Chapter 44 Matapos mainom ang alak sa baso ay napagkasunduan nila Dennis, Martin , Manong Rudy at Tatay Delfin na maligo na sa dagat sa tapat mismo ng kanilang tent. “Kay tagal na rin ng huli akong nakaligo sa dagat pero ganoon pa rin ang pakiramdam nakakarelax,” komento ni Tatay Delfin na animo batang kumakawag sa tubig. “Pag natanaw ka ni Manang baka mapagkamalan kang si Gardo Versosa,” biro ni Manong Rudy. “Maiinlove lalo sa akin yon kapag nagkataon,” sagot ni Tatay Delfin. Tawanan ang grupo sa biruan ng dalawang matanda na akala mo mga teen ager na pinag uusapan ang kanilang mga nililigawan. “Ikaw ba Pareng Rudy ay wala ng balak mag asawa ang tagal na rin mula ng mabiyuda ka halos magdadalawng taon na rin pala,” tanong ni Tatay Rudy. “Mahirap makahanap ng kagaya ni kumare mo sak

