Tahimik na lumapit si Astra sa dalawang lalaking nakaupo garden set na nasa patio ng bahay na iyon. Iniikot niya ang tingin sa paligid at napagtantong tama siya sa kaniyang sapantaha. Napalilibutan nga ng naglalakihang puno ng mga kahoy ang magandang rest house na iyon. Madidinig pa sa kanilang kinatatayuan ang lagaslas ng talon na alam niyang hindi nalalayo. “Dapat sa’yo ay nagpapahinga na muna.” “Nasaan tayo at kaninong bahay ito, Pascal?” Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Bagkus ay nakahalukipkip siyang hinarap ang dalawang kasama matapos maupo. Tahimik lamang si Cedrick habang naglilinis ng baril nito samantalang si Pascal naman ay tumayo at pinagmasdan ang paligid na. Hindi nakaligtas sa mga mata ng babae ang pagpukol ni tingin nito sa isang direksyon kung saan ay nakita niya r

