“Tita Thea!” Parang piniga ang puso ng dalaga. Kitang-kita sa mukha ng bata ang sakit na nararamdaman dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Rafael. Dala na rin ng matinding takot kung kaya’t malakas na pumapalahaw ang bata. "Bitiwan mo ang hawak mong baril, babae ka. Kung mahalaga sa iyo ang buhay nitong bata.” Halos bumaon sa lalaki ang matatalim na titig ni Astra. Kung puwede niyang lang itong durugin ng mg aoras na iyon, talagang gagawin niya. Bumalik sa kaniyang balintataw ang eksena ni Yael. She swears, she will smash him into pieces. “Sophia?! Bitiwan mo siya! Huwag mong idamay ang bata!” Mula sa isang direksyon ay narinig ng babae ang boses ni Jarred pagkuwa’y bumaling din ito sa kaniya. “Astra!” Akmang lalapit sa kaniya ang lalaki pero natigil ito nang magtagpo ang kanilang m

