Chapter 57 Pagtuntong ng alas singko ay nag aya na si Jen umuwi kaya’t nagsimula ng silang bumiyahe pabalik ng Cabanatuan habang nasa daan ay hindi pa rin maubusan ng kwento sina Martin at Jen na pawang puro kalokohan noong high school ang mga ito ang nakatuwaang pagbidahan. “Ano ba ang pinaka most unforgettable memory mo noong high school ka?” tanong ni Jen kay Martin. “Naku napakarami pero ang hindi ko talaga makakalimutan ay noong nagalit yung Filipino teacher namin sa kaklase kong utod ng daldal sa galit ay binalibag niya ng eraser eh kaso magaling umiwas ang mokong pag yuko niya ako ang nasapol,” kwento ni Martin. “Anong ginawa?” pigil ang tawang tanong ni Jen. “Ibig ibig kong maiyak sa sakit pero nakita ko kung paano namutla ang malatigre kong teacher na si Ms. Cruz at sa takot

