He’s about to walk away the window nang mamataan ni Jarred and bulto ng isang babaeng naglalakad patungong dalampasigan. Sumikdo ang pamilyar na kabog ng kaniyang dibdib nang makilala kung sino iyon. Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang anak na mahimbing nang natutulog ng mga oras na iyon. When he glanced on his wrist watch, he realized malapit na palang mag-alas diyes ng gabi. Saktong paglabas niya ng kuwartong pansamantala nilang tinutuluyan ng anak habang nasa isla, papasok naman sa kabilang silid si Pascal. Noong una’y hindi pa siya nito pinansin dahil tutok sa cell phone na nasa tenga ang atensyon nito. Nang sa wakas ay mapansin siya nito’y nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. “Pakitingnan-tingnan muna si Sophia sandali. Labas muna ako,” dumeretso na ng labas ang

