“Clarisse is d-dead, Ate? Pinatay mo ang pinsan ko!” Nagkatinginan sina Melissa at Antonio. Hindi na nakailag ang lalaki nang mabilis itong sugurin ni Alyanna at pinagsasampal. Mabilis na nakalapit si Melissa at inawat ang babae. Pero napikon na si Antonio. Hinugot nito ang baril at tinutukan si Alyanna. “Antonio, ibaba mo ‘yan! Lumabas ka na at mag-uusap kami ng kapatid ko.” The man smirked. Ibinaba naman nito ang baril at tiningnan ng masama si Melissa. “Ayusin mo ang kapatid mo at sumunod ka na sa’kin sa basement.” Halos lumundag ang dalawang babae sa lakas ng pagkakasarado ng pinto ng kuwarto. Umangat ang ulo ni Alyanna at nanlilisik ang mga matang hinarap ang kapatid. She heard everything. She heard na pinatay ang pinsan niya na siyang nagpaanak sa kaniya at totoong nakakaala

