Episode XI

2287 Words
Tulad ng nakagawian ko na araw-araw, ako ang maagang gumising at rooftop agad ang diretso ko matapos kung kintalan ng magaang halik sa labi ang himbing ko pang asawa. Kaya papangiti ako dati-rati madalas ko siyang kasamang umaakyat dito, nag-e-exercise siya ng ilang minuto. Ngayong parang mantika kung matulog at twice a week nalang mag-exercise para sa buntis, minsan mabagal na takbo ng treadmill lang pingagamit ko sa kanya ng ilang minuto. "Hi!" Bati sa akin ng isang tinig kaya napalingon ako sa pinanggaligan ng tinig. "Good morning my gorgeous instructor." Aniya. Buti mabilis akung nakailag kung hindi sa labi ko lumanding ang nguso niya, kaya sa sulok ng labi ko ito tumama. At agad akung lumayo sa kaniya, at masama siyang tiningnan. "Your so early." Tanging namutawi sa mga labi ko. Kay aga-agang panunukso ang inaatupag ng babae sa tabi ko. Buti nalang dito natulog ang dalawa kung kaibigan dahil sa lakas ng ulan hindi sila nakauwi kagabi kahit may mga single motorbike na sila ngayon. "Pre, aga niya, hinahanap ka niya kanina pa. Tinatanong din kung saan ka nakatira." Bulong ng kaibigan ko. "Mukhang magkakagera yata ngayon." Usal pa niyang umabot naman sa pandinig ko. "Anong sinabi mo? Sinabi mo ba kung saan ako nakatira?" Sikmat ko na sa kanya at baka nga mag-away kami ng asawa ko ng dahil sa babaeng ngayon naka barbell front squat sa may harapan namin. Sa sobrang hiksi ng suot niyang short kita na pati kaluluwa niya, idadag pa ang naghuhumiyaw niyang dibdib. At kahit naman maghubad pa siya sa harapan ko hindi niya ako maaakit dahil higit na mas maganda at disente ang aking asawa. "Ikaw lang yata ang may kursunada d'yan hindi mo pa patusin, laman tiyan din yan sa laki ng hinaharap." Anas ko sa kanya, at bahagyang tinulak ang kanyang likod pasulong. "Hindi ko type ang mga ganyang babae, mukhang naluwang na." Anas din niyang pabulong ay iniwan na niya ako. Nilibot ko naman ang buong gym, para mag-mop na ng flooring. Ganito ang ginagawa namin araw-araw tuwing umaga dahil wala naman kaming janitor. Kanya-kanya kami ng linis. Ini-isa-isa rin namin i-check ang mga equipments namin kung may problema ba, atska lilinisin mabuti para nasa kondisyo at tumagal ng gamit. Dahil maya-maya lang magdaratingan ng isa-isa ang mga kliyente namin. Kailangan ko rin umuwi pagnatapos na ako dito para ipagluto ang asawa ko. Kung dati kahit ano lang ang iluto ko, ngayon hindi na pwede. Hindi niya kakainin kung hindi niya gusto masasayang lang. Kaya kailangang tanungin ko pa siya kung anung gusto niyang kainin. Pagpasok ko sa kwarto namin himbing parin natutulog ang aking asawa kaya kumuha na ako ng damit ko at dumiretso sa banyo maliligo muna ako bago ko siya gisingin para itanong kung anung gusto niyang breakfast. Muli ko pa siyang nilingon bago ko pa isinara ang pinto. "Hon, what do you want to eat?" Malumanay kung tanong habang kinikintalan siya ng mabining halik sa mukha. " I'll cook for our breakfast na." Dagdag ko pa. Dahil baka umiyak na naman siya paghindi niya nagustuhan ang ihahanda ko. "What time is it na ba?" Paus niya anas. "Kahit ano nalang pwede ko naman kainin." dugtong pa niya, pero hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Masyado siyang maselan, madalas nga siyang masuka sa amoy palang ng pagkaing nakahain sa harap niya. Ikinawit pa niya ang mga kamay sa batok ko kaya nahiga nalang muna ako sa tabi niya at niyakap siya, alam kung pag-umalis ako magtatampo siya. Ilan beses narin niyang ginawa ang ganito. "Hhhmm... missed me Hon?" Anas ko nalang sa punong tenga niya, ilan beses ko rin siyang pinatakan ng halik sa leeg na ikinatawa niya dahil malakas kiliti niya sa leeg at batok. "Get up Hon, ipagluluto na kita para makagayak ka narin sa pagpasok." Aniko at bumangon na, bahagya ko rin hinila ang kamay niya upang maalalay siya sa pagtayo. May time na napakalambing niya minsan naman parang diring-diri siya sa akin, tinatakpan pa niya ang ilong niya dahil mabaho daw ako at nasusuka siya. "Hhmm..." Daing niya. "Mag cr lang ako susunod narin ako sa baba." Saad niya at kinintalan ako ng halik sa labi. Tama nga siya, kinain niya ang niluto kung ginisang corned beef and fried sunny side up egg with fried rice. Kaya nangiti ako dahil mukhang nabawasan na kaartehan niya sa pagkain. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung tapos na ba ang period ng paglilihi niya. Pero sabi ng iba patuloy lang daw sa paglilihi hanggang sa makapanganak. Mahirap talagang umiwas sa tukso lalo pa at sila ang lumalapit at kahit anung iwas mo pilit silang gumagawa ng paraan mapabuti man o mapasama, basta makuha lang nila ang gusto nila kahit may matatapakan pa silang ibang tao. Tulad ng babaeng ito sa harapan ko pilit ikinikiskis ang malusos niyang dibdib sa akin. Kaya lumayo nalang ako sa kanya upang lapitan ang ibang abalang nag-e-exercise upang tanungin kung may kailangan pa sila. Napalingon ako sa may pinto ng may pumasok duon, naka black high waisted cycling shorts siyang hanggang tuhod ang haba, katerno ng itim ding dri-fit boxer sando at pinaibabawan ng napakanipis na loose cotton plain sports vest. May nakasampay din puting towel sa balikat niya. Nakapusod ang kulay brown na may kahabaang buhok niya, may bitbit din siya isang bottle water. Kaya napangiti ako dahil kitang-kita ang may kalakihan na niyang tiyan. "Excuse me." Usal ko sa grupo nila Venus na kanina ko pa ina-assess na puro pagpapa-cute lang ginagawa. Gusto pa nilang i-guide ko silang hawak ang kanilang bewang, pero iba naman gusto nila, ang yumakap sa akin, at ipagkaskasan ang dibdib nila sa akin. Iniisip ba nila na madadala ako ng ganuon kadali, lalo at laging nasa tabi ko ang aking asawa at kahit buntis at malaki na ang tiyan lagi paring nakasuporta sa akin. Wala kaming pinag-aawayan kaya smooth and happy ang relationship namin bilang mag-asawa, at kontento na kami kung anung meron kami. Ako lang madalas magtampo dahil ang sungit niya ngayon. Naglakad ako pasunod sa kanya, dahil ang direksyon niyang tinatahak ang gawi ng mga treadmill matapos niyang batiin ang dalawa kung kaibigan na nadaanan niyang may kausap na mga teenager. "Good morning my gorgeous sexy wife." Agad kung bati na may malawak na ngiti paglapit ko sa kanya, kinabig ko pa siya sa aking katawan at kinintalan siya ng halik sa noo. "Sexy? Meron bang sexy na ang laki-laki na ng tiyan, para na akung butete nito." Irap niya sa akin. "Kailangan ko ng mag-exercise para hindi ako manasin at hindi mahirapan sa panganganak." Nakasimangot niyang usal, dalawang buwan nalang manganganak na siya, makikita at mahahawakan na namin ang baby namin. Kaya igina-guide na siya sa dapat niyang gawin. "Ako na, sanay naman na ako dito. Huwag mo na akung intindihin. Yun mga clients n'yo nalang asikasuhin mo. Mukhang marami kayung customers ngayon." Aniya at iginala pa niya ang kanyang paningin sa buong palibut. Tuwing linggo naman talagang madaming pumunpunta ditong clients, halos hindi nga nawawalan ng tao. Humawak pa siya sa braso ko paakyat sa walking treadmill na napili niya na may dalawang pulgada lang ang angat sa sementong flooring."Paghindi ko kaya andyan naman sila Carlos tatawagin ko nalang sila." Aniya at isinet na niya ang treadmill sa low step-up. "Ok!" Maikli kung tugon. "Be careful, Honey. Andito lang ako sa malapit, tawagin mo ako kung may problema." Dagdag ko pa. " Sure! Magpapapawis lang ako." Usal niya. At iniwan na siya dahil ilan beses na akung tinatawag nila Venus. At bago pa ako makalayo sa asawa ko ang pagpasok naman sa pinto nila Drex kasama nito ang mga kaibigan niya. Tuwing linggo kompleto silang magkaka-ibigan dito, halos maghapon silang tumatambay dito. Ganun din ang pinsan niya at mga kaibigan nito. Sinalubong ko nalang sila at nakipag fist bumps sa mga ito. Hindi ko naman na kailangan pa silang i-guide dahil sanay naman sila dito at kaya na nilang gamitin halos lahat ng equipments meron kami. Kailangan ko pang mag-review dahil next week semi-final na namin. Kailangan kung mag-concentrate mabuti sa mga lesson ko, para sa kinabukasan ng aking pamilya. Kunting-kunti nalang matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko at mababalik na sa amin ang lahat. Malapit na akung maningil, iisa-isahin ko kayung lahat. Babawiin ko ang para sa pamilya ko. Ilalagay ko kayu sa dapat n'yong kalagyan. Babangon akung muli. Uusigin ko kayo. "Hi!" Bati niya sa akin kaya nawaglit ang malalim kung pag-iisip, ikinawit pa niya ang braso niya sa braso ko, kung titingnan para kaming may relasyong dalawa dahil may pahalik-halik, pa siya sa pisngi ko. Gusto ko man palisin ang pisngi kung dinapuan ng labi niya di ko magawa at nakatitig siya sa akin na may mapang-akit na ngiti. Inalis ko nalang ang braso niyang nakapuloput sa braso ko at bahagyang dumistansya sa kanya. "Mukhang nag-iisa ka yata ngayon? Nasaan ang mga kaibigan mo?" Makakasunod kung tanong dahil nag-uunahan silang mga-kakaibigan sa pagpunta dito at kanya-kanya sila ng style ng pang-aakit na ginagawa. Naiiling nalang ako sa ganitong uri ng babae. Huwag silang pakasigurong magtatagumpay sila sa ginagawa nila dahil hindi ako kakagat sa umang nila. Mahal ko ang pamilya ko, at sila na nagbibigay buhay sa akin ngayon. Kaya lalo akung nagpupursigi sa buhay na makamit ang nais. Hindi ko sisirain ang tiwalang binigay sa akin ng asawa ko dahil alam kung minsan pagkakamali ko lang guguho ang mundo namin. "Huwag mo silang isipin, andito naman ako. Ako naman ang asikasuhi mo ngayon." Malambing siyan aniya. "Labas naman tayo minsan hindi yung puro ka Gym nalang. Mag-relax ka naman paminsan-minsan. May alam akung beach resort na pwede tayung mag spend kahit ilang araw. Pwede tayong maligo duon." Mahabang wika niya. Kaya naiiling nalang ako, wala bang alam ang mga babaeng ito kung hindi makipag fling sa mga lalaking natitipuhan nila kahit inaayawan sila. "Sorry, but I' m busy person, mahalaga ang bawat oras ko. Pwede ka naman mag-invite ng ibang kaibigan mo." Usal ko at nagpaalam na sa kanya bahala na kung magalit siya. Kailangan ko na silang iwasan. "Hon, sasabay ka ba sa aking umakyat sa rooftop?" Tanong ko kay Paula na nagiinat na, mukhang nagising ko siya. "Mauna kana susunod nalang ako baka matagalan pa ako." Aniya at nagdahan-dahan bumangon, hininas-himas pa niya ang bilog na bilog niyang tiyan. "Are you alright, Honey?" Agad kung tanong ng makita siyang nakangiwing hinihimas ang tiyan. "Medyo naglilikot na naman ang anak mo." Nakasimangut niyang turan kaya dinama ko naman ang tiyan niya ng aking palad. Alam kung nahihirapan din siya dahil ito ang una niyang pagbubuntis. Kaya nga lagi siyang nagse-searched sa Google about pregnancy. May mga libro din kaming binili. "Son, please behave, huwag mong pahirapan si Mommy. Paglabas mo nalang ikaw magsisipa, kawag ka ng kawag dyan nahihirapan na si Mommy. Huwag masyadong malikot dyan sa loob. Sige ka hindi kita bibigyan ng toys." Kausap niya sa anak niyang nasa loob pa ng tiyan ng asawa niya, habang mabini niya itong minamasahe ng circular form at bahagyang tinatapik-tapik. "Behave ha baby behave, lagot ka sa akin paglabas mo pinahihirapan mo na si Mommy." Panenermon pa niya ditong may halong pagbabanta. "Sige na huwag mo ng pagalitan yan anak mo, sanay na sanay na ako sa kalikutan niya. Ganyan daw talaga pag-healthy ang baby masyadong malikot." Usal ko dahil baka hindi na naman siya umalis sa tabi ko. "Susunod din ako agad." Dugtong ko pa at naglakad na papasok sa cr. Pinayuhan din ako ng OBgyn kung maglakad-lakad outdoor pag-umaga para maarawan daw ako, at pregnancy exercises likes walking, swimming and yoga. Dinig kung may nagkakagulo pero hindi ko nalang pinapansin at nilingon ang asawa kung walang pakialam sa paligid dahil may nakasalpak sa tenga niyang headset. Lagi na siyang nagpupunta dito para sa prenatal exercises niya at sumasabay narin siya sa pagpasok ko sa school para naman pumasok siya sa opisina niya. Kaya madalas tanghali na siya kung pumasok which is ok lang sa Lola niya at naintindihan daw nito ang kalagayan ni Paula. Kung ako lang masusunod hindi ko na siya papasukin dahil mukhang nahihirapam na siya. Pinahihirapan na siya ng anak namin. Pero ayaw din naman niya dahil wala naman daw siyang gagawin sa bahay at mamanasin lang daw siya. Matatambakan lang daw siya ng trabaho. Gusto din daw niyang makausap muna ang mga investors niya bago pa siya mag-leave sa trabaho niya. Napalingon ako sa pagbukas ng pinto ng may mga pulis na pumasok kaya napakunot noo ako. Ano ang kailangan nila dito, tanong na unang pumasok sa isip ko at nilingon ang asawa kung nakapikit na nagyo-yoga. At halos lahat ng tao sa Gym nakuha nila ang attention. Kaya sinalubong ko nalang sila para malanaman kung anong pakay nila dito. "Good morning Sir!" Bati ko sa kanila. "Ano pong maipaglilikod namin...." Saad ko pero hindi na niya tinapos ang sasabihin ko ng may inabot siyang puting papel sa akin kaya agad kung binuklat yun. "Arrest Warrant!" Bulalas kung pabulong. "Anung kaso ko? Wala naman akung nilalabag na batas." Mariing kung saad. " Violation of Section...." "Pero sir wala po akung ginawang violation." Pangangatwiran pa niya at hindi na tinapos basahin ang nilalaman ng warrant of Arrest. "Mr. Nickulas Dacumos, you are under arrest sa kasong s****l harassment, blackmailing and illegal detention. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. anunsyo ng police officer agad din siya hinawakan ng dalawa pang pulis sa magkabilang braso. At kinabitan ng posas. "Pwede kang kumuha ng abogado mo. Sa ngayon sumama ka ng matiwasay sa amin upang hindi ka na makagawa pa ng mas malaking iskandalo." Susug naman ng isa pang pulis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD