Chapter 4 (Confirm your identity)

1475 Words
Heart Arrest  by: Yashica Chapter 4  (Confirm your identity) “Miss Tabelisma you’ll be handling kindergarten pupils, medyo hahabaan mo ang pasensya sa mga batang makukulit pero mababait naman ang mga yon, I will introduce you properly sa Grade Leader nyo na si Miss Dominguez any concerns o questions pwede mong itanong sa kanya mabait yon.” Nakangiting bilin ni Mrs. Estabillo punongguro ng paaralan. “ Good Morning Ma’am,” bati ni Clarizz sa principal. “Mabuti andito ka na Miss Esteban pakisamahan na nga itong pinsan mo kay Miss Dominguez at may emergency meeting pa ko siya ang substitute teacher natin sa Kindergarten ibilin mo na kay Dianne na alalayan si Miss Tabelisma at after meeting ko na lang sila ipapatawag para kung may tanong or anything pa ay ma-address ko,” bilin ng punongguro kay Clarizz. “Yes po Ma’am,” maagap namang sagot ni Clarizz. Habang naglalakad patungo sa kwarto ni Dianne ang mag pinsan ay binibilinan rin ito ni Clarizz. “Maswerte ka at kay bestfriend ka masasama mabait yon ibibigay ko sayo mamaya f*******: name niya i-search mo na lang para makapag friend request ka huwag kang kakabahan madaling pakibagayan yung makakapartner mo,” wika ni Clariss kay Jenny. “Good morning bestfriend may good news ako sayo eto n ang iyong new partner mo sa Kinder ang substitute ni Ma’am Ortiz, meet my cousin  Miss Jenny Tabelisma ang bago nating kapamilya,” masiglang pagpapakilala ni Clarizz sa kanyang pinsan. “Hello Ma’am Jenny, kumusta ka? mabuti at nandito ka na sa atleast hindi na magsisiksikan mga bata naka sit in  kasi mga pupils ni Ma’am Ortiz sa akin ng dalawang araw at biglaan naman ang panganganak ni ma’am ang alam namin ay next week pa,” nakangiting bati ni Dianne kay Jenny. “Pinag aayos nga pala muna siya ng mga papeles ni madam today kapag maaga siyang natapos pabalikin ko na lang siya para mai-endorse mo at maupdate ng mga kailangan iyang i-ready,” wika ni Clarizz. “Ate Clarizz iiwan ko na lang din po contact number ko sa inyo ni Ma’am Dianne para anytime po na mayari ako at maipas ko mga papers na kailangan magmessage po ako kung pabalik na ko dito or kung gagabihin naman po ako ay magtext na lang din po ako para kung sakali hindi po kayo mag iintay sa akin,” tugon naman ni Jenny. “Mabuti pa nga oh sya sige, lumakad ka na ng mayari ka kaagad at ako naman bestfriend eh pupunta na sa klase ko,” paalam ni Clarizz sa kaibigan. Maghapon na naging abala sa mga klase si Dianne hindi na nito namalayan ang oras pag tingin niya sa oras sa kanyang cellphone ay nakita niya na nagmensahe pala si Jenny na hinapon na sa pag aayos ng mga dokumento nito kung kaya’t bukas na ito magtutungo sa kanya. Matapos nitong mareplayan si Jenny ay gumayak na rin upang makauwi na ng bahay. “Oh, Jenny ngayon ka lang ba nakabalik?” Pagkakita ni Clarizz sa pinsan na papasok sa pintuan ng kanyang classroom. “Oo, Ate Clarizz nagmessage naman po ako kay Ma’am Dianne okay lang daw po na bukas na ako bumalik sa kanya at hapon hindi na kami mag-aabot at pauwi na siya kaya lang ate may gusto po akong sabihin sayo kaya bumalik ako,” tila nagbabantulot pa ito kung mag sasabi kay Clarizz o hindi. “Ano ba un mangungutang ka basta kaya ko huwag lang malaki ha,” biro ni Clarizz kay Jenny. “Hindi Ate hindi po ba sinabi ninyo na mag friend request po ako kay Ma’am Dianne sinearch ko po siya sa Facebook.” Napahinto ito hindi alam kung itutuloy ang sasabihin o hindi. “Oh ano nagrequest ka hindi ka pa inaaccept? eh baka busy yun alam mo naman maghapon nakatutok ung sa mga bata saka marami ding ginagawa mamaya i-aaccept ka nun, wag ka mag alala babanggitin ko na i-accept ka,” mabilis na hirit ni Clarizz. “Hindi yun ate nagulat lang po ako sa account ni Ma’am Dianne,” tila may pag aalala sa tinig ni Jenny. “At bakit naman ano bang meron?” Takang takang tanong ni Clarizz kay Jenny. “Eto ate oh,” sabay pakita kay Clarizz. “DIANNE JOY R. DOMINGUEZ-KABIT AKO” Napatda sa nakita si Clarizz sapagkat larawan nga ng kaibigan ang nasa f*******: Account ngunit maya maya lang ay tila nahimasmasan din ito. “Naku hindi yan ang account ni Ma’am Dianne Joy mo baka dummy account yan alam mo na minsan marami ang nanloloko sa f*******: kinukuha ang mga pictures at ginagamit sa kalokohan hayaan mo at babanggitin ko sa kanya bukas para ma-ireport,” sagot ni Clarizz kay Jenny. “Ganun po ba ate nag alala lang naman po ako at picture ni Ma’am yung nandoon eh bilang guro parang hindi lang po kako maganda sa imahe na ganun yung account,” magalang na sagot ni Jenny. “Oo naiintidihan ko ang punto mo Jenny salamat sa concern hayaan mo at bukas na bukas ay kakausapin ko si Dianne mainam na rin na malaman niya para maayos hanggang maaga baka may iba pang nakakakita nyan eh magtaka,” sagot ni Clarizz sa pinsan. Kinabukasan maaga pa lamang ay inantabayan na ni Clarizz ang kaibigan. “Oist bestfriend ikaw nga eh medyo mag filter ng mga friends mo sa f*******: hindi lahat ay open for everybody ang iyong account wala kang kaalam alam nananakawan ka na ng picture nasisiraan ka pa,” maagang sermon ni Clarizz kay Dianne. “Ang aga naman atang homily niyan bestfriend, bakit na high blood ang ma’am ha ano bang meron? baka naman nag away lang kayo ni pare kagabi eh damay pa yata ako sa init ng ulo mo hanggang ngayon?” pabirong tugon ni Dianne sa kaibigan. “Hindi noh nag aalala lang ako sayo binilin ko kasi kay Jenny na mag friend request sayo sa f*******: i-search na lang kako pangalan mo abay kakita kita eh mukang dummy account at take note masyadong mapanira bilang guro ang nakalagay,” mahabang litanya ni Clarizz. Tila nawalan ng kulay si Dianne sa narinig ngunit pinilit pa rin nitong sumagot. “Asan ba?” maikling tanong nito “Teka hahanapin ko lang.” Dagli itong ipinakita ni Clarizz ng makita ang tinutukoy na account. DIANNE JOY R. DOMINGUEZ-KABIT AKO Matagal na tinitigan ni Dianne ang f*******: Account maging ang mga mapanirang salita na naka post dito wala siyang mapiling salita na masabi sa kaibigan napailing na lamang ito at nagpaalam. “Huwag kang magpaapekto marami talagang nanloloko sa f*******: pinakamaganda i-report mo na yan,” patuloy pa ring paglilitanya ni Clarizz sa kaibigan. Nagpaalam naman si Dianne na magtutungo sa banyo nagtataka man ay ipinagkibit balikat na lamang niya ang naging reaksyon ng kaibigan ng mainip ito ay nagpaalam na muna sa kaibigan. “Oy best hindi na kita maiintay lumabas diyan pupuntahan ko na klase ko at baka nagkakagulo na mga alaga ko,” malakas ang boses na paalam ni Clarizz sa kaibigan na tila napatagal sa loob ng banyo. Sa loob ng banyo ay hindi mapigil ni Dianne ang pagtulo ng luha puno ng takot ang nararamdaman niya at hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon alam niya hindi lamang basta isang dummy account ang nakita ni Clarizz at Jenny at alam na alam rin niya kung sino ang maaring gumawa ng ganoong paninira sa kanya. “ Teacher!..teacher si Carlo nga po kinukuha yung lapis ko,” hiyaw ng isa sa mga mag-aaral na tila nagkakagulo. Sinikap ayusin ni Dianne ang sarili bago lumabas.  Bumungad sa kanya ang nagkakagulong mga bata. “Teacher si Carlo nga po kinuha yung lapis ko,” muling sumbong ng bata na tila nagulat pagkakita sa mukha ni Dianne na parang noon lamang niya nakitang malungkot. “Teacher umiyak ka po ba?” inosenteng tanong ng bata. “ Hindi anak napuwing lang si teacher,” pagkakaila ni Dianne. “Carlo, ibalik mo na kay Sophie yung pencil niya hindi ba sabi ni teacher masama nangunguha ng hindi sayo?” pagtatama ni Dianne sa mag-aaral na dagli namang isinauli ang kinuhang lapis.  Muli na namang natahimik si Dianne sa dulo ng isip niya parang may bumubulong, “masama ba talaga ang kumuha ng hindi sa iyo, bakit nanguha ka ng may asawa ng may asawa sabi mo masama yun?” papaupo na lamang si Dianne sa kanyang bangko na tila nauupos na kandila. Buong umagang matamlay si Dianne hindi rin ito sumamang lumipat kay Clarizz sa kwarto ni Ma’am Helen na madalas nilang hide out sa oras ng tanghalian nag dahilan na lamang siya na may lalakarin sa labas saglit at babalik na lamang bago magsimula ang klase sa hapon. Nagtataka man ay pinagkibit balikat na lamang iyon ni Clarizz.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD