“Mommy Thea!” Malawak ang ngiting inilahad ng dalaga ang mga bisig para salubungin ang tumatakabong si Sophia. Nasa school siya ng bata para sunduin ito. She’s been doing it for a month, two or three times a week since Jarred came back on duty in the hospital. Daalwang linggo n alang din at ikakasal na sila ni Jarred. Ang mga ina nila, kasama ang isang wedding organizer ang nangangasiwa sa lahat. Okay lang naman sa kaniya iyon. Sila pa rin naman ni Jarred ang final decision o mas tamang sabihing siya, dahil ang lalaki nama’y palaging nagsasabing “it’s for my wife to decide”. Pero over all, hinahayaan na lang din niya ang dalawang ginang para may pagkaabalahan. Sinimulan na niyang maging ina kay Sophia. Mas matatawag pa ngang Mommy’s girl ang bata sa sobrag lapit nito s akaniya kumpara

