ILANG ULIT na malalakas na suntok sa mukha ang binibigay ni Tad sa pinakahuling assassin na tinapos niya, nakasalampak sa sahig at nakadagan si Tad sa may dibdib ng kalaban niyang duguan na ang mukha dahil sa hindi pagtigil ni Tad na pagsuntok sa mukha nito. Nakatingin sina Paxton, ang kambal na sina Shun at Shin, ganun din si Edge at Camden kay Tad na puro bahid na din ng dugo ang mga kamay, damit at ilang bahagi ng mukha nito. Sa labing limang kalaban na ibinigay ni Paxton kay Tad ay pinanuod nilang tapusin ni Tad ang mga buhay ng mga kalaban nito, may oras na nasusuntok, nasisipa at nadadaplisan ng katana ang ilang parte ng katawan ni pero pinilit nilang hindi mangialam dahil alam nilang hindi rin papayag si Tad. Pinanuod lang nila si Tad na nag-iba sa way ng pakikipaglaban nito, ramda

