“Ate Shan, sigurado ka ba na pupuntahan mo si manong? Baka tama si Edge na huwag ka munang magpakita sa kaniya, paano kung ipahuli ka niya sa pulis? Paano kung saktan ka niya ulit dahil sa galit niya?” Isang araw palang ang lumilipas simula ng malaman ni Tad ang tunay na pagkatao ni Shan, sa isang araw na ‘yun ay hindi niya mapigilan ang pagka miss sa binata. Pero hindi muna siya pinalabas ni Edge dahil narin sa pinagpapahinga siya nito dahil sa bumukas niyang sugat sa kaniyang dibdib, namumula pa din at bahagyang nag swollen ang leeg ni Shan dahil sa pagsakal ni Tad sa kaniya. Sa isang araw na lumipas na hindi nakita o naririnig ni Shan ang boses ni Tad ay mas napatunayan niya sa kaniyang sarili na mahal ma mahal niya ito. Gusto niya itong makita at kahit alam niyang ipagtatabuyan siya

