya ng kotse nito at umikot sa passenger seat upang pagbukasan ito. "Let's go. Get out of this car mainit dito." Maawtoridas nito wika at kinuha na ang mga bag niya, hinila na siya nito sa palapulsohan niya kaya wala na siyang nagawa kung hindi mapatianod dito. "Ako nalang magdadala ng bag ko, yan nalang laptop dalin mo." aniya. Dahil mapilit ito at hindi siya uubra dito. Habang papasok sila sa building ng opisina ni Drex hindi naman binibitiwan ni Nickulas ang kanyang kamay, pinagtitingin na sila ng bawat taong madaanan nila, alam ni Paula na hindi sa kanya nakatingin ang mga babaeng nasasalubong nila kundi sa kasama niya. "Yes sir, how can i help you ser?" Tanong ng isang receptionist na halatang nagpapa-cute, kaya napataas ang kanyang kilay, dahil kasama siya pero si Nickulas lang nakikita nito. Nahalata naman ni Nickulas ang naging reaksyon niya kaya inakbayan siya nito at bahagyan kinabig sa katawan nito. Pagpasok namin sa building ng opisina ni Paula napansin kong hindi man lang niya tinutugon ang mga bumati sa kanyang mga empleyado niyang nasasalubong namin, diretso lang siya sa kanyang lakad habang nakasabay ako sa kanya dala ko ang kanyang mga bag. "May problema ba? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod sunod kung tanong sa kanya pagpasok namin sa loob ng opisina niya. "Wala ayos lang ako." aniya pinagmamasdan ko siya sa bawat kilos niya at alam kung parang may mali. Inilibot ko nalang ang paningin ko sa loob ng opisina niya at hindi na pinansin ang pagtatampo niya. May kalakihan din ito pero mas malaki ang opisina ni Drex na halos purong salamin ang mga dingding tanaw halos ang buong s'yudan, puti at gray ang kulay, itong opisina ni Paula halatang pambabae old rose ang kulay ng kurtina may salamin din dingding tanaw naman ang matataas na building at ang mga kalsadang puno ng mga sasakyan. May mga displays silang mga plaques mga awards niya at isang picture niyang nakangiti nakasuot siya ng silver gray na gown. "Pwedeng pagamit ng cr" ani ko, tumango naman siya at nilingon ang isang pinto sa bandang likuran niya. Pagkalabas ko ng cr nakita kung may kausap na bisita si Paula kaya tumayo muna ako at nakiramdam, nadinig kung ng uusap sila tungkol sa negosyo kaya dahan dahan nakung naglakad. Nadinig kung tumikhim ang kausap ni Paula kaya napa-angat ako ng tingin dito, nakita ko din namutla si Paula pero nakabawi din agad. "Lo-lola s-si Nickulas po" pakilala niya sa aking nauutal. Mukhang natatakot siya sa Lola niya. "Nick ang lola ko." dagdag pa niya alam kung kinakabahan siya. "Hi po Lola good morning." bati ko dito at kinuha ko ang isang kamay niya at nagmano ako tsaka humalik sa kanyang noo. Nakita kung namilog ang kanyang mga mata kaya nangiti ako ng lihim. Naalala ko tuloy ang lola ko sa kanya gustong gusto niya nilalambing siya ng kaniyang mga apo sabi nila mas mahal daw ng nga lola't lolo ang mga apo kaysa mga anak nito. Napansin kung nagpalipat-lipat ng tingin ang lola ni Paula samin, tiningnan din niya ako mula ulo hangang paa na parang kinikilatis ako, nakatayo lang ako sa harap niya. "Naupo ka iho, nahihirapan akong tingalain ka." utos nito, sa taas niya 6'2 talagang titingalain siya nito. "Lola!" Bulalas ni Paula. "Wala naman akung sinasabi apo, nasa hustong gulang kana" anitong may ngiti sa mga labi. "Ikaw ba iho ilan taon muna? taga saan kaba?" sunod sunod niyang tanong sa akin. May pilyang ngiti rin siya sa mga labi. "23 na po ako, buhat po ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente wala na po akung permanenteng tirahan." pag-amin niya dito. Napatutup naman ng bibig ito. "Sorry for your loss." Usal nito. "Nakakalunkot naman at sabay pa silang nawala." Dagdag pa nito. Nakipagusap pa ito kay Paula tungkol sa negosyo nila, minsan tinatanong din siya nito matapat naman niyang sinasagot ito. "Bueno hindi na ako magtatagal may kikitain pa ako, maiwan ko na kayo dito." wika nito na nakatingin sa kanya. Inihatid pa niya ito sa pinto at bago pa ito makalabas nagmano siya uli dito nakita niya pang may sumilay ulit na pilyang ngiti sa mga labi nito. Nang sumunod na mga araw naging abala na siya sa gym ni Drex simula ng magkausap sila nito, kinontak din niya ang dalawang naging kaibigan sa dating pinagtrabahohan, alam niyang pwedeng pagkatiwalaan ang mga ito. "Pre salamat at kami ang naisipan mong bigyan ng trabaho." ani ng isa niyang kaibigang si Carlos "Oo pre salamat din hirap humanap ng trabaho ngayon." sabat din ng isa pang si Juancho. "Wala yun, pasensya na at maliit lang pasweldo sa ngayon, wala pa kasing kita. sagot niya sa mga ito. Lahat ng mga equipment isa isa niyang sinuring mabuti, inilabas niya ang mga hindi na pwedeng gawin. Inilista niya kung ano ang pwede pang magamit at kung ano ang hindi para ma-report niya kay Drex sinabi nito na bibili nalang ng bago kung hindi na magagamit, kailangan maka-order na para umabot sa napagusap nilang deadline, bago ang date ng re-opening ng gym. Isang buwan ang hiningi niya kay Drex para maisaayus lahat ng kailangan, napansin niyang sira na ang karamihan ng pang martial arts equipment, mga boxing bag. Nilingon niya ang apat na mag-kakaibagan seryoso ang mga ito sa ginagawa, lalo na yun pinsan ni Drex, nag-volunteer kasama ang mga kaibigan nito basta daw turuan lang sila ng martial arts ng libre. Nakikita niya ang sarili niya dito ganon din siya nu'ng una, boy lang siya, taga bili ng tubig sa isang gym, naging janitor, ng tumagal naging instructor, sumali din siya sa mga body builder competition, sa taekwondo, marami din siyang sinalihan competition nun sa pamimilit ng mga kaibigan at ng may ari ng gym. Nalungkot siya sa pagbabalik ala-ala, nanghihinayang siya, dahil dun siya natututo ng maraming bagay nag karoon ng mga kaibigan na itinuring niya mga pamilya, nagsara ang gym dahil nag-migrate nasa Canada ang buong pamilya ng may ari ng gym. Umorder nalang siya ng kanilang pananghalian dahil wala naman magluluto, total nagbigay naman ng pera si Drex para sa mga kakailanganin nila at kung kulang pa daw magsabi lang daw siya, pero lahat ng expenses nila nililista niya ayaw niya mawalan ng tiwala ito sa kanya mahirap na. Hindi niya sisirain ang tiwalang ibinigay nito sa kanya. "Kain na muna tayo mamaya na uli" aya niya sa mga ito. Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain, palabiro din kasi yun dalawa niya kaibigan, nakakaalis pagod pag may mga kaibigan kang nagpapasaya sayo, yun hindi ka nila hinuhusgahan.Yun andyan sila sa oras ng kailangan mo sila. Kadamay sa lahat ng bagay. Kasama sa hirap at ginhawa. Lahat gagawin niya para sa muling pagbuhay ng gym. Dahil ito ang magiging simula ng bagong buhay niya. . . . . . . ......................................................... ..please follow my account .. add my story in your library ......."Lady Lhee"...... ..thanks much guys.. ..loveyouguys....lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD