Chapter 6 (Wear your mask....cover your pain)

1243 Words
Chapter 6  (Wear your mask....cover your pain) Mabigat ang katawan na tila ba ayaw bumangon sa pagkakahiga ng umagang iyon si Dianne kinuha niya ang salamin at malungkot na tinitigan ang mukha. Bakas sa kanyang mata ang lungkot na dala ng labis na pag-iisip at malalim na eye bags ang kailangan niyang remedyuhan Be strong Dianne Joy Dominguez, pinili mo yan ginusto mo yan panindigan mo, wika nito habang nakatitig sa sariling repleksyon. “Anak hindi ka ba papasok? tanghali na ah masama ba pakiramdam mo?” malakas na tanong ni Nanay Lita sa labas. “Papasok po nay, eto maliligo na po,” ganting sagot ni Dianne sa ina at mabilis nang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Pagdating sa iskwelahan ay nakasabay ni Dianne si Ivy sa pagpasok. “Aba mukang iba awra natin ngayon ah parang hindi yata ako sanay ah,” mataman nitong sinisipat ang mukha ni Dianne. Tila naman nailang si Dianne sa biro ng kaibigan na pilit ikinukubli ang malalim na eyebags at pamamaga ng mata sa labis na pag iyak ng nakaraang gabi. “Make-upan mo din ako ng ganyan maaga pa alangan naman ikaw lang ang maganda sa atin,” Hirit ni Ivy sa kaibigan. Nakahinga ng maluwag si Dianne ng hindi nito nahalata ang kanyang mga mata kaya’t inaya na niya ito sa kwarto para aplayan ng make-up.  “Halika na sa kwarto ko habang maaga pa at wa pang gaanong mga bata at ng mapinturahan ko na yang peslak mo,” natatawa na lamang na sagot ni Dianne sa kaibigan. Habang nag-aapply ng make-up sa mukha ni Ivy si Dianne ay nakita nilang dumaan sa corridor ang dalawa pa nilang kaibigan aayain sana nila ito saglit para ipakita ang make-up session nila ngunit napigilan ang dalawa ng makitang seryoso at tila naiiyak pang nagsasalita si Leny kay Helen. Nagkatinginan ang dalawa sapagkat alam na nila na mukhang may mabigat na dalahin ang kaibigan. “Hey mga sisters mamaya sa room tayo ni Mama Helen maglunch mukhang me palalakasin tayong nang hihinang Gabriela,” pabiro ngunit malungkot na sabi Jen sa kanila. Oras nang pananghalian ay sabay ng naglakad sina Clarizz patungo sa room ni Ma’am Helen. “Best okay ka lang ba alam ko kahit hindi ka kumikibo o nagsasalita alam ko apektado ka ng nasabi ko kahapon nag alala nga ako at baka masyadong eksaherada ang pagkakaistorya ko sayo pero siyempre nag alala lang naman ako kahit minsan over acting na ang BFF mo,” mahabang litanya ni Clarizz. “Naku huwag mo ng isipin yon alam ko naman na love na love mo ko ini-report ko na sa f*******: yung account saka inayos ko na din setting ng f*******: ko para hindi na basta makuha mga information  at picture ko,” pagsisinungaling ni Dianne sa kaibigan. Pagpasok nila sa classroom ay tahimik ang grupo tila nagpapakiramdaman. “Ano nakain o wala kayong makain kaya mga tahimik kayo?” biro ni Clarizz sa grupo na hindi agad nakita na umiiyak si Leny. Tinitigan siya ng grupo kaya’t agad siyang nag peace sign ng maramdaman na seryoso ang mga kaibigan sa pakikinig kay Leny maya maya pa ay lumapit na sila ni Dianne sa grupo at nakinig sa iniistorya nito. “Gaano ka tindi yung torture sa akin yung araw-araw na alam kong magkasama sila sa opisina ng naging babae niya daig ko pa masisiraan ng ulo sa tuwing gagabihin siya ng uwi kakaisip kung ano ang pinaggagagawa niya kung nasaan siya at sino kasama niya,then last week nagsabi siya na may seminar siya na out of town kaya pala may pacake pa siya ay talagang may ginawa na namang kasalanan dahil walang seminar at nagpasarap lang sila ng kabit niya,” Umiiyak na kwento ni Leny. “Paano mo naman nalaman na tuloy pa rin relasyon nila at magkasama?” tanong ni Ivy. “Nadinig ko may kausap siya sa banyo kaya pagkatulog pinakialaman ko yung cellphone duon ko nabasa lahat na hindi naman pala sila naghiwalay talaga nagpalamig lang my secret files sila kung saan andun lahat ng pictures nila na magkasama” dagdag ni  Leny. “Ang tanong kinompronta mo ba? umamin ba?” tanong ni Helen sa kaibigan. Iling lamang ang isinagot ni Leny.  “Buti ako graduate na ko sa ganyan gaano kahirap yung para kang hindi nag e-exist na walang takot na dadalin pa sa bahay ng mga biyenan ko ang babae niya at mag iinuman sila magdamag habang ako nakakulong lang sa kwarto nag aalaga ng mga anak ko,” sabat ni Ivy. “Wala kang magagawa kagaya nga ng sabi mo kinukunsinti ng biyenan mong babae dahil nabibigyan sila ng pera ng magaling mong ex-husband mabuti na nga lang at natanggap na ng mga anak mo na hiwalay na kayo at maayos naman sila ngayon,” sambit naman ni Jen. “Kanya kanya talaga tayo ng pasan na krus depende na lang sa atin kung paano natin dadalhin ng magaan,”komento ni Angel. “Basta tatagan mo loob para sa mga bata pasasaan ba at malalampasan ninyo rin ang unos na yan basta andito lang kaming mga kaibigan mo kung kailangan mo ng kausap huwag mong kikimkimin mas mainam yung may nasasabihan ka para lumuwag ang bigat diyan sa dibdib mo.” pangaral ni Ma’am Helen. “Payo ko lang sayo Leny ipakita mo na okay ka matatag kahit durog na durog ka na huwag kang pakikita na apektado ka lalong matutuwa yung babae na yun pag nakita kang stress at apektado tingan mo yang sarili mo mukhang pinabayaan mo na, mag ayos ka pakulayan natin yang buhok mo at sabay ng maiparebond tingnan ko lang kung hindi mag isip ang mabait mong mister,” Seryosong hirit naman ni Jen. “Wear your mask pakita mo na isa kang strong ang independent woman na hindi nila kayang itaob,” sagot pa ni Clarizz. Walang maapuhap na sasabihin si Dianne na nakikinig lamang sa usapan ng mga ito. Kitang kita niya ang hirap ng kalooban ni Leny sa sitwasyong kinakaharap na walang ibang pagpipiliian kung hindi ang maging matatag para sa mga anak. Bakit ba kailangan maging kumplikado ang lahat  kung pwede lang sana na masaya lang lagi kaso sabi nga hindi malalaman kung paano ang pakiramdam ng masaya kung hindi mo naranasang malungkot mga salita na nais sanang sabihin ni Dianne ngunit pinili na lamang niya ang tumahimik sapagkat paano nga ba bibigyan ng katuwiran ang isang mali at nakasasakit sa iba. “Salamat sa inyo ha yung may nakikinig lang sa mga sakit na pinagdadaanan ko napakalaking bagay na yon ayoko rin kasing nakikita o naririnig ng mga anak ko na miya’t miya kaming nagtatalo kasi alam ko apektado pati pag-aaral ng mga bata eh malalaki na mga yun baka mamaya mag rebelde lalong hindi ko kakayanin.” malungkot na paliwanag ni Leny. “Tiyak naman na kahit huling huli na sa akto yang mga lalaking yan hindi pa rin aamin di ba ang sarap kitilin ng mga buhay, samantalang nung mga nanliligaw pati Bulkang Mayon ipinapangakong iaalay pero pag naging asawa ka na hay naku asahan na na doon lalabas ang tunay na kulay,” Biro ni Clarizz sa daloy ng usapan na masyadong nagiging mabigat kaya’t sinikap,na nitong magbiro upang gumaan ang kwentuhan. Malungkot ang tanghalian iyon halos lahat ay hindi nakakain ng maayos ang dating puno ng tawanan ay tila ba nakiramay sa bigat ng dinadala ng kanilang kaibigan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD