Chapter 7 (The lonely heart you see tonight will not give up without a fight) Isang nakakapagod na mag hapon ang araw na iyon para kay Dianne pag uwi sa bahay ay hindi na niya nagawang kumain ng hapunan nagpaalam na siya sa kanyang Nanay Lita na maagang magpapahinga at huwag ng katukin para sa hapunan. Puno ng pagtataka ang tinging ipinukol ng kanyang ina na tila binabasa ang kanyang reaksyon. “Anak may problema ka ba? ilang araw ka ng matamlay kung kailangan mo anak kausap andito lang ako,” nag aalalang wikani Nanay Lita sa anak. “Okay lang po ako nay pagod lang po talaga ako,” pagkakaila ni Dianne sa ina na ayaw na niyang bigyan pa ng alalahanin. Pagpasok sa kwarto ay hindi napigilan ni Dianne ang umiyak ng lihim tila sasabog ang kanyang dibdib sa pagpigil ng kanyang nararamdaman

