Kasalukuyang inaayos ni Astra ang buhok ni Sophia. Mag-aapat na araw na ang mag-ama sa isla. Nang araw na muling magkita ang dalawa’y agad na pinasundo ng doktor ang anak. Sophia was really happy seeing Astra again. Kahit sa pagtulog, ayaw na nitong humiwalay sa kaniya. Jarred once carried her on their room pero nang magising ang bata’y umiyak ito kaya naman mula noo’y sa dalaga na ito tumatabi sa pagtulog. Minsan nang pumalatak noon si Jarred na mabuti pa daw ang anak, nakakatabi siya sa pagtulog. Inirapan niya lang ito at hindi na pinansin. Nagpapasalamat si Astra dahil dama niya ang pag-unawa ni Jarred sa kasalukuyan niyang pinagdadaanan. Nawala ang ngiti ni Astra nang makita ang palatandaan ng bala. Masuyo niya itong hinaplos habang unti-unti na namang bumibigat ang kaniyang dibdib s

