{Shiastelle} Chapter 1: Familiar

2211 Words
Napatunganga na naman ako sa mga nasa harapan ko. Nandito ako ngayon kasama ang aking pinsan pati na rin ang kanyang nobyo. They are not legal, kaya ang magaling kong pinsan ay niyaya ako at ginawang escapegoat sa kanyang mama na tiwalang-tiwala naman sa akin. Hindi ko naman talaga dapat siya sasamahan pero kawawa naman siya. Matagal na rin kasi silang hindi nagkikita ng jowa niya. At dahil sinamahan ko siya, isa lang ang ibig sabihin, third wheel na naman ako. Yes, again. Pang ilang beses na ba akong naging third wheel? Hindi ko na yata iyon mabilang. Sa mga kaibigan at mga pinsan ko ay ganoon ako lagi. "Bakit hindi ka kasi mag jowa? Para sa susunod ay double date na," nakangusong wika ni Diara. Sumunod ang mga mata ko sa daliri ni Josh na kanyang boyfriend. Pinitik nito ang nguso ng kasintahan. Imbis na magalit ay malandi pang tumawa ang isa. Napaikot ako ng mga eyeballs. Gosh, na bi-bitter ako. Kaya ayaw ko siyang samahan eh. "Gusto ko namang magka jowa 'no. Iyon nga lang parang ayaw akong pagbigyan ng tadhana." Napabuntong-hininga na lamang ako at sumipsip sa milk tea. Napapiling siya sa akin. "Ang dami mo kasing manliligaw. Pero ni isa ay wala kang gusto," sermon niya. Napapiling ako. "Parang wala kasi eh. Wala 'yung hinahanap ko sa kanila. Parang may kulang," utas ko. Napangiwi na lamang siya sa akin. "Your standards again," wika niya. Tumingin sa akin si Josh. "Do you want me to set you up on a date?" he asked. Napapalakpak ng isa si Diara. "Right. Hindi ba at gusto rin ng ka-date ni Markian?" "Markian?" tanong ko. Medyo pamilyar kasi ang pangalan niya sa akin. Napatango si Diara. "Yup. Do you remember him? Iyong classmate ko noong elementary at naging classmate rin namin noong college," sagot niya. "Ano?" nakangising tanong ni Josh. Napakibit-balikat ako. "Why not try? Date lang naman eh," utas ko. Wala namang masama roon. Nagkangitian ang magkasintahan. "Alright. I will notify him now." Saka na nangalkal ng kung ano-ano sa phone niya ang lalaki. Naging busy na silang ulit dalawa sa sarili nilang mundo. Kaya naman ako ay nagmumuni-muni na lamang. Pinalibot ko ang tingin sa buong milk tea shop dito sa mall. Medyo may kalakihan kaya marami rin ang tao. Tinignan ko ang kabilang la mesa at nakita ang isang lalaki. Gwapong lalaki. Napanguso ako. Kahit naman na mag ka-crush ako sa kanya ay hindi ko naman malalaman ang kanyang pangalan. Saka isa pa baka nga may nobya na. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at kinuha na lang ang aking phone. Wala pa namang nag-mi-message roon. Malamang ay hindi pa nabasa ni Markian ang mensahe ni Josh sa kanya. Tinignan ko ang messenger ko na puno ng group chat. Mayroon din namang iba pa, iyong mga kaibigan at iba ko pang pinsan, at iyong mga lalaki rin na friend ko sa social media pero hindi ko naman masyadong kilala. Nag-cha-chat pero hindi ko naman ni re-replayan kung hindi importante. Lumilikot ang mga mata ko at tila ba na ma-magnet iyon sa lalaki kanina. Ibinalik ko na naman ang tingin ko sa kanya. Busy siya sa kanyang phone. Hay naku may jowa nga siguro talaga. Baka ka-chat or ka-text niya. Tinitigan ko siya. Umawang nang maliit ang kanyang bibig at napataas ng isang kilay. Ano kayang pangalan niya? Hindi lang 'yung gwapo siya eh, parang nararamdaman ko 'yung spark na gusto kong maramdaman sa mga nanliligaw sa akin. Pero sad reality, hindi siya nanliligaw sa akin. Hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala. Pero mayroong ding parte sa aking puso na parang napakapamilyar niya. Bigla niyang itinaas ang kanyang tingin sa akin at nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong umiwas. Sakto naman ay ngumiti sa akin ang dalawang nasa harapan ko. Iniharap sa akin ni Josh ang kanyang phone at ipinakita ang chat nila ni Markian. "Woah, really? 'Kay Imma hit her up," he replied. Napangisi si Diara at kumindat sa akin. "Sheez I am so excited for you, Girl," kinikilig nitong sambit. Napatawa na lamang ako nang mahina at napapiling. Sa pagpiling ko ay natamaan na naman ng aking mga mata ang lalaki kanina. Nakatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Mabilis na namula ang aking pisngi at napakagat sa aking labi. Bakit mas lalo yata siyang gumwapo sa aking paningin nang mag masungit siya? "Hey." Diara snapped at me. "Ha?" lutang ko pang tanong. "Nag-chat na raw sa'yo si Markian. Friends na pala kayo sa soc med eh." Ngumisi na naman siya. Binuksan ko ang phone ko at mayroon na ngang mensahe sa akin ang lalaki. "Hi. I heard that you are finding a special one too?" Nagtipa na ako. "Yeah. So... how are you?" sagot ko. Medyo awkward pa dahil ngayon lang ulit kami nagkausap. Noong elementary pa yata ang last. Madalas ko kasing pinupuntahan si Diara noon kaya nakikita ko rin siya. Tapos ay nagkakausap kami kung naglaro na ba or ano na bang balita sa school works. Pang batang usapan kumbaga. Gwapo naman si Markian. Mabait din. Isa pa ay kilala ko ang kanyang Lola dahil madalas ito sa amin. Noong senior high school ako ay madalas ko rin siyang makita. Kapag nabibyahe papunta at pauwing school ay madalas kaming magkasama sa iisang jeep. Pero hindi kami ganoon ka close kaya nagtatangunan lang. Bago umalis doon ay tumingin ako muli sa banda ng lalaki kanina. Naroon pa rin siya. Kalahati pa lang ang naiinom sa kanyang frappe. Napalobo ako ng pisngi. Sayang. Kung sanang malakas lang ang loob ko ay lalapitan ko siya itatanong ang kanyang pangalan sa soc med para maging friend ko. Parang gusto ko kasi talaga siya. Tumaas ang tingin niya sa akin. Nabigla pa ako nang ngumisi siya. Para sa akin ba iyon? Pasimple akong napahawak sa aking dibdib at ang lakas ng t***k ng aking puso! Ganoon ang epekto niya sa akin? Habang bumabyahe pauwi sakay ng kotse ni Josh ay nakatulala lang ako sa may labas ng bintana. Idadagdag ko na naman sa listahan ko ang lalaking iyon. Listahan ng mga nakita kong gwapo at gusto ko pero hindi ko naman alam ang pangalan. Bumaling sa akin si Diara. "Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong niya sa akin. Pumiling ako. "Wala naman. Medyo pagod lang." Pagkauwi sa bahay ay nadatnan ko ang bunso kong kapatid na nasa may sala habang hawak-hawak ang kanyang phone. "Ate, where's my pasalubong?" he asked. Ganyan siya palagi. Nasanay kasi dati na kada alis ko ay may dala ako sa kanya. Inabot ko sa kanya ang box ng cupcake. "Here," I said. He smiled at me. "Thanks. Hope you'll have a boyfriend soon." Napaikot ang mga mata ko. Noong isang araw kasi ay nabantay niya akong umiiyak habang tinatanong ang kawalan kung bakit wala akong boyfriend. Umakyat na ako at pumasok sa aking kwarto. Tinignan ko ang letrato naming magpapamilya. Wala sina Mama at Papa rito. Nasa Canada sila at doon nakatira. Kami lang ng bunso kong kapatid ang nakatira rito. Mayroon din kaming isang kasakasama rito. Si Manang Fely, siya ang nag aasikaso sa kapatid ko. Kumatok sa pintuan ko si Manang. "Bakit po?" "Nandiyan sa baba si Tria," utas niya. "Sige po, Manang. Pakisabi umakyat na siya rito." Ilang saglit nga lang ay umakyat na si Tria. "Girl, ano itong nabalitaan ko mula kay Dia?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. Sakto naman ay nag-notif ang soc med ko. May pumasok na mensahe at si Markian iyon. "Are you free on Saturday?" he asked. Habang nasa kotse naman ay kausap ko na siya kanina. May mga napag-usapan na kami at medyo nawawala na ang awkwardness. Mabilis iyong sinilip ni Tria. "Ha! Huli ka! Ikaw ha lumalandi ka na." Nagpekepekehan pa siyang umiiyak. Natawa naman ako at hinaplos siya sa kanyang likuran. "Sorry, Tri. Ayaw ko nang maging single," utas ko. "Iiwan mo na ako? Tayo na nga lang dalawa ang single sa ating magpipinsan. Wala na niyan akong karamay." At pinagpatuloy niya ang kanyang fake na pag-iyak. Natawa ako nang malakas doon. "Try mo na ring makipag-meet sa mga kausap mo. Malay mo naroon na pala si the one," tudyo ko. Baka lang naman 'diba. "Hmp. Alam no naman hindi pa ako nakapag-move on kay Paul." Saka niya ako sinamangutan. Napasimangot na rin ako. Kainis na Paul kasi na iyon. Kunwari ay girl best friend eh sa huli naman naging sila no'n. "Pero I'm happy for you, Shia." Hinaplos niya ang aking likuran. "Sana ay mag work kayo ni Markian. Para naman hindi ka na sad lagi at hindi na iiyak dahil wala kang jowa." Tumawa pa siya nang malakas. Sinundot ko siya sa tagiliran niya. Kainis eh. Mang aasar pa. Nang dumating ang araw ng sabado ay agad akong nagising. Hindi dahil excited ako. Kung hindi dahil excited ang mga pinsan ko. Lumuwas pa mula sa kabilang baranggay si Lia para masamahan ako sa pag-aayos. Silang tatlo ang narito. Si Dia, Tria, at Lia. "Iyan ang susuotin mo?" tila nandidiring turan ni Lia sa pants and crop top na susuotin ko. "Girl, dapat mag-dress ka. First date niyo kaya ito 'no," inis pang turan ni Tria. Napa irap ako. Ayan na naman sila. "Oo na. May dress naman ako riyan," pagsuko ko. Natawa na lamang si Dia at kinalkal niya ang mga damit ko. Kung tatanungin niyo ang pagkakapareho nilang tatlo, iyon ay ang pag-susuot ng sexy and daring na mga damit. Gosh. Nagsusuot din naman ako ng mga ganoon pero hindi madalas ano. Pag may mga party lang talaga. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga ganoon. Napaikot ako ng mga mata nang makita ang napili nilang tatlo. Iyong pinadala pa ni Mama mula sa ibang bansa iyon. Sleeveless, heart-shaped neckline, fitted, at hanggang itaas ng tuhod. Hindi na ako umapela. Wala rin namang saysay. Ayos na rin siguro iyon. Papartneran ko na lang ng white gladiator ko. Nag-ayos na nga ako at pinapanood lamang nila ako. Marunong naman kasi ako ano. Simple lang iyon at bagay na bagay sa akin. "Picturan muna kita bago ka umalis," tinig ni Tria at ni-ready na ang kanyang phone. I posed and posed until she captured so many pictures of me. May bumusina na sa harapan ng gate. Nandiyan na si Markian. Bago lumabas ay sumilip ako sa itaas. Nakita ko ang tatlo na nakatingin sa amin habang nakangisi. Ito talagang tatlong ito. Ngumiti sa akin si Markian at pinagbuksan ako ng pinto. Umikot na siya at pumasok na rin. "You look so gorgeous," he muttered. "Thanks. You look fine too," I said. Pupunta kami ngayon sa isang restaurant. Doon siya nag-set ng date namin. Ayos naman sa akin iyon. Saka mag ge-getting to know each other naman kami niyan. "Oh really?" he asked while we are eating. Tumango ako at tumawa nang mahina. "Yup. Lagi kaya akong third wheel kina Dia 'no. Naawa siguro si Josh kaya naisipan na akong ireto." Saka ako tumawa. Natawa na rin siya nang mahina. "Akala ko nga dati ay may boyfriend ka na. I didn't expect that you don't have," he said. "Bakit naman? Mukha ba akong may jowa?" Uminom muna siya bago sumagot. "I'm not a bolero huh. Pero sa ganda mong iyan, hindi ko talaga inaasahan na single ka pa," utas niya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Marami nang nagsabi sa akin ng katagang iyon. Napapiling na lamang ako. "Baka kasi wala pa talaga 'yung para sa akin," saad ko at nagkibit-balikat. "Baka kasi ako na pala iyon," dugtong niya. Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Palagay naman ang loob namin sa isa't isa. Kaya inaasahan ko na mag-wo-work talaga kami. Ayos na ayos naman si Markian at wala akong maibabatong masama sa kanya. Natapos ang tawanan namin at nag-usap pa ng tungkol sa mga buhay namin. He excused his self dahil may tumawag sa kanya. Sa trabaho iyon. Habang hinihintay siya ay nilibot ko ang tingin sa loob ng restaurant. Natigil ako at napaawang ang aking bibig nang makita na naman siya. Nagtugma ang mga mata namin. Napaawang din ang kanyang labi. Hindi rin inaasahan na magkikita kaming muli. Napatingin ako sa babaeng pumunta sa kanyang harapan. Napaiwas ako ng tingin. Malamang ay iyon ang kanyang nobya. Parang napakapamilyar din ng scene na ito. Pati na rin ang istura ng babae. Hindi ko nga lang alam kung saan ko nga ba siya nakita. Dumating na rin ang kasama ko. "Sorry for that," he said. "That's fine. Matagal ka na ba riyan sa company na pinagtatrabahuhan mo?" I asked. Tumango siya. "Simula pagka-graduate. Three years na niyan," sagot niya. Manager siya sa isang car company. Ako naman ay writer sa sikat na publishing house rito sa bansa. Bago umalis doon ay bumaling ulit ako sa lalaki. Nagkatinginan na naman kami. Sa bawat pagtama ng mga mata namin ay may kakaiba akong nararamdaman. Marami na akong naka mutual understanding pero hindi ko pa naramdaman sa mga ito ang nararamdaman ko ngayon. Muli ay umuwi na naman ako ng hindi nalalaman ang kanyang pangalan. Ano nga kaya ang pangalan niya? Katulad ng dati ay nagkaroon na naman ako ng interest sa pangalan ng isang lalaki. At pamilyar pa ang t***k ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD