Chapter 58 Pagdating naman sa bahay ni Dennis ay ipinarada niya ang kotse sa sa garahe at papito pito pa ito habang papasok sa kanilang bahay inabutan niya na nasa salas ang kanyang ina ay nanonood ng balita. “Mukhang masaya yata ang binata ko? Bati ni Nanay Lucing kay Dennis. “Medyo nay nasiyahan lang ako sa pinuntahan namin nila Martin,” sagot ni Dennis. “Sino bang kasama ninyo ni Martin?kasama mo ba si Dina?” tanongni Nanay Lucing na walang kaalam alam na tapos na ang pakikipagrelasyon dito ni Dennis. Nawala ang ngiti sa mukha ni Dennis ng marinig ang pangalan ni Dina at nahalata iyon ng kanyang ina. “Mukhang naiba yata ang reaksyon ng mukha mo ng marinig mo ang pangalan ni Dina may tampuhan ba kayo?” tanong ni Nanay Lucing. Patuloy na nanatiling tahimik si Dennis na ayaw sanang

