Chapter 46
Pagkatapos mag almusal ay muling gumayak sina Dianne para makasakay sa bangka at mag banana boat gayundin sina Martin at Dennis na matiyagang naghihintay sa kanilang tatlo.
“Nanay Lita baka po gusto ninyong sumama sa amin at maexperience ninyo rin ang sumakay sa bangka at mag banana boat?” tanong ni Jen.
“Naku kayo na lang at igagayak ko na itong mga gamit natin pauwi okay na ko sa naging ligo kagabi sa dagat,” tanggi ni Nanay Lita.
“Tatay Delfin, Manong Rudy kayo ho baka gusto ninyong sumama sa amin?” tanong ni Dennis sa dalawa.
“Naku kayo na lang at sasamahan na lang namin dito si Lita,” tanggi rin ni Tatay Delfin.
“Paano guys ayaw ng mga oldies mukhang nirayuma na kagabi tayo na at baka magbagopa ang isip ko makalimutan kong kami ang magbabayad sa banana boat,” litanya ni Jen habang isinusuot ang sunglass at bahagya pang inayos ang native nitong sumbero na akala mo turista mula sa ibang bansa.
“Iba ang datingan natin Ma’am Jen mukhang itinodo mo ang awrahan ngayon ah pak na pak ang shades at outfit,” komento ni Martin.
Para namang pinanindigan ni Jen ang komento ni Martin at rumampa pa ito na parang modelo maya maya ay nakatuwang magwalling sa pader ng bahay na kanilang tinutuluyan.
“Ay grabe ang bagal ng taga picture hindi man lang kinuhanan ang pag awra ko,” sita ni Jen kina Clarizz at Dianne.
“Hindi mo namn kami kinambatan na picturan ka na eh,” katwiran ni Clarizz.
“Ay sissy matic na dapat yun kapag rumampa na ang artista dapat you catch every moment parang candid moments eka nga,” maarteng sagot ni Jen na iniikot pa ang daliri sa hangin.
“Naku tara na at hindi matatapos ang litanya ni Jen sa atin,” awat ni Dianne sa balitaktakan ng dalawa.
Palihim na sinulyapan ni Dennis si Dianne at hindi niya maiwasang tingnan ang maamo at makinis nitong mukha maging ang mapupula nitong labi kahit na walang bahid na lipstick ay tila ba kay sarap halikan ang damit nitong hapit sa katawan ay lalong nag bigay ng kaakit akit na itsura. Nasa ganoon siyang isipin ng marinig niya ang boses ni Jen na nakikipagtawaran na sa may ari ng banana boat.
Ano ba yang iniisip mo Dennis umayos ka nga, saway ni Dennis sa sarili.
“Manong magkano po ang rent sa banana boat ninyo bigyan ninyo kami ng discout at plus five ang anak ninyo pag[asok sa eskwela,” biro ni Jen sa may ari ng banana boat.
Natawa naman sa pagiging kalog niya ang may ari ng banana boat kaya’t sinakyanang biro niya.
“Madam kapag sa katulad ninyo pong maganda na ay seksi pa murang mura lang po ang upa Php 500.00 po per thirty minutes,” sagot ng may ari ng banana boat.
“Manong naman hindi kayo kasama sa uupahan yung banana boat lang bawasan mo naman tingan mo mga guro at kapulisan itong mga suki mo,” pilosopong sagot ni Jen.
Napatingin ang may ari ng banana boat kina Dennis at Martin tila tinatantiya kung totoo ang sinasabi ni Jen.
“Pulis ba talaga sila sir bakit parang mga modelo?” nananantiyang sagot ng may ari ng banana boat.
“Grabe ka manong kapag naipakita ko sayo ang tsapa ng nila libre ang magiging sakay namin ng dalawang oras sige ka,” hamon ni Jen.
“Huwag naman madam kawawa naman kami sige po bawasan natin four hundred na lang,”sagot nito kay Jen.
“Salubong manong huling tawag three hundred fifty, hirit ni Jen.
“Sige na nga kung hindi ka lang maganda madam ay hindi ako papayag,” biro ng bangkero kay Jen.
“Ano Clarizz naniwala ka na na chubby is the new sexy,” tila nagmamalaking wika nito sa kaibigan.
“Sige na no comment na ko ikaw na,” tanging naisagot ni Clarizz sa kaibigan.
“Mga Madam hawak lang po kayo sa mga handle na nasa tagiliran ng banana boat pero kailangan po na isuot ninyo ang life best para safe po ang lahat,” bilin ng may ari ng banana boat.
Isa isa ng nagsipag suot ng life best ang grupo at pumwesto sa pagsakay sa banana boat.
“Ako na sa bungad sir,” boluntaryo ni Martin.
“Mas maganda po kung kayo ang nasa bungad sa dulo naman si sir,” suhestiyon ng may ari na ang tinutukoy ay si Dennis.
Nauna ng pumwesto si Martin kasunod si Jen, Clarizz at Dianne sa dulo naman si Dennis.
“Ay grabe kinakabahan ako manong gaano ba kalalim itong dagat na lalakbayin natin?” tanong ni Jen.
“Mga dalawang mahahabang kawayan madam ang lalim nito pero huwag po kayong mag alala wala pa namang nalaglag sa tagal ng nagpapaupa kami ng banana boat kung sakali po at malaglag kayo eh kayo palang,” biro nito kay Jen.
“Manong ha nanakot ka naman baka sa halip na sa handle ako humawak mapayakap ako kay Sir Martin ng de oras,” biro ni Jen.
“Huwag po kayong mag alala madam nasuot naman po kayo ng life best kaya safe na safe po tayo enjoy the ride lang po kayo,” sagot ng may ari ng banana boat.
Nakapwesto na ang lahat ay tila naiilang naman si Dianne na alam niyang ilang dangkal lamang ang pagitan nila ni Dennis bukod kasi sa napaka cold ng treatment nito sa kanya ay hindi rin ito gaanong nagsasalita mabuti pa nga at kahit paano ay sumasagot ito sa mga biro ni Jen.
“Ma’am Dianne kumapit kang mabuti baka ma out of balance ka,” boses ni Dennis mula sa likuran ni Dianne.
Pagkarinig sa tinig nito ay tila bigla ang kabog ng dibdib ni Dianne sa hindi niya malamang dahilan bahagya niya itong nilingon at nginitian bago humawak ng mahigpit sa handle ng banana boat.
Malalakas na sigaw na punong puno ng saya ang maririnig kasabay ng malalakas na hampas ng tubog sa rumaragasang banana boat nangingibabaw ang boses ni Jen na kabang kaba lalo na sa tuwing liliko ang banana boat.
“Whoooaah I love my life!” hiyaw ni Jen.
Pigil naman ang paghiyaw ni Dianne at Clarizz na natatawa na lang sa ingay ni Jen pero hindi nila magawang tumawa sa takot na makabitaw at malaglag sa sinasakyang banana boat.
“Manong paano kung maubusan tayo ng gasolina habang nasa gitna ng dagat ano mangyayari sa atin?” wala sa loob na tanong ni Jen habang umaandar ang banana boat.
“Wala tayong magagawa madam kung hindi iradyo sa mga kasamahan namin para dalhan tayo ng gasolina kung saan tayo naroroon,” pahiyaw na sagot nito para marinig ni Jen.
“What!” OMG huwag naman sana tayong maubusan ng gasolina,” tanging naisigaw ni Jen.
Natapos ang kalahating oras na pagsakay sa banana boat ng puno ng tili ni Jen ang maririnig kaya’t pagbaba dito ay halos paos na paos ang boses.
“Mukhang sulit na sulit ang banana boat kay Ma’am Jen ah naubos yata ang boses kakasigaw nabingaw ako eh,” kantiyaw ni Martin na kunyari pang hinimas ang tenga.
Tawanan ang grupo sa reaksyon ni Martin.
“Ganito ba talaga kapag libre me kapalit na pagkabingaw,” muling hirit ni Martin.
“Oy grabe ka ha hindi ko naman itinutok sa tenga mo mabuti nga hindi pa ako sayo kumapit kung hindi baka hindi ka na makawala sige ka,” biro ni jen kay Martin na tuwang tuwa.
“Puro ka talaga kalokohan Ma’am Jen sige ka baka seryosohin kita diyan ganitong wala akong girlfriend eh baka mapasubo ka,” ganting biro ni Martin.
Biglang namula si Jen sa sagot ni Martin bagay na hindi nakaligtas sa mata ni Clarizza at Dianne.
“Oh bakit natameme ka mukhang tinablan ka sa biro ni Sir Martin ah akala mo ikaw lang marunong manudyo ayan nakahanap ka ng katapat bahala ka diyan kapag niligawan ka sineryoso ka nung tao,” banta ni Clarizz sa kaibigan.
“Hindi ah biruan lang namin yun iwas ni Jen na hindi makatingin kay Martin na noon ay tuwang tuwang nakatingin sa pulang pulang mukha niya.