Jarred was about to open his car in the hospital parking nang bigla na lamang may lumapit sa kaniyang lalaki at tinutukan siya ng baril sa tagiliran. “Makisama ka na lang kung gusto mo pang makauwi ng buhay sa anak at nobya mo, Dr. Laurente.” “Sino ka? Ano’ng kailangan mo?” Pasimpleng umikot ang tingin ni Jarred sa paligid. Nakita niya ang isang lalaking nakasandal sa isang kotse may limang metro ang layo sa kanilang kinatatayuan. Nagsisindi ito ng sigarilyo habang ang mga mata nito’y nakatuon sa kanila. Maya-maya’y nagsimula na itong maglakad papunta sa kanila habang nanatiling nakatutok pa rin sa kaniyang katawan ang dulo ng baril. “Pumasok ka sa loob ng kotse.” Mas lalo pang idiniin sa kaniyang tagiliran ang dulo ng baril. Pero bago pa man iyon mangyari, tunog ng isang pagsara ng

