Chapter 59 “Kumusta ang buhay ng may bagong love life mukhang ang lahat sa paligid ay makulay at puno ng buhay,” biro ni Ivy kay Jen. “Grabe ka ha parang makulay ang buhay sa sinabawang gulay kanta yan sa nutrition month eh!” natatawang sagot ni Jen. “Ay kanta ba sa nutrition month hahaha eh kumusta na nga ba kasi ano na ang latest sayo?” tanong ni Ivy. “Okay lang nag enjoy naman kami at hindi naman simpleng date sa mall ang ginawa nag nature tripping kami sa Tanawan Laur,” sagot ni Jen. “Mukhang alam ni Martin hulihin ang kiliti mo ah,” kantiyaw ni Ivy. “Siguro pareho lang din kami ng mga gusto kaya madali kaming magkasundo,”nakangiting sagot ni Jen. “Iba talaga kapag may insiprasyon at nagpapasaya parang wala sa bokabularyo ngayon ang salitang bad mood ha,” biro ni Ivy. “Hindi ba

