"Gaga na ito. Ano-ano ang pinagsasabi," pagtataray ko sa kanya.
"Aba, aber. Ikaw nga riyan ang atat na atat magka love life dati pa," bawal niya sa akin.
Napanguso ako. "Actually may dini-date na ako ngayon," saad ko na nagpatigil sa pagsubo niya.
Nabulunan siya kaya agad ko namang inabot ang inumin sa kanya.
"For real? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Akala ko bang bff for life tayo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Sa totoo lang ay ayaw ko munang ipagsabi kasi hindi pa naman sure. We're still in getting to know each other stage. Hindi ko nga rin alam kung mayroon bang kami o wala," naguguluhan kong sambit. Iyon naman kasi ang totoo kong nararamdaman.
Napabuntong-hininga siya. "Ay oo nga. Medyo mahirap ang ganyan. Nangangapa pa."
Tumahimik kami at nagpatuloy sa pagkain. Pero ilang sandali lang ay nagsalita siya ulit.
"Tanong ko lang. Bet mo naman ba siya?"
Natigilan ako at naghanap ng maisasagot.
"Pwede naman siya. Pak na pak nga para maging jowa. Saka medyo kakilala ko na dati pa kaya hindi ako masyadong nangangamba," sagot ko.
Napapiling siya sa akin.
"Bakit?"
Ngumisi siya. "Simpleng sagot lang naman ang gusto kong marinig, Shia," seryoso na niyang sambit. "Oo at hindi lang."
Parang tinakasan ng dugo ang buo kong mukha. Tama nga siya.
Kung gusto ko si Markian ay agad na oo ang aking sagot.
"Pero you should try pa rin. Sabi mo nga ay medyo kakilala mo na siya. So I guess comfortable naman kayo sa isa't isa."
Pagkatapos ng usapan namin ay nag-ayos lang kami at bumalik na sa kanya-kanyang trabaho.
Naging maingay nga ang usapin tungkol sa bagong ka-partner. Kalat na kalat iyon sa buong office.
Ito ngang katabi kong cubicle ay hagikgik nang hagikgik. Sobrang excited yata sa paparating.
"Kailan ba siya pupunta rito?" hindi ko na mapigilang tanong kay Cathy, ang katabi ko.
Humarap siya sa akin. "Bukas daw. Magpapaganda talaga ako ng bongga." Saka niya pa pinaypayan ang kanyang sarili.
Napapiling na lang ako. Parang kailan lang kinukwento niya pa sa akin iyong crush niya na nasa ibang department.
Imbis na makiusosyo ay pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko.
Pero aaminin ko naman na medyo curious nga ako roon sa hot issue. Baka sobrang gwapo nga kaya pinagkakaguluhan.
Pasakay na ako sa kotse ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Markian.
"How's your day?" he asked.
Nagtipa ako ng mensahe. "Good naman. How about you?"
Kuntento na ako sa ganito namin ni Markian. Iyong chill lang at hindi nagmamadali.
As usual, kinabukasan ay nag-ayos na ako para sa trabaho.
Nagsuot ako ng kulay puting sando top at pinatungan ng black na blazer. Sa ibaba naman ay ang fitted kong pencil skirt. Kitang-kita ang hugis ng aking katawan. Kulay black stiletto naman ang pang paa ko.
"Ganda ha," bungad sa akin ni Hux na kumakain na ng almusal. "Mag-almusal ka na," tukoy niya at tinuro ang mga pagkain.
Tumango ako at sumabay na sa kanya. "Kumusta naman ang school?" I asked.
Nagkibit-balikat siya. "Ayos naman," bored niyang sagot at inisang kagat ang tinapay.
Nang matapos na ay umalis na ako. Nagkaroon ng memo kagabi na bibisita sa mga station namin ang bagong partner. Kaya naman maaga kaming pinaparating para hindi nakakahiya.
At tinotoo nga ni Cathy ang kanyang sinabi. Daig niya pa ang magpa-pageant sa kanyang make up. Bonggang-bongga ang ate girl niyo.
Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Pinanligo yata.
"For sure mahahalina sa akin si Sir," utas niya saka humagikgik na naman.
"Good luck," sambit ko na lang at binuksan ang computer.
"Good morning. Nasa work na ako," update ko kay Markian. Bet ko lang mag-update.
Ilang saglit lang ay nakatanggap na ako ng reply.
"Good morning too, Shia! Papunta na ako sa work ko," he answered.
Napangiti ako at hindi na nag-reply. Malamang ay nag-da-drive siya. Mas magandang pokus ang kanyang mga mata sa daan.
Ilang saglit lang ay natuliro ang lahat. Nag-ayos ang lahat dahil nandiyan na raw siya.
Inayos ko ang upo ko at hindi muna ginalaw ang desktop.
Sabay-sabay kaming tumayo. Pagkapasok ni Sir ay mag-gi-greet kami.
Pero nabitin ang aking sasabihin nang mapagtatanto kung sino iyon.
Siya! Siya na lagi kong nakikita at naiisip.
Napanganga ako at napapikit pa nang mariin.
Nakita ko ang bakas ng ngisi sa kanyang mukha. Nakatingin din pala siya sa akin. Nakita ang aking reaksyon.
"Good morning. I'm Lynusdrei Devan," he said with his deep voice.
Ang ganda... napakagandang pakinggan ng pangalan niya.
Sa wakas ay nalaman ko rin. Hindi na ako mapapaisip pa.
"Girl," tawag sa akin ni Cathy.
"Ha?" tila wala sa muwang na tanong ko.
"Nakaupo na ang lahat. Baka gusto mong umupo na rin?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa lahat at nakaupo na nga sila. Balik trabaho na. Namula ang mukha ko sa hiya at umupo na rin.
Hala sige, Shia! Maglaway ka pa riyan.
Saan na ang sinasabi mong hindi ka tatamaan sa bagong ka-partner? Eh ikaw nga ang napakahalatang naglalaway riyan.
Kinurot ko ang sarili ko. May jowa na iyan. Paulit-ulit iyon sa aking utak.
Hands off na.
Nag-ikot siya sa buong department namin.
Nang tumigil siya sa may cubicle ko ay napataas ako ng tingin.
"Good morning po," mahina kong bati. Buti nga ay hindi ako na utal.
Tumango lamang siya at tumingin sa may name plate ko.
"Shiastelle Carbal," he read in a whisper tone. "Nice name," he said and started to walk away.
Pinanood ko ang likuran niya.
"Ano, Girl? Nabihag ka rin ba? Ako kasi nalaglag na yata ang pänty," natatawang saad ni Cathy.
Nabihag ako? Talaga?
Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.
Naku. Ganoon ba talaga kalakas ang epekto niya sa akin?
No way. I should focus on what I am doing. Work first before landi.
Pero pwede namang work and landi at the same time hindi ba?
Sheez. Ano ba itong pinag-iisip ko.
Pumiling ako at nagsimula na sa aking ginagawa. Nakakalahati ko na iyon at sigurado akong matatapos ko ito ngayong araw.
Nag-overtime ako para matapos na talaga iyon. Ako na nga lang mag-isa rito sa department namin. Nakapatay na lahat ng monitor maliban ang sa akin.
Isang page na lang kasi ay matatapos ko na talaga. Ayaw ko naman na ipaabot pa iyon bukas.
Gusto ko bukas ay proof read na lang. Finalizing na lang.
Busy ako sa pagtitipa kaya naman ang lahat ng atensyon ko ay nasa harapan ko talaga.
Dati kapag ako ang mag-isa rito ay nakakaisip talaga ako ng mga creepy thoughts.
Pero ng tumagal ay nasanay na rin ako. Sa umpisa lang naman ganoon.
Pumikit muna ako sandali para maipahinga ang aking mga mata.
Sumandal ako sa swivel chair at nag-unat.
Pagkabukas ng aking mga mata ay literal akong napatalon sa aking pwesto at napasigaw.
"Ah-" itutuloy ko pa sana ang pagsigaw ko nang takpan na nito ang aking bibig.
"Shut it, Woman. I'm not a ghost," seryoso niyang saad.
Mas nanginig yata ako nang marinig ko ang kanyang boses.
Doon lang ako tumigil at tumingin sa kanya. Napagtanto ko na siya nga iyon. Si Lynusdrei.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" lakas loob kong sambit at tila maiiyak pa.
Tinaasan niya ako ng isang kilay at inalis na ang pagkakahawak sa aking bibig.
Ay bakit tinanggal? Nag e-enjoy pa ako eh. Charot.
"I am just here to check kung may employees pa ba. Am I not allowed to do that?" medyo masungit niyang tanong.
Mabilis akong pumiling. "Sorry, Sir. Nabigla lang talaga ako," paumanhin ko sa kanya.
Tumango siya. "Why are you still here? Oras na." Tinuro niya ang orasan.
Nine na pala ng gabi.
"I am just finishing this. Patapos na rin naman," sagot ko.
Sa totoo lang, I feel suffocated. Hindi ko pala kaya na ganyan siya kalapit sa akin.
Ang bango niya masyado! Ang gwapo niya pang masyado! Nakakagigil!
Maghunos-dili ka, Shiastelle. May nobya iyan. Tumigil ka riyan.
"Ahm. I think you can go now, Sir. Patapos na rin naman po ako," sambit ko at ngumiti sa kanya. Para na rin makahinga na ako ng maayos.
Tumitig siya sa akin ng ilang saglit bago tumango at tumalikod.
Umalis na nga siya. At ako naman ay balik atensyon na sa screen.
Dumaloy ang buhay. Maraming nagaganap sa akin.
Magkasama kami ngayon ni Markian. Narito kami sa isang sikat na pinag di-date-an ng mag-couple. Pwede ring pampamilya. At pwede rin sa mga walang label. Pwedeng-pwede rin naman sa mga single.
Gabi na. Kapag gabi ay mas maganda rito. Dito sa Mexico. Medyo may kalayuan mula sa amin pero kung may sariling sasakyan naman ay mapapabilis ang byahe.
Marami ring nagtitinda rito ng mga pagkain. Ang daming pwedeng pagpilian.
"Gusto mo bang pa-picture?" tanong niya sa akin.
Pinapanood ko kasi iyong isang babae na nagpapa-picture siguro sa nobyo niya. Dikit na dikit kasi sila.
"Pwede ba? Pang story ko lang." Hindi na ako nahihiya.
Tumango siya. "Come. Doon tayo sa mas maganda ang design." Hinawakan niya ang pulso ko at dinala na nga roon.
Inabot ko sa kanya ang phone ko para iyon ang pangkuha niya ng letrato.
"Smile," he said and I smiled.
Hinila ko siya pagkatapos. "Picture tayong dalawa," yakag ko. Para naman magka picture na kami.
"Wait," he said.
Natawa ako nang medyo nahihiya pa siyang i-approach iyong lalaking nakasumbrero. Napapakamot pa kasi siya sa kanyanh batok.
"Can you take a picture of us?" magalang niyang sambit.
Tinaas ng lalaki ang suot niyang sumbrero. Nalaglag yata ang panga ko nang mapagtanto kung sino siya.
Si Lynusdrei. Cold ang tingin na ipinukol nito sa akin at walang emosyong tumango kay Markian. Bakit ba laging cold ang pinupukol niyang tingin sa aming dalawa ni Markian?
Napalunok ako nang makabalik na sa tabi ko si Markian. Ipinatong niyaa ang kanyang kamay sa aking balikat kaya naman mas nagkadikit kami.
Hindi ko alam o baka naman nagiging assuming lang ako. Ang diin ng pagkakahawak ni Lynusdrei sa aking phone. Kada take yata ng picture ay sobra ang pagkakapindot niya. Baka naman masira ang phone ko niyan ha.
"Thank you," ako na ang nagpasalamat at kumuha ng aking phone na hawak niya.
Napapiksi ako ng mahina nang maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa aking kamay nang magtama at magkalapat ang aming mga kamay.
Nakita ko ang pagtaas niya ng isang kilay at pagngisi. Pagkatapos niyon ay tumalikod na siya.
"Can I see?" Markian asked.
Tumango ako at kinalkal ang mga picture. Maganda ang mga pagkakakuha niyon.
"Ang tangkad mo," pansin ko.
Natawa siya. "Matangkad ka rin naman," utas niya.
Pagkatapos namin doon ay umupo kami sa may table.
"What do you want?" he asked.
Tumingin ako sa banda ng mga nagtitinda at pumili ng pwedeng kainin.
"Milk tea and fries," sambit ko habang kinakalkal ang aking bag para makuha iyong pitaka ko.
"Ako na," bawal niya sa akin.
Mabilis akong napapiling. "'Diba sabi ko sa'yo mas bet ko ang pag-split ng bills. Ako na ang magbabayad sa sa'kin," I said with finality.
Napahinga na lamang siya at tumango. Inabot ko na sa kanya ang pera at kinuha na niya iyon.
"Wait lang," he said and walk towards the stalls.
Nilibot ko ang aking paningin habang hinihintay siya. Marami ang mga tao ngayon. Nag e-enjoy sa mga designs dito. Maliwanag kasi at ang ganda talaga.
Tumingin ulit ako kay Markian. Mukhang ginagawa na ang kanyang order.
May tumayo sa aking gilid kaya naman napatingin ako rito. Si Lynusdrei na naman.
"Can I sit here?" he asked.
Napalunok ako at tumingin ulit palibot sa lugar. Wala na ngang vacant. Occupied na lahat.
Pang apat na tao naman ang la mesa. Dalawa lang kami, ako at si Markian.
Tumango ako. "Ahm... sige."
Umupo siya sa isang tabi. Katabi ng sa kasama ko.
Tahimik lamang ako. Pasulyap-sulyap sa kanya. Umiinom siya ng lemon juice at kumakain ng pizza, iyong pang solo lang.
Nang makabalik ang kasama ko ay napatingin siya sa aking tabi. Tumingin siya sa paligid at mukhang nakuha naman niya kung bakit ito nakisama sa amin. Hindi naman namin pag-mamay ari ang la mesa at upuan dito kaya ayos lang.
"Here." Inabot niya sa akin ang milk tea.
Nang makita ko ang flavor niyon ay napangiti ako. "Woah. How did you know? Wala naman akong sinabing flavor sa'yo ha," utas ko.
Ngumisi siya. "I saw you drinking that noong shs days mo pa."
Oo nga pala at nakakasakay ko siya dati. Umiinom ako lagi nito kapag nasa jeep. Ang init naman kasi kaya gusto ko ng pampalamig.
Ang sa kanya ay classic flavor at plain na fries. Ang sa akin kasi ay choco banana na milk tea at fries na sour and cream.
Ilang saglit lang ay tumayo si Markian at yumuko. Kumuha siya ng tissue at inabot ang gilid ng aking labi para punasan iyon.
Magpapasalamat na sana ako pero natigilan ako nang marinig ang pagtikhim ng isa pang kasama namin sa table.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kamay ni Markian na nasa may gilid pa rin ng aking labi.
Bakit?
Walang emosyon ang kanyang mga mata nang bumaling sa akin. Napakunot ang noo ko at napapiling na lamang nang magkaroon ng conclusion sa aking utak. Impossible.
Bakit naman?
Napapiling na lamang ako at bumaling na muli kay Markian.
Habang tuloy sumisipsip ako sa aking milk tea ay hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Lynusdrei.