Ilang mahinang pagtapik sa aking balikat ang nagpadilat sa aking mga mata. Ayaw ko pa sanang pansinin yun dahil hindi pa ako tapos sa pagyo-yoga exercise ko. Kaya nagtaka pa ako dahil alam kung hindi ako iistorbohin ni Nickulas. Kaya nga may nakasalpak na headset sa mga tenga ko para walang ingay akung marinig at hindi maistorbo. At nang makita ko si Juancho na bakas sa mukha ang matinding pag-aalala, napakunot noo ako.
"Yes, any problems?" Iritable kung tanong. At sinundan ang tinitingnan niya na alam kung itinuturo niya. "s**t! Bulalas kong sigaw. "Anung nangyayari!" Halos pasigaw ko ng saad.
Mabilis akung tumayo, na halos matumba na ako buti nalang at inalalay ako ni Juancho sa braso. Halos tumakbo ako papalapit sa asawa ko ng makita ko siyang kinakabitan ng posas sa kamay ng mga pulis.
"Nickulas! Anung nangyayari dito? May nagawa kabang mali?" Halos maghisterikal kung tanong sa kanya. Kita ko pang hinugot ni Carlos ang towel niya sa balikat at ipinantakip sa kamay ng asawa kung may posas. Humihilab narin ang tiyan ko sa nerbiyos na parang mabibiyak sa sakit pero pinilit ko parin lapitan ang asawa ko pero masama lang niya akung tinitigan. Kuyom na kuyom din ang mga kamao niya na parang ano mang sigundo mananakit siya. Ano bang nangyayari. Anas kong umiiyak. Gusto kong yakapin siya at tanungin kung may nagawa ba siyang labag sa batas pero pinigilan na nila ako sa braso. Wala akung nagawa kung hindi umiiyak at paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ng asawa ko hanggang mailabas na siya ng pinto ng Gym kasama ang mga pulis.
Ilang beses ko pang paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ng asawa ko kahit alam kung hindi na nila ako maririnig. Halos maglupasay na ako sa semento sa kakaiyak. Pakiramdam mahahati na ang aking katawan sa sakit kaya mas lalo lang lumakas ang pag-iyak ko.
"Paula, magpakahinahun ka. Buntis ka pa naman." Pakiusap ni Juancho sa akin at pilit niya akong inaalalayan patayo.
"Ano bang nangyari bakit siya hinuli ng mga pulis? Anung kaso niya? May nagawa ba siyang violation? Naghihisterikal ko ng sigaw sa kanila.
"Please Paula, kumalma ka. Susundan natin siya sa presinto para malaman natin kung anong kaso niya at kung sino nagsampa ng kaso sa kanya. " Mahabang saad din ni Rafael.
"Baka pwede nating aregluhim yon." Ani pa ni JR. Habang ang mga tao naman sa paligid namin pinagmamasdan lang kami.
"Baka naman napagkamalan lang, mabait naman siya."
"Baka nga may nagawang labag sa batas."
"Baka napa trouble kinasuhan."
"Ano niya yang buntis na babae?"
Mga bulong-bulongan ng mga tao. Natigil din ang pag-e-exercise nilang lahat. Maging ang tatlong buntis na kasabayan ko kanina nakatayo lang sa di kalayuan sa amin at pinagmamasdan nila ako.
"Carlos napakasakit ng tiyan ko. Dinudugo na yata ako." Halos mapaus na ang boses ko,sa kasisigaw kasabay ng paghahulgol ko dahil sa sakit ng tiyan ko. Naramdaman ko rin ang pagkabasa ng harapan ko at sigurado akung dugo ang naaninag kung pulang likido
"Dahil n'yo na siya sa hospital baka kung ano pang mangyari sa kanya." Dinig kung sigaw na tinig ng lalaki. Kasunod ng pag-angat ko sa ere.
Mariing kung ipinikit ang aking mga mata dahil sa sakit at sa naiisip na mangyayari sa anak ko. Tanging pagiyak lang nagagawa ko sa sakit na nadarama.
"Huwag kang matutulog Paula, dadalhin ka namin sa pinakamalapit na hospital." Saad ni Juancho dahil siya ang may buhat sa akin nakaalalay naman si Rafael sa likoran ko.
"Ang anak ko!" Sigaw kung paulit-ulit, naghalo-halo narin ang pawis, luha at sipon ko sa mukha ko, magulo narin ang buhok kung kanina lang maayus na nakapusod. "Ang sakit ng tiyan ko parang hindi ko an kaya!" Muli kung hiyaw at mahigpit na kumapit sa braso ni Juancho, pakiramdam ko kailangan ko ng lakas dahil para akung nanghihina sa sakit.
Paulit-ulit ko rin sinisigaw ang pangalan ng asawa ko. Ano nabang nangyayari sa amin. Bakit namin ito dinadanas? Mga katanungan umuukil-kil sa isipan ko.
"Tama na Paula huminahun kana malapit na tayo sa hospital." Pagpapakalma niya sa akin. "Alalahanin mo ang anak mo baka kung mapaano kayung mag-ina." Dugtong pa niya.
Halos pangapusan ako ng aking hininga sa sakit na nararamdam. Parang pinipiga ang aking puso sa nasaksihan sumabay pa ang parang binibiyak sa sakit ng aking tiyan. Wala akung naitulong sa aking asawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko alam kung anung nanyari sa kanya napakabilis ng lahat. Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng matatalim na titig niya sa akin kanina. Kung galit ba yon o pang-unawa, pero iba ang talim ng mga mata niya kanina nakakahiwa. Hindi ko pa siya nakitang nagalit sa akin, seryoso ang mukha niya na may matapang na awra pero kanina halos magliyab sa apoy ang mga mata niya. Sino ba ang may kagagawan nito.
"Tama na Paula malapit na tayo, kunting tiis nalang." Usal niya sa aking at bahagya pa niya akung niyugyog. Patuloy lang ang pag-iyak ko, sapu-sapo ko ang aking tiyang walang tigid sa sakit basang-basa narin ang ibabang bahagi ng aking katawan. Kabadong-kabado rin ako para sa aking anak. Hindi ko alam kung sinong karamay ko ngayon wala sa tabi ko ang aking asawa, sa kanya lang ako humuhugot ng lakas ng loob.
"Andito na kayo Paula umayus ka na. Bilisan mo Carlos tumawag ka agad ng tutulong sa atin." Halos pasigaw na saad ni Juancho. Hindi pa man humihinto ang aming sasakyan. Hindi rin siya masyadong makagalaw dahil halos nakadagan na sa kanya ang aking katawan.
Mga nagkakagulong mga hospital staff ang sumalubong sa amin ng pasigaw na humingi ng tulong si Carlos paglabas niya ng sasakyan at agad akung pinagtulungan buhatin nila Juancho at Carlos pahiga ng stretcher. At kaagad din may nagtulak papasok sa loob ng emergency. Sari-saring nga tinig ang aking naririnig nagtatanong kung anong nangyari sa akin.
"Tawagan mo si Sir Drex ipaalam mo ang nangyari." Dinig ko pang utos ni Juancho.
"Tinawagan na ni JR. kanina bago tayo umalis." Sagot naman ni Carlos.
"Paula, lakasan mo ang loob mo andito lang kami hindi ka namin iiwan." Usal ni Carlos habang malalaki ang hakbang nilang nakasunod sa amin.
"Dito nalang po kayo maiwan, hindi na po kayo pwedeng pumasok sa loob." Rinig kung pakiusap ng isang boses bago pa ako ipinasok sa isang kwarto.
.
*****
.
Agad akung i-interrogate ng mga pulis at kinuhanan nag mugshots, kaliwat, kanan at paharap at maging fingerprints kinuhanan din nila ako. Pagdating namin dito sa presinto marami din akung bulong-bulongan naririnig.
"Sino yan? Anong kaso niya? Ang gwapo niya." Ilan lang yan sa narinig ko at hindi ko na sila pinag-aksahan pang lingonin. Galit ang nagliliyab sa dibdib ko ngayon. Galit sa mga taong gumawa nito sa akin. Sino nagsampa sa akin ang kasong s****l harassment wala naman akung inabusong babae simula pa ng magkaisip ako. Wala din akung bina-blackmailed na tao at mas lalong wala akung taong ikinulong ng sapitan. Tang'..na malaman ko lang kung sino ka, pagbabayaran mo ito ng mahal isinusumpa ko.
Sa isang iglap nagbagong bigla ang buhay ko, namin ng asawa ko. Napakasakit tanggapin gumuho ang lahat ng pondasyon pilit kung itinatayo para sa pamilya ko. Ang masaya namin pagsasama sinira nila, namansahan ang pangalan ko ng hindi ko alam kung sino ang may kagagawan ng mga ito. Buti nalang hindi ko ginagamit ang tunay kung apilyedo kung hindi mas malaking iskandalo ang mangyayari, mas malalagay ang buhay ko sa panganib. Sisigurohin kung pagbabayaran ng mahal ng taong nasa likod nito. Ipalalasap ko sa kanya ng bobleng hirap at sakit na dinanas ko, ng pamilya ko ngayon, ang matitikman niya, pagsisihan mong lahat ng ito. Kahit sino kapa matitikman mo ang paghihiganti ko ipakikita ko kung paano manigil ang isang Belanger. Mga katagang inuukit ko sa aking isip. Dahil wala naman akung inagbrabyadong tao. Wala akung ginawa tulad ng nakasaad sa i-severed nilang Warrant of Arrest.
"May abogado ka na ba?" Tanong ng isang pulis na naka escort sa akin. Kaya napaligon ako sa kanya, at awtomatikong napailing. "Kung wala pa at wala kang kakayahan kumuha ng abogado, meron tayong libreng mga abogado dyan makipag-unayan ka sa PAO. Dadalhin ka namin dun pagnatapos ka dito." Aniya. Kaya tinanguan ko nalang siya at hindi na nagbigay ng kahit anung salita.
"Wala daw ba siyang contact na Attorney?" Dinig kung bulong ng isang pulis sa kasama niya.
"Wala daw, pero mukhang naman mayaman." Sagot ng huli. Kaya hindi nalang ako imimik pa dahil gulong-gulo ang isip ko. Ano ng nangyari sa asawa ko buntis pa siya. Bakit hindi sila sumumod sa akin dito. Malaman ko lang talaga kung sino ka, mananagot ka sa akin. Piping bulong ko sa isipan ko. Dahil sa pagkabigla kanina tangin kasong ihinain lang nabasa ko at ang pangalan ko. Malalaman ko rin kung sino ka. Pagsisisihan mo ang kawalanghiyaan ginawa mong ito sa akin.
Matapos ang mahaba-habang proseso, tulad ng ibang taong nagkasala sa batas at inaresto, ikunulong niya sa isang lockup kasama ng iba pang nagkasala sa batas na hindi pa dinidinig ang isinampang kaso.
Bagsak ang mga balikat nilang pumasok sa loob. Habang lahat naman ng tao sa loob ay mataman lang siyang pinagmamasdan. Pabagsak din siyang sumalampak sa sementong sahig malapit sa pintong rehas na bakal matapos siya tanggalan ng posas. Pinasahan pa niya ng tingin ang tao sa palibut niya at walang emosyong naiiling dahil may karamihan ang mga tao at mukhang na nagsisiksikan na ang mga ito. Paano sila nakakatulog kung ganito at sobra pang init. Piping tanong niya sa isipan niya.
"Bok, anong kaso mo?" Maangas na taong ng isang lalaking nakahubad at kitang-kita ang tatoo nito sa kaliwang dibdib na umabot hanggang balikat.
"Blackmailing" Wala sa kondisyong niyang sagot dito. "Napagbintangan lang." Dugtong pa niya. Pero nginisihan lang siya nito na parang nakakaloko.
"Lumang palusot na yang salitang napagbintangan, napagkamalan at pinaratangan, hindi na nabibili dito yan." Nakakalokong tawa pa nito sa kanya.
"Kung hindi ka maniniwala di huwag, anung pakialamam ko kung ayaw mong maniwala, sino kaba? Huwag kang magtanong kung hindi ka rin lang maniniwala." Singhal na niya dito at masamang nakipagtitigan ang lalaki. Mukha itong hindi gagawa ng matino. Pero mukha rin walang ibubuga, dinadaan lang sa angas ng mukha.
"Wala pang bumastos sa akin ng ganyan bata. Baka gusto mong makita ang hinahanap mo." Sikmat na nito sa kanya. "Kay bago-bago mo kung umasta ka parang kang may ibubuga, mukha ka naman lampa." Pangiinsulto pa nito sa kanya. Pero hindi nalang niya pinansin dahil lumilipas ang utak niya sa pag-iisip kung sino ang nasa likod ng lahat, at kung bakit hindi siya sinundan ng asawa at mga kaibigan niya. Nalilito narin siya kung may kinalaman ba ang mga ito.
"Fvck!" Mariing sigaw niya ng may biglang sumapak sa kanya, at agad siya napatayo. "Tang..**na! Ano bang gusto mong mangyari? Kung gusto mo ng basagan ng mukha pagbibigyan kita dun tayo sa labas para fair ang labanan.
"Tang..** na karin. Huwag mo akung babastusin sa teretoryo ko." Sigaw nito sa mukha niya. At akmang susuntokin siya uli ng makailag siya.
"Kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita, sigurohin mo lang na magliliyab yan dragon sa dibdib mo dahil kung hindi, ipakakain ko yan sa'yo." Mariin usal niya at pinaulanan niya ito ng sunod-sunod na suntok sa mukha. Pinawalan niya ang kanina pang galit na nag-aapoy sa kanyang dibdib. Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong makaporma, tanging pagsalag lang ng mga braso nito sa mukha ang nagawa.
Bagsak itong sumasargo ang dugo sa mukha ng tigilan niya ang kalaban, isang suntok pa sana ang pakakawalan niya dito ng madinig niyang may pumito. Nag-ingay din ang iba pang preso sa hindi niya malamang dahilan, alam niyang may ibig sabihin yon.
"Sa susunod mamili ka ng kakalabanin mo. Sisiw ka lang agila ako at walang silbi ang dragon mo sa dibdib." Sikmat niya dito at bumalik sa inipuan niya kanina na parang walang nangyari.
"Ano na naman ang nangyari dito? Dacumos kabago-bago mo napa-away ka agad." Singhal ng isang pulis, hindi naman siya umimik at pinagmasdan nalang niya ang lalaking nagpipilit tumayo. "Kinursunada mo na naman ang bagong pasok Estong, hindi mo kakayanin yan at ilalampaso ka lang niya. Martial art expert yan." Nakangising saad ng pulis." Naiiling nalang itong lumisan. Dinig din niya ang pagsinghap ng ibang kasamahan nilang preso.
"Nakahanap narin ng katapat mo huh. Galitin mo pa para magkabali-bali buto mo." Pang-aasar pa ng isang pulis.
"Sa susunod na may sinaktan ka pa dito, babalikan kita at dudurugin kita sa palad ko, at kahit lumabas ka pa dito hahantigin kita, ipapakain ko sayo ang dragon sa dibdib mo. Mark my word ashole." Mariin niyang sikmat ditong pananakot ng maka-alis na ang mga pulis. Kita niya ang takot nito sa mga mata, kaya lihim siyang napangisi. Nawala ang yabang nitong ipinagmamalaki kanina.
"Dacumos may bisita ka." Anunsyo ng isang pulis, kita niya sa may likuran nito ang humahangos na si Drex.
"Anung nangyari bakit nagkaroon ka ng kaso?" Agad na singhal nito, nagsawalang kibo nalang siya dahil kahit siya hindi niya alam ang tamang kasagutan. "Nasa meeting ako kanina kaya ngayon lang ako nakapunta. Bukas pa maayos ang mga papeles mo para pansamantala kang makayala. Si Attorney na bahala sayo nagkausap na kami, kaya pansamantala dito ka muna magpalipas ng gabi. Huwag kang mag-alala ako ng bahala sa lahat. Bukas narin tayo mag-usap ng maayos. Nagpapasama pa si Mommy sa akin, may pupuntahan lang kaming importante. Hindi rin ako magtatagal." Mahabang litanya niya.
"Salamat." Tanging namutawi sa mga labi niya. Sinundan nalang niya ng tingin si Drex na mukhang nagmamadali dahil halos tumakbo na itong paalis. Ni hindi niya nakumusta ang asawa dito kung anung lagay nito at bakit hindi siya nito pinuntahan.
Sinilip nalang niya ang inabot nitong paper bag na alam niyang pagkain ang laman. Iniisip parin niya ang asawa kung kumain naba ito at ayos lang ba lagay nito. Kagabi pa balisa ang asawa niya dahil sa dalas ng sumipa ng anak nila. Maya't maya din pinahihilot nito ang tiyan. Kaya yoga lang ginawa nitong exercise kaninang umaga. Paano pa niya mababantayan ang asawa kung nasa loob siya ng kulongan. Sino ang magaasikaso dito, hirap na itong gumalaw sa laki ng tiyan. Mga katanungang at pag-aalala niyang sa isipan.