Chapter 45
Kinabukasan ay maagang gumising sina Nanay Lita balak nilang humanap ng mga isda at hipon na bibilhin para iulam at ipasalubong sa kanilang pag uwi kaya’t maaga silang umabang sa mga mangingisda na noon ay nagsilaot sa dagat.
Maya maya pa ay nakikipagtawaran na sa mangigisda si Nanay Lita at Tatay Delfin.
“Magkano mo ibibigay sa akin iyang walong pirasong bangus at dalawang kilong hipon ?” tanong ni Nanay Lita.
“Pwede na pong one thousand madam,” sagot ng mangingisda.
“Ay wala na bang bawas baka pwedeng nine hundred na lang para may pambili akong patis at bagoong,’ tawad ni Nanay Lita.
“Sige na nga po buena mano at ng masundan kaagad ang benta ko,” sagot ng mangingista na agad ng isinupot ang tinda para ibigay kay Nanay Lita.
“Balak kong magsinigang na hipon ngayong tanghalian sasamahan ko na lang ng isda para makahigop ng may sabaw,” detalye ni Nanay Lita.
“Samahan kaya natin ng alimasag pasingawan natin sa asin at vetsin ayun mayroon sa gawi doong nagtitinda,” turo ni Tatay Delfin sa kulumpon ng mga mangingisda na nag aayos ng kanilang mga nahuling lamang dagat.
Mabilis na lumapit ang mag asawa sa abalang mga mangingisda.
“Manong magkano ho ang kilo ng alimasag ninyo?” tanong ni Nanay Lita.
“Three hundred fifty po,” sagot ng mangingisda.
“Baka pwedeng three hundred na lang kukuha ako ng isang kilo?” tanong ni Nanay Lita.
“Sige po pili po kayo alin dito ang gusto ninyo,” sagot ng tindero.
Agad naman itinuro ni Nanay Lita ang kursunada matapos ay nagbilang na ng kanyang pambayad at iniabot dito.
Tunulungan ni Tatay Delfin na magbuhat ng mga pinamili si Nanay Lita.
“Delfin hindi kaya magkahasang na tayo sa dami ng binili mong isda,” tanong ni Nanay Lita.
“Balak kong ibigay yung iba kila Dennis at Martin sa sa mga kasama ng anak mo yung iba ang sabi mo ay iluluto natin kaya konti lang din ang maiuuwi natin sa bahay baka nga isang pirasong bangus na lang at hipon kung sakali pero kung gusto mong hatinn sa mga kasama natin ay pwede pa rin,” paliwanag ni Tatay Delfin.
“Ganun ba hindi agad sinabi ng nadagdagan ko pa sana para mabigyan na rin natin si Manong Rudy,” sagot ni Nanay Lita.
“Kung gusto mo ay bumalik kita para makabili kahit dalawa pang bangus para mabigyan na rin natin si Manong Rudy,” suhestiyon ni Tatay Delfin.
“Sige nakakaawa naman kung mamata mata si Manong tapos lahat ng kasama natin ay binigyan ko,” sagot ni Nanay Lita.
Pagbalik sa bahay na tinutuluyan ay diretso ang mag asawa sa kusina para iayos ang kanilang pinamili inabutan nila na naroon sina Dianne at nagkakape kasama sina Jen at Clarizz.
“Nay saan ho kayo galing?” tanong ni Dianne sa ina.
“Maaga kaming umabang ng tatay mo doon sa pantalan at bumili kami ng isda na mabibili eto balak kong isigang kasama ng hipo at itong alimasag ay pasingawan natin sa asin at vetsin,” sagot ni Nanay Lita.
“Mukhang mapapasabak na naman ako nito Nanay Lita nadale ninyo na naman ang mga paborito ko,” komento ni Jen na hinimas pa ang tiyan.
“Wala ka namang hindi paborito kaya nga lumobo ka na ng lumobo,” naiiling na sabat ni Clarizz.
“Ang harsh mo naman sa akin beshy huwag ganun saka hindi ba ang trending ngayon chubby is the new sexy nakikiuso lang din ako,” katwiran ni Jen.
“Chubby ang sinabi hindi babsy,” hirit ni Clarizz.
“Ay sumosobra ka na ha nakaka-offend na yang mga comments mo,” sagot ni Jen na pinalungkot pa ang mukha.
“Ito naman nagiging sensitive masyado siyempre joke lang yun halika na at tulungan na nating maghanda ng sangkap si Nanay Lita,” bawi ni Clarizz.
“Ikaw na lang nawalan na ako ng gana at hindi na rin ako kakain mamaya para masaya ka na,” seryoso pa ring sagot ni Jen.
“Ay me ganon? Wala namang pikunan para ka namang iba niyan eh sige sorry na kung nasaktan ka sa biro ko hindi na mauulit, okay na ba Miss Jen sexy?” nananantiyang tanong ni Clarizz.
Hindi kumibo si Jen na inirapan si Clarizz iyon lamang ang hinihintay na senyales ni Clarizz at agad na nitong nilapitan at niyakap sa beywang ang kaibigan.
“Eto naman tampurista pa ang peg today biro lang yun siyempre pero sige kung nasasaktan kita hindi ko na uultin promise,” muling paliwanag ni Clarizz.
“Pag inulit mo pa yon hindi na talaga kita kakausapin sa inyo lang ako kumukuha ng lakas ng loob tapos ganyan pa maririnig ko sayo paano pa ko magtitiwala sa sarili ko na matatagpuan ko ang The One ko at gugustuhin ako for who I am kung kayong mga kaibigan ko ay hindi mapalakas ang loob ko,” himig nagtatampo pa rin si Jen.
“Sorry na nga po,” sagot ni Clarizz na ayaw ng pahabain ang tampo ni Jen.
“Para pala kayong mga bata kung magtampuhan pero huwag ninyong pahabain at baka mamaya eh masyadong maging seryoso panindigan ninyo na iyang mga tampo tampo ayokong magkakagalit kayo ha,” komento ni Nanay Lita na isa isa ng inilalagay sa mesa ang sangkap ng lulutuing ulam.
“Narinig ninyo ang bilin ni nanay tumigil na kayong dalawa ang aga aga eh nagkakapikunan kayo paano pa tayo magba-banana boat kung ganyan,” singit ni Dianne na parang batang pinagalitan ang dalawang kaibigan.
“Eto na nga bati na nga kami basta yang bibig mo rendahan mo ha hindi porket pumayat ka ng isang kilo sa akin eh me lisensyaka ng laitin ako sige ka pag ako pumayat tingnan ko lang kung hindi maglaway sa akin si Sir Dennis,” biro na ni Jen.
“Mukhang maaga yatang napupulutan ang pangalan ko ah.” Tinig mula sa pintuan ng kusina.
Paglingon ng magkakaibigan ay nakita nila sina Dennis at Martin na may dalang tasa at mukhang balak na magsipagkape.
“Ano kasi Sir Dennis sabi ko sa kanila baka naparami kayo ng nainom kagabi hindi kaya kako sumama ang pakiramdam ninyo at naglaway kaya balak na namin kayong katukin para makapagkape eh kaso eto na pala kayo kaya tara na magkape na tayo,” pagkakaila ni Jen.
Pigil ang tawa ng magkaibigang Dianne at Clarizz sa bilis mag isip ng dahilan ni Jen at mukhang nakumbinsi ang mga bagong dating sa kanyang paliwanag.
“Nga pala Dennis, Martin bumili kami ng bangus ng Nanay Lita ninyo marami ito mag uwi kayo sa at maipasalubong sa ninyo,” wika ni Tatay Delfin.
“Naku nakakahiya naman ho nag abala pa kayo,” nahihiyang sagot ni Dennis.
“Maliit na bagay ito Dennis kumpara sa mga naging abala at hinihingi pa rin naming pabor hanggang ngayon,” sagot ni Tatay Delfin.
“Naku huwag ninyo hong binibilang yon at iyon naman ho ay bahagi ng tungkulin namin ni Martin,” muling sagot ni Dennis habang tahimik naman na nakikiramdam ang mga kaharap.
“Anong oras ba ninyo balak bumiyahe para masabi natin kay Manong Rudy at maigayak ang sasakyan,”tanong ni Tatay Delfin.
“Kahit ho siguro mga bandang alas kwatro na tayo gumayak umalis para hindi masyadong mainit ang biyahe pauwi isa pa eh me sisingilin kami ni Sir Dennis na magpapa-banana boat mamaya,” sagot ni Martin.
“Ganoon ba mukhang nabaligtad yata akala ko kahapon ay kayo ang kinakantiyawan ni Ma’am Jen,” nagtatakang tanong ni Tatay Delfin.
“Nakatuwan hong makipagpustahan kagabi nung iniwan ninyo kami sa dagat abay hinamon nila ang gitarista ng presinto na hindi matutugtog ang request nila eh kaso natugtog na may kasama pang kanta kaya sila ngayon ang manlilibre sa amin,” natatawang kwento ni Martin.
“Ang daya naman kasi Tatay Delfin hindi sinabi na singer pala itong future husband ko ayan tuloy natalo kami,” katwiran ni Jen.
Natawa na lang sa biruan si Tatay Delfin.
“Naku eh mabuti pala ay magsimula na kayong magluto kung balak ninyong muling lumusong sa dagat,” suhestiyon ni Tatay Delfin.
“Opo this time maghahanda ako ng ulam na hahanap hanapin ni Sir Dennis tingnan ko lang kung hindi niya ako puntahan sa school at ayaing magmeryenda pag natikman niya ang secret recipe ko,” mayabang na sagot ni Jen.
“Ano bang balak mong lutuin sige nga,” hamon ni Martin.
“Pinasingawang alimasag,” sagot ni Jen.
“Nakupo! Kahit Grade Four kayang kayang iluto yang resiping sinabi mo eh,” tuya ni Martin kay Jen.
“Tse!” tanging naisagot ni Jen kay Martin na ikinatuwa ng lahat.