Chapter 43 “Kumain na tayo halika na po kayo Manong Rudy at tikman ninyo itong inihaw may kanin po at sopas ikukuha ko kayo,” alok ni Dianne. “Salamat Ma’am Dianne hindi na ako tatanggi at talagang nagugutom ako saka medyo malamig pala dito bagay na bagay yung mainit na sopas,” sagot ni Manong Rudy. “Iinit lang ho namin saglit yung sopas para madala dito ikukuha na rin namin kayo ng lalagyan para makakain tayo ulit ng sopas bago maligo sa dagat,” paalam ni Dianne na inaya na si Clarizz para bumalik sa bahay na kanilang tinutuluyan. Ilang minuto pa ay bitbit na ng magkaibigan ang mainit na sopas inabutan nila na nagkakantahan pa rin ang grupo at masayang nakikikanta si Jen sa mga ito. “Kain na muna tayo,” alok ni Dianne sa grupo. “Pagkakain natin ay magsiga ka kaya Delfin para naman h

