bc

Swipe Right

book_age18+
576
FOLLOW
3.5K
READ
possessive
fated
drama
bxg
office/work place
virgin
love at the first sight
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Shiastelle, the one who is finding love in any possible way. When her cousin paired her to Markian, a man that is too good to be true because you can't find any loophole about him, she said yes. She wants to try it with him and she is hopeful that they will work. But something is bothering her, the man who always shows up in front of her. The man who always lingered in her mind. The man who caught her attention, and the man who is so familiar with her, named Lynusdrei.

Until one day due to the game of fate, she saw herself on a dating app. Swiping left when she doesn't like the person and swipe right when she likes the person. As she swipe and swipe, her eyes opened wide because she did not expect that Lynusdrei will be there too. With tightly closed eyes, she swiped right.

Will they match?

chap-preview
Free preview
{Shiastelle} Prologue
Just like the usual day of my life. Gigising, magmumumog, mag-aalmusal, maliligo, magbibihis, at pagkatapos ay papasok sa university. Nag-commute lang ako papasok. May kalapitan naman ang school sa amin. Napaikot na lang ako ng mga mata nang magsiksikan na ang mga tao. Wala ng pakialam kung may maiipit ba o wala. Mabuti na lang ay agad akong nakasakay ngayon, kung hindi ay kalahati na naman lang ng pisngi ng aking pang-upo ang malalagay sa upuan. Kahit maaga pa lang ay ramdam na ang init. Gutso ko na tuloy makababa. Sayang naman iyong mamahaling pabango na ibinigay pa sa akin ni Mama. Pinaghirapan niya iyon doon sa ibang bansa ano. Sabi nga niya sa amin kapag nakaipon na sila ng malaki ni Papa ay bibigyan na nila kami nang pambili ng sasakyan. Para raw hindi na kami mag-commute at hindi na mahirapan sa pagsakay papunta sa school. Napaingos pa ako nang masiko ako ng aking katabi. Ang talim pa naman ng buto niya kaya naman napangiwi talaga ako. Tumingin ako sa kanya at busy lang siya sa pagkalkal sa kanyang phone. Hmp. Hindi man lang nag-sorry. Pero dahil nasa good mood ako ngayon ay papalampasin ko na lamang iyon. Nakahinga ako nang maluwag nang makababa na ako. Marami ng mga estudyante ang pumapasok. May mga nagkukwentuhan at may mga magka-holding hands din. Napapiling na lamang ako. Kailan ko naman kaya mararanasan iyon? Natawa na lamang ako sa aking naisip. Paano ko naman mararanasan kung kada maka mutual understanding ko ay hindi ko rin naman nakakatuluyan. Sabi nga ng mga ka-close ko ay masyado raw akong pihikan. Pero sa tingin ko naman ay hindi. Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko. Nagbigay iyon ng impact sa aking katawan at na-out of balance ako. Akala ko ay tutulungan niya ako, iyong bang parang sa mga drama na hahawakan ako sa baywang o 'di kaya ay sasaluhin. Pero ang semento ang sumalo sa akin. Naku, nakapalda pa naman ako. Mabilis ko ngang tinikop ang mga legs ko. Inis akong bumaling sa kanya. Alam kong lalaki siya dahil na rin sa tikas ng kanyang katawan. Pero pagkadapo ng mga mata ko sa kanyang mukha ay muntikan na akong mapanganga at maglaway. Grabe! Ang gwapong nilalang. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang napakaswerte kong binangga niya ako dahil nagkaroon ako ng chance na masilayan ang kanyang mukha. Naka-salamin siyang makapal. Mukhang may brace rin. Just like the usual nerd. Patpatin din ang katawan. Pero ang lakas ng impact ng aura niya. Napaka-appeal niya. Agad ding natapos ang pagpapantasya ko dahil sa pagsusungit niya. Aba at siya pa talaga ang may ganang mainis? Sino ba sa aming dalawa ang nakaupo sa sahig ngayon? No chance naman na iaabot niya sa akin ang kanyang kamay kaya tumayo na ako. Nameywang ako sa kanyang harapan at tinaasan siya ng isang kilay. "Hindi ka ba mag-so-sorry sa akin?" mataray kong tanong. Pero kung mataray ako ay mukhang mas mataray siya. "Why?" Napangiti ako ng walang humor sa kanya. "Binangga mo po ako, Mister. Natumba ako at lumagapak sa sahig. Kahit man lang sana inabot mo ang kamay mo sa akin para makatayo ako. Mga lalaki talaga ngayon. Wala na bang gentleman sa mundo?" talak ko. He just look amusedly at me and smirked. Mukhang pinagtatawanan niya pa ako. Sa irita ay nag-walk out ako. "Aga-aga umuusok na ang ilong mo," utas ni Nikki pagkakita sa akin. Umupo ako sa tabi niya rito sa may cafeteria. "Ano bang nangyari? Chika mo naman." Kinuwento ko na nga sa kanya iyong nangyari kanina. Tumawa siya. "Sa lahat ng sinabi mo, ang pinaka tumatak sa aking isipan ay ang gwapo ang nakabungguhan mo. Hindi mo ba nalaman ang name niya?" Itinaas-baba niya pa ang kanyang mga kilay. Ito talagang babaeng ito. Nagawa pa talagang kiligin sa kinuwento ko. Napabaling ako sa may bukuna ng cafeteria nang marinig ang pagtawag ng lalaki sa pumasok. "Ly!" sigaw nito at iwinagayway ang kanyang kamay. Tumingin naman ako sa tinawag niya. Napanganga pa ng maliit ang aking bibig. Wala sa animong napaturo ako sa kanya. "Uy, Girl. Anong tinuturo mo riyan?" takang tanong ni Nikki. Tumingin siya sa tinuturo ko. "Omg. Ang appeal kahit nerdy ha," bulalas niya. Napatango ako sa kanya habang nakatitig pa rin sa lalaki kanina. "Ly pala ang pangalan niya. Ano kaya ang buong name niya?" Tinampa ako sa balikat ng katabi ko kaya naman napabaling ako sa kanya. "Mukhang hindi ka naman iritado sa kanya. Kinikilig ka pa riyan at gusto mo pa talagang malaman ang full name niya." Nag-ngising aso ako sa kanya. "Bakit? Hindi ba pwedeng ma-curious lang?" Napapiling na lamang siya sa akin. Lumipas ang mga oras at sa laki ng university ay hindi na ako magtatakha kung hindi ko na siya makikita ulit. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang makita ulit. Hindi ako nabigo dahil kinabukasan nga lang ay nakita ko ulit siya. Mag gagabi na nang nasa may gilid na ako ng kalsada. Hinihintay na tumigil ang mga sasakyan para makatawid na ako. Akala ko nga ay hindi ko na siya makikita ngayong araw. Paano ba naman kasi buong araw ko sa iskwela ay nasa loob lang ako ng room dahil busy ako. Sinundan ko siya ng tingin. Naantig ang puso ko nang makita kong inalalayan niya ang matandang babae na tumawid. Mabagal ang lakad pero puno siya ng pasensya. Nakangiting nakatitig ako sa kanya. Baka naman he is not that bad after all. Siguro ay wala lang siya sa mood noong nagkabungguhan kami kaya naman nasungitan niya ako. Iyon nga siguro ang dahilan niya. Mas na-curious tuloy ako sa kanya. Ly na lang ang itatawag ko sa kanya dahil sa ngayon ay iyon pa lang ang impormasyon ko tungkol sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya ay sumisigla ang aking katawan. Para bang nagu-good mood ako. Sana lang talaga ay malaman ko ang kanyang buong pangalan. Napanguso ako nang makitang may lumapit na babae sa kanya. "Ly-ly," tawag nito sa kanya. Na-cringe ako sa sinabi niya. Ly-ly talaga? Padabog kong tinusok ang pork chop sa aking plato. Oo at nasa kabilang la mesa lamang. Alam mo pa ang nakakainis? Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Medyo na-hurt ako dahil aaminin ko naman na crush ko siya. Hindi naman ako titingin sa kanya ng paulit-ulit kung hindi ko siya gusto. Pero mukhang wala naman siyang pakialam sa existence ko. Balak ko na sanang mag-move on kahit na hindi naman kami nagkaroon ng relasyon. Napurnada rin iyon dahil mukhang pinalad ako. Ganiyan naman talaga. Kapag balak mo nang kalimutan ang isang tao ay saka mo siya makikita palagi. Mapaglaro talaga ang tadhana. Para sana matanggal ang pagka-stress ko dahil ayaw niya sa akin ay naisipan kong pumunta sa coffee shop. Gusto ko ng ice americano para naman lumamig ang aking ulo. Nang paupo na ako sa table na napili ko ay siya namang pagpasok niya. Pinanood ko siya hanggang sa makapunta siya sa may counter. Wow ha. Same pa kami ng order. Dahil mukhang marami ang mga stress ngayon ay napuno ang shop. Hindi naman kasi gaano kalaki ito. Sakto lang. Luminga-linga siya para makahanap ng upuan. Sadly, by partner ang lahat at ako lang ang walang ka-share ng table. Kaya naman umaasa ako na sa akin siya makikipag-share. Hindi nga ako nabigo. Nang makita kong namataan na niya ang table ko ay agad akong nag-iwas ng tingin. Nag-busy-busyhan ako sa aking iniinom. Kunwari ay hindi siya napansin. Narinig ko na nga ang mga yapak niya. Hindi kalaunan ay nagsalita na siya. "Miss," tawag niya sa akin. Malumanay ang kanyang boses. Bumaling ako sa kanya. "Yes?" Napatitig siya sa aking mukha at tila ba napatulala ng ilang saglit. Nang makabawi ay tumikhim siya. "Can I share table with you? Wala na kasing vacant," utas niya. Patago akong napangiti. Sino ba naman ako para hindi pumayag. Tumango ako sa kanya at siya naman ay umupo na sa aking harapan. Mas gwapo talaga siya kapag malapitan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti habang umiinom sa aking kape. Hindi na siya ulit nagsalita, pero ayos lang, ang importante ay kasama ko siya ngayon. Okay na ako sa ganoon. Kapag talaga masaya ka mabilis bawiin. Paano ba naman kasi ay may pumasok na babae. Iyong dati. Tumingin ito sa mga naka upo. At nang makita na niya ang target niya ay dumiretso siya sa amin. Ay hindi pala, dumiretso siya kay Ly lang. "You're here lang pala. Kanina pa kita hinahanap," maarte nitong sambit at ngumuso pa. Napangisi naman ang lalaki at napapiling. Marahil ay na-cute-an siya sa babae. Napabaling naman ang isa sa akin at napataas ng isang kilay. "Who is she?" mataray niyang tanong kay Ly. "Nakipag-share lang ako ng table sa kanya kasi wala ng ibang bakante," sagot nito. Nasaktan ako sa sinabi niya. "Lang" talaga? Grabe naman. Tumayo na ako. Sakto naman ay naubos na ang aking iniinom. "Umupo ka na rito," walang emosyon kong saad sa babae. Balak pa yata akong talakan dahil kasama ko ang boyfriend niya. Naglakad na nga ako palabas. Naging emosyonal ako at tila ba gusto kong maiyak. Dumagdag pa ang pagiging emosyonal ko nang umuwi ako at mabalitaan mula sa aming kasakasama sa bahay na si Manang na may nagyari kay Mama sa ibang bansa. Naaksidente raw ito at na-slide habang naglilinis ng banyo. Doon ko naisip na hindi dapat lalaki ang iniiyakan. Mas may mabigat pa akong problema. Dapat ay wala akong panahon sa landi-landi. Lalo na sa may nobya na. Ayaw ko namang makarma. Kaya naman ang naging goal ko ay magtapos ng maayos sa pag-aaral. May pagkamatalino naman ako kaya lagi akong nasasama sa honor. May mga nagbalak din na manligaw sa akin. Noong una ay hindi ako pumapayag dahil nga sa itinatak ko sa aking isipan na huwag munang mag-nobyo. Pero napagsabihan ako ni Mama. Agad din naman siyang gumaling noong na-slide siya. Mabuti na lang ay hindi malala ang nangyari. "Ano ka ba naman, Shiastelle? Pwede ka rin namang mag-enjoy habang nag-aaral ka. Hindi naman porket mag-nonobyo ka ay mabubuntis ka ano," talak niya. Napaikot ako ng mga mata. Si Mama talaga oh. "Ayaw mo bang maranasan ang school love?" tanong niya sa akin. Natawa ako dahil doon. "Sige, Ma. Papayagan ko na ang manliligaw sa akin. Ilan kasi sila?" Itinaas ko ang aking daliri at nag-bilang. Napatawa siya ng malakas. "Bastat mag-enjoy ka. Huwag kang masyadong magpa-stress. Bata ka pa kaya dapat ay mag-enjoy ka." At nagkatotoo nga. Nagkaroon nang nanliligaw sa akin. Matanda ng isang taon sa akin si Lorry. Matyaga naman siya sa pagkatoyo ko. Nang mag-date kami sa labas ay nakasama pa namin sina Ly. No. Dapat pala ay hindi ko itawag sa kanya iyon dahil hindi naman kami close. Ang bitter ko 'no? Gustong-gusto ko kasi talaga siya. Pero ganiyan talaga ang buhay. People come and people go. So I will let go of him kahit naman hindi naman naging kami. Ang malas ko nga yata talaga sa mga lalaki o sa relasyon. Hindi kami nag-work ni Lorry dahil nalaman ko na lang na magka-text sila ni May na tinuring kong kaibigan. Kaya naman narito ako sa bar. First time kong pumunta at uminom mag-isa. It really hurts. Sumaya rin naman ako kay Lorry. Sumaya rin ako sa pagkakaibigan namin ni May. Na-double kill ako. Inisang lagok ko ang alak na hawak ko. Ibinaba ko na iyon sa mesa at ibinagsak din ang aking ulo. Nalalasing na yata ako. Nang tawagin ako ng kalikasan ay mabilis akong tumayo. Dahil doon ay nakaramdam ako ng hilo. Pero kailangan kong makarating sa banyo dahil kung hindi ay mababasa ang suot kong dress. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nailabas ko na rin ang likido. Naghugas na ako at lumabas na. Hindi na tinignan ang sarili sa salamin. Habang naglalakad ay napahalakhak ako. Paano ba namin kasi ay nakikita ko si Ly. Nag-iimagine pa yata ako dahil sa kalasingan. How funny, right? Nandito ako sa bar at umiinom dahil sa sinaktan ako ng isang lalaki. Pero tila ba naibsan iyon nang makita ko si Ly. Tila ba sumaya ulit ang aking puso. Last ko pang kita sa kanya ay noong nag-date kami ni Lorry. Sa sobrang kalasingan ay lumapit ako sa ini-imagine ko. Sinundot ko siya sa pisngi kaya marahas siyang napabaling sa akin. Confirmed. Hindi lang siya imagination. I sweetly smiled at him. "Hi," bati ko habang pagewang-gewang pa akong kumakaway sa kanya. Napataas siya ng isang kilay. "Sungit," bawal ko sa kanya. Mag-isa lang din siya. Nasa may sofa at walang kainuman. "Kawawa ka naman, mag-isa ka. Gusto mo ba ng kasama? Pwede namang ako." Siguradong kung hindi lang ako lasing ay hindi ko magagawa ang mga ganito at hindi ko masasabi ang mga sinabi ko. Napangisi siya sa akin. Hinila niya ako at napatili pa ako dahil sa ginawa niya. Napa upo tuloy ako sa kanyang tabi. Katulad ko ay tila lasing na rin siya. Mapupungay na rin kasi ang kanyang mga mata. "Wait. Bawal pala ito." Tumayo ako pero gumewang din kaya nabalik ako sa kanyang tabi. Nabigla ako nang ilapit niya sa akin ang kanyang mukha. Kahit na lasing ay mabilis akong tumayo. Mali pa rin ito. Babae rin ako at nangyari sa akin ang cheating. Masasaktan ang nobya niya kung magkasama kami ni Ly. Hindi ko na alam paano ako nakarating ng ligtas sa amin. Tila nawala ang lasing ko nang maparada ko na ang sasakyan ko sa garahe namin. Isa lang ang sigurado ako ngayon. Gusto ko nang kalimutan ang lahat. Mabuti na lang ay naging busy ako sa acads. Marami nang pinapagawa ang mga prof. Nag-focus pa rin ako sa aking goal. Ewan ko ba bakit gwapong-gwapo ako sa lalaking iyon. Ma-appeal lang naman siya. Mas naging busy pa ako sa OJT ko. May mga nakasalamuha ako at mayroon ding naka-link. Kung tatanungin ako kung ano ang depenisyon ng gwapo ay itong si Dylan ang sasabihin ko. Kaya nga agad akong na-fall sa kanya. Tuluyan ko na ngang nakalimutan ang Ly na iyon. Pero as usual, ang malas ko talaga sa love life. Marami pang na-link sa akin pero ni isa ay wala akong na-boyfriend at nakatuluyan. Pero life's goes on. Tignan mo nga naman at nagbunga na ang aking pag-aaral. Nagtatrabaho na ako sa gusto kong field. Iyon naman ang importante. Isa pa ay matutulungan ko ang aking mga magulang dahil sumusweldo na ako. Pwede na akong bumawi sa kanila. But as I get older, pinapangarap ko pa ring magkanobyo. Magkaroon ng lalaking mangangalinga sa akin. Hindi ko naman ipagkakaila na naiingit ako sa mga nakikita kong magkasintahan. Kasi gusto kong maranasan din ang pakiramdam ng may jowa. Nang may ireto naman sa akin ay nag-go na ako. Pero nang makita ko ang isang lalaki ay tila ba gumulo ang aking sistema. Bakit ganoon? Iba ang nireto sa akin, kausap, at kasama palagi, pero bakit ang lalaking hindi ko malaman-laman ang pangalan ang siya pang parang tinitibok ng aking puso? One more thing, tila ba pamilyar ang kanyang itsura. Para bang kakilala ko na siya dati pa. Napapiling ako. Malabong-malabo na siya si Ly na crush ko dati. Imposible dahil ang lalaking ito ay malayo sa pagiging nerd. Kung nasabi ko dati na ang depenisyon ng gwapo ay ang nalink sa akin dati. Puwes, nagkakamali ako. Dahil ang lalaking umiinom ng frappe sa harapan ko ay siya talaga ang pinakadepenisyon ng gwapo. Hindi lang gwapo, as in sobrang gwapo. Pero tila katulad ng dati ay off-limits din siya. May nobya yata. Laging kong pinapaalala sa sarili ko na bawal mang-agaw. Unang-una ay mali talaga iyon at pangalawa, naranasan ko nang maagawan. Masakit talaga iyon. Pero paano nga kaya kung lagi kaming pinaglalandas ng tadhana? I am so curious about him. My heart feels familiar to him. I wish I can know his name. I wish that this time, I can choose the one I like with no in-between. But as I said, I wish.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook