Hindi ako agad nakagalaw. Siya naman ay nakangisi sa akin. Iyong totoo? Hindi ba talaga siya lasing? Tumikhim ako. "Matulog ka na nga," utas ko na lang at pinagana na ang kanyang sasakyan. I heard him chuckled. Hindi ko siya binalingan. Nahihiya na nga ako roon sa pagsampal ko sa kanya. Pagkatapos ay higit pa pala roon ang nagawa ko. Argh! Kaya pala pakiramdam ko ay totoo ko na siyang nahalikan dati pa. Sumideline pala ang pagkerengkeng ko sa aking kalasingan. Naging tahimik ang byahe namin. Napatingin na ako sa kanya. Nakatulog na pala. Knock out. Napapiling ako at natawa nang mahina. Mabuti na lang ay nakatigil ang sasakyan. Inilapat ko ang hintuturo ko sa lower part ng kanyang labi. Isinara ko ang kanyang labi. Nakaawang kasi. Nang makarating sa parking ng kanyang penthouse a

