ISANG BUWAN ang lumipas matapos ang malagim na nangyari sa Han International Hospital, naging laman man ng mga balita ang ospital ni Tad ay nakabangon na sa trahedya na ‘yun ang HIH. Sa una ay hindi naging madali na maibalik sa dating ayos ang katayuan ng HIH sa mga tao matapos ang pagharap ni Tad sa public apology nito tatlong araw ng maibalik na niya si Shan mula sa Isla ni Lolita. *FLASHBACK* Sa labas ng Han International Hospital ipinadaos ni Tad ang public apology niya sa harapan ng mga tao upang ihiningi ng tawad ang trahedya na nangyari sa loob ng HIH, matapos ilang mga inosenteng buhay ang nadamay sa pagsugod ng mga assassin ng Montez Clan. Buong-buo na hinarap ni Tad ang mga tao at handa siyang harapin ang pwedeng maging reaksyon sa kaniya ng mga ito. Maramong press ang nasa har

