“Daddy?” “Hmm?” “Bakit kanina pa po kayo nakatingin kay Tita Thea?” Ngumiti sa anak si Jarred kasabay ng marahan nitong paghawak sa uluhan ng bata, “Kanina pa ba, Anak?” Tumango-tango naman si Sophia. “Kanina pa nga po kayo tinatawag ni Tito Pascal pero hindi niyo po siya pinapansin.” “Ows?” nilingon ni Jarred ang direksyong tinitingnan ng bata at doo’y nakita nga niyang nang-aasar na nakatingin din sa kaniya si Pascal. Muli’y ibinalik niya ang tingin sa babaeng ayaw na niyang mahiwalay pa sa kaniyang tingin. Kasalukuyang nasa pangpang sila ng dagat habang ang dalaga’y masayang kasama ang ilang taga-isla habang nanonood sa pag-aalsa ng mga isdang nahuli ng mga pumalaot kaninang madaling araw. “Ehem,” eksaheradong papansin ni Pascal. “Para kang timang diyang nakanganga kakatitig

