Curious and imaginative mind sometimes lead to something unexpected
EPISODE 1
It's been five days, I don't even remember what happened after the car accident. I am wondering what will happen to me for the next few days and just looking at the white ceiling. How can I spend the day doing nothing and just lay in bed enduring the pain without my family? I just wanna cry but deep inside I am very thankful that I am alive today but something suddenly came into my mind, is this really happening to me? And I heard someone calling my name and I woke up, tinatawag lang pala ako ng nanay ko, I felt so real, just a dream, akala ko nasa teleserye ako sa panaginip ko. Tinawag ako para magising sa katotohanan. Nakaugalian ko na manood ng mga drama kaya naman maging sa panaginip ko parang nangyayari talaga sa akin yung mga tagpo sa palabas.
Madalas akong mag-isip ng mga bagay bagay na nauuwi sa over thinking. Akala ko lahat ng bagay at desisyon ko sa buhay laging may mali at hindi mapakali ang isip ko dahil sa katatapos pa lang na pagsusulit para sa mga magiging guro at isa na ako doon. Paki ramdam ko tuloy mas mahirap ang mag trabaho kasya mag-aral. Nagsisimula pa lamang na sumikat ang araw pero nakakastress na agad mga iniisip ko.
Kaya naman naisipan kong buksan ang akong telepono para tingnan ang mga mahahalagang balita sa social media. Alam ko sa sarili kong bored na bored ako sa pagiging tambay mula noong makapag tapos ako ng kolehiyo. Sabi nila maraming mamamatay sa maling akala. Akala ko rin magkakaroon agad ng trabaho kapag nakapag tapos kana, akala ko lang pala. Lahat tayo mahilig mag assume, alam kong kayo rin, aminin.
Wala akong ideya na ang araw na ito ang isa sa babago ng boring kong buhay. Napukaw ang aking atensiyon sa isang mensahe mula sa isang tao na hindi pamilyar sa aking paningin. Maroon tayong tinatawag na curiosity kaya naman binuksan ko ito. Ano kaya ang laman ng mensaheng iyon?