Chapter 5 (Trust is Earned When Actions Meet Words)
Gulong gulo ang isip ni Dianne hindi niya alam parang wala siya sa sarili masama ang kanyang pakiramdam at tila ba hindi iyon basta basta mawawala kung hindi niya makakausap si Rupert.
The number you have dialled is either unattended or out of coverage area please try your call later, tunog sa kabilang linya ng ilang ulit itong sinubukang tawagan ni Dianne.
Isa... dalawa...tatlo hanggang umabot ng sampu na ganun pa rin kaya’t minabuti niyang huminto na kakatawag at mag iwan na lamang ng mensahe.
We need to talk. If you read this message give me a call, Dianne.
Gabi na nang mabasa ni Rupert ang mensahe ni Dianne at dali dali itong tumawag sa kanya.
“Hello honey what’s the problem?” nag aalalang tanong ni Rupert kay Dianne.
Hindi napigil ni Dianne ang mapahagulgol ng iyak matagal na iyak lamang ang naririnig ni Rupert mula sa kabilang linya.
“Dianne ano ba ang problema hindi natin ito maayos kung hindi mo sakin sasabihin kung bakit ka umiiyak?” nag aalalang tanong ni Rupert.
“Hindi niya pa rin ako nilulubayan hindi pa siya nasiyahan sa mga pag papadala ng mensahe sa mga kaibigan ko at mga paninirang ginawa niya sa sakin at ngayon pati sa f*******: sinisira niya ko may mga kasamahan akong nakakita sa mga post niya na andun pati mga pictures ko..... how can I handle this Rupert alam mo na nagtuturo ako dito sa Pilipinas at hindi pwedeng makaladkad sa ganyang eskandalo ang pangalan ko?” umiiyak pa ring wika ni Dianne.
“Okay let me handle this, kakausapin ko siya pero iayos mo ang sarili mo hindi makakatulong ang pag iyak mo sa problema natin okay? Everything will be fine just trust me,” pag aalo naman ni Rupert kay Dianne.
Pag uwi sa bahay ay agad na kinomprota ni Rupert ang asawa.
“Lilian can we talk?” seryosong bungad ni Rupert.
Matalim na tingin naman ang ibinato nito sa kanya bago iwan ang tatlong mga anak sa salas na kasalukuyang gumagawa ng mga assignments at saka sumunod sa asawa sa loob ng silid.
“Will you please leave Dianne at peace!” seryoso at pigil na pigil ang gigil na sabi ni Rupert sa asawa.
“What you want me to leave her at peace? are you out of your mind? leave her at peace while I’m living in hell knowing na tuloy tuloy pa rin ang panloloko ninyo sa akin. Matagal mo na kong niloko at hanggang ngayon patuloy mo pa ring akong tinatarantado... see alam na alam mo ang lahat bakit nagsumbong ba sayo ang kerida mo? Ang kapal ng mukha mo ang kapal ng mukha ninyong dalawa para utusan ako!” lumuluhang sigaw ni Lilian.
“Pwede ba Lilian paulit-ulit na lang tayo hindi ba sabi mo lumayo tayo? Eto nasunod ka na ano pa ba gusto mo lubayan mo na si Dianne pwede ba?” galit na hiyaw ni Ruper sa asawa.
“Ako talaga ang pinalulubay mo? hindi ba sayo dapat sinasabi yan? Aba! Rupert baka nakakalimutan mo may mga anak ka andun sa labas tatlo ang anak mo hindi ka ba nahihiya sa kanila? Paano ka nila irerespeto sige nga. Kung mayroong dapat lumubay ikaw yon, kayo ng kabit mo!” galit na galit na sagot ni Lilian sa asawa.
Marahas na hinawakan ni Rupert ang braso ni Lilian tila ba pigil na pigil ito na mapagbuhatan ng kamay ang asawa.
“Ano sasaktan mo ko? sige subukan mo kung sa Pilipinas nagpigil ako para ipakulong ka baka dito ka sa Singapore tuluyang mabulok at makulong!” Hiyaw ni Lilian.
Marahas na binitawan ni Rupert ang asawa na napaupo sa kama bago tuluyang lumabas ng silid at pabalibag na isinara ang pintuan naiwang lumuluha si Lilian hindi niya lubos maisip na magkakaganoon ang relasyon nilang mag-asawa dati ay puno ng pagmamahal ang bawat salitang binibitawan nito sa kanya na unti unting nawala simula ng makilala ay maging karelasyon nito si Dianne.
Tahimik ang tatlong bata sa labas na nadinig ang pagtatalo ng mga magulang bawat isa ay tila nakikiramdam maya-maya pa ay isa isa na nagsitayo at pinili ng magtungo sa kanilang silid hindi man nagsasalita ang mga ito ay damang dama nila ang tensyon sa pagitan ng kanilang mga magulang.
Sa labas ng bahay ay nagtungo naman si Rupert sa isang bar at doon mag isang nagpakalasing. Hindi na niya alam kung paano niya aayusin ang relasyon kinasasangkutan. Kumplikado...mahirap parehong matimbang sa kanya si Lilian at ang mga anak niya rito ngunit mahal din niya si Dianne. Paano niya ipapaliwanag kay Dianne ng hindi ito mag-aalala na muli na namang guguluhin ni Lilian at paanong hindi masasaktan si Lilian at mga anak niya na umaasa na makakapagsimula silang muli at babalik pa rin sa dati ang pagsasama nila. Parehong hindi niya kayang iwan ngunit parehong ring patuloy na nasasaktan.
It was his fault. He remembered how it started.
“Dianne hindi ko alam kung masyado ba akong nadala sa emosyon ko hindi ko na napigil na magsabi sayo balak ko sana after your graduation kasi alam mo na pareho tayong mabibigyan ng disciplinary action ng paaralan kapag nalaman na may unawaan tayo. I hope you understand our situation na kailangan nating ilihim ito for the mean time for our own good..please understand honey, malambing at mahabang paliwanag nito kay Dianne.
Hindi niya kayang aminin na hindi lamang sa paaralan niya kailangang ilihim maging sa sariling pamilya at asawa. He decieved Dianne from the very start. He took advantage of her innocence. She’s only sixteen from that time and she only believes in fairy tales. Pinaniwala niya ito na binata siya until such time na hindi na nito kayang kumawala sa kanya. It is his selfies way of loving Dianne Joy from the very start but he never regret loving her.
Madaling araw na ng makabalik sa bahay si Rupert lasing na lasing ito inabutan niya ang asawa na tulog na ngunit bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan at pagluha naaawa niyang hinaplos ang mukha nito.
“Patawarin mo ako Lilian hindi ko rin ito ginusto kahit ako nahihirapan,” dala ng kalasingan ay nasambit ni Rupert sa asawa hindi na ito kapagpalit ng damit at tuluyan nang bumagsak sa kama maya maya pa ay naghihilik na ito dala ng kalasingan.
Mahimbing ng nakatulog si Rupert maya maya pa ay dahan dahang bumangon si Lilian. She heard everything. Naawa siya para sa asawa... naawa siya sa sitwasyon nila lalong lalo na sa mga anak nila na napakababata pa at alam niyang apektado sa tuwinang nagsasagutan silang mag asawa.
I will never allow you Dianne to destroy our marriage ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang legal na asawa hindi lang para sa akin higit sa lahat para sa mga anak ko kahit na masakit....kahit mahirap, bulong ni Lilian sa sarili habang impit na umiiyak.