Chapter 15 Bandang alas kwatro ay wala ng klase si Dianne binuksan niya ang kanyang laptop para gumawa ng kanyang lesson para bukas ngunit habang tumitipa sa keyboard ng laptop ay panay naman ang sulyap niya sa kanyang cellphone at messenger nag babakasakali na mayroong mensahe na dumating mula kay Rupert. Halos kalahating oras na siyang nakaharap sa laptop ay hindi pa rin siya makayari sa kanyang ginagawa hati kasi ang isip niya rito at sa pag aalala na baka may nangyari ng masama sa asawa kinakabahan man ay nakakatihan niyang magbukas ng laptop at hanapin ang account ni Lilian Bueno ang legal at unang asawa ni Rupert. Hindi nakakibo si Dianne pagkakita sa account ni Lilian at ii-scroll ito. Lilian Bueno is with Rupert Bueno and 5 others. Kaya naman pala hindi siya naalalang itext o

