Chapter 47
Matapos ang pagsakay ng grupo sa banana boat at paglalayag ng nakasakay sa bangka ay naipan nilang magtungo sa souvenir shop ng resort para bumili ng ipapasalubong sa mga kaibigan hindi na sumama sina Martin at Dennis at dumiretso na sila pabalik sa tinutuluyang bahay.
“Manang magkano po itong mga t-shirt na to?” tanong ni Dianne.
“Depende po sa size Madam pero yung color black po medyo mataas ng konti sa price ng mga puti,” sagot ng tindera.
“Yung medium at large po ng puti magkano?” tanong muli ni Dianne.
“One hundred eighty po yung medium yung large po ay two hundred sa kulay black po same size add lang po kayo ng tig twenty sa price ng white,” sagot muli ng tindera.
“Dito sa mug ninyo magkano ang isa?” tanong naman ni Clarizz.
“Seventy pesos po libre na ang paglalagay ng message,” tugon ng tindera.
“Mukhang ito na lang ang bibilin ko sa mga friends natin ikaw Dianne me iba ka bang naiisip bilin?” tanong ni Clarizz.
“Iniisip ko kasi kung magshare na lang tayo tapos t-shirt na bilhin natin o pwede ring yang tasa at mahilig namang lahat sa kape,” sagot ni Dianne.
“Mabuti pa tanungin natin si Jen,” sagot ni Clarizz.
“Pareho namang okay ang alamin lang natin kung kasya ba ang budget natin,”sagot ni Jen.
“Paghati na lang tayong tatlo para magaan sa bulsa,” sagot ni Dianne.
“Okay sige t-shirt na bilhin natin para mairarampa pa natin kapag may lakad tayo,” sagot ni Clarizz.
Hindi magkandatuto sa pagpili ang magkakaibigan para sa mga kaibigan naisip naman na ibili ni Dianne ng magkamukhang disenyo ang mga magulang na parang coupleshirt.
“Parang teen ager ang datingan nila Nanay Lita at Tatay Delfin diyan sa binili mo beshy ah,” kantiyaw ni Jen kay Dianne.
“Pagbigyan mo na ko at yung dalawa naman na iyon ay parangRomeo at Juliet sa pagmamahal sa isa’t isa,” natatawang sagot ni Dianne.
“Tayo na kung kumpleto na ang napili ninyo ay magbayad na tayo at ng makabalik na kawawa naman si Nanay Lita tulungan nating mag ayos ng gamit na iuuwi,” singit ni Clarizz.
“Apurang apura tayong umuwi ah miss na miss na si jowa?” pang iinis ni Jen kay Clarizz.
“Lukaret ka talaga gusto ko lang talaga tulungan si Nanay Lita at kahapon pa yon pagod kakaasikaso sa atin siya na itong me birthday siya pa rin ang pagod,” sagot ni Clarizz.
“Sige na nga maniniwala na ko pero last na lang pwede bang tikman natin yung special snack nila kahit take out na lang kung uwing uwi ka na talaga,” hirit ni Jen.
“Naku yan talagang tiyan mo ayaw pa ring paawat sige na pero pag uwi natin i-push mo na yung plano mong magzumba at ng maburn ang mga unwanted cholesterol mo,”payo ni Dianne.
“Ay naku ayoko masarap kumain saka uulitin ko ulit ha chubby is the new sexy,” maarteng sagot ni Jen.
“Sige ka kapag nahirapan kang huminga o mag high blood ka ikaw rin ang mahihirapan,” kibit balikat ni Clarizz sa katwiran ni Jen.
“Tara na at oorder na ko kasya na siguro yung tatlong order sa atin ng mga kasama natin sa bahay,” tantiya ni Jen.
“Ayan oh me sizes naman pala kung good for two, three, barkada at family make your choice na,” turo ni Clarizz sa menu board.
“Sorry naman hindi ko agad nakita sa picture kasi ako napatitig okay sige isang family size na lang bilhin natin,” desisyon ni Jen.
“Isang order nga po ng pancit luglog yung family size for take out,” order ni Jen sa kahera.
“Okay ma’am any additional order po?” tanong ng kahera.
“That will be all,” nakangiting sagot ni Jen.
“Nine hundred pesos ma’am,” hudyat ng kahera kay Jen.
“Oist ilabas ninyo ang tig three hundred ninyo at nine hundred hati hati tayo,” litanya ni Jen.
“Ay grabe talaga siya kasama pala tayo sa sharing!” natatawang wika ni Clarizz.
“Abay siyempre ah kawawa naman ako kung ako lang magbabayad wala na kong budget,” sagot ni Jen.
Nagkatinginan sina Clarizz at Dianne na ibig kurutin si Jen sa katakawan.
“Sige na huwag na kayong mag isip abay minsan lang tayo napadpad sa lugar na ito don’t miss the chance na matikman ang specialty nila alangan naman na pag uwi natin saka ninyo tatanungin sa sarili ninyo ano kaya ang lasa ng special palabok luglog sa Bolinao?masarap kaya yon bakit special?” pangungumbinsi ni Jen.
“Oo na wala na kaming sinabi eto na share namin,” sagot ni Clarizz na kunyaring nakanguso.
Natawa naman ang kahera sa kulitan ng mag kakaibigan, “ promise mga madam hindi po kayo magsisi na tinikman ninyo ang specialty namin dahil binabalik balikan po talaga ito ng mga costumers,” sabat ng kahera sa biruan ng magkakaibigan.
Ilang minuto pang naghintay ang magkakaibigan sa loob ng souvenir shop at naisipang maupo sa mesa na nakalaan sa mga costumers na gustong mag dine-in o naghihintay ng kanilang order for take out maya maya pa ay lumapit na ang isa sa mga tindera at magalang na inabot ang isang katamtamang laki ng bilao na kinalalagyan ng palabok luglog.
“Parang nagutom naman ako sa amoy nireng bitbit ko bilisan na ninyong tumayo at ng matikman na natin ito,” utos ni Jen sa dalawa.
“Opo eto na nga,” sagot ni Clarizz na kinuha na ang supot ng kanilang mga pinamili.
Pagdating sa bahay ay inabutan nilang nasa teresa sina Nanay Lita, Tatay Delfin at ang dalawang pulis na kasama mukhang masayang nakukwentuhan ang mga ito.
“Mukhang binili na ninyong lahat ang tinda sa souvenir shop ah hindi na magkandadala si ma’am Jen,” biro ni Tatay Delfin.
“Ay naku father ako ang sinadya ko sa shop ay ang authentic at best seller nilang meryenda ewan ko sa dalawang iyan kung ano ang pinamili,” biro ni Jen kay Tatay Delfin.
“Meryenda ba kamo? pagkain ba at hindi souvenir ang nabili mo?” natatawang sagot ni Tatay Delfin.
“Opo at igagayak ko na father hanggat mainit ng matikman nating lahat ,” sagot ni Jen na inilapag na sa mesa ang bilao at agad na tumuloy sa kusina para kumuha ng platito at tinidor.
“Wala pala talagang gutom kapag si Ma’am Jen ang kasama,” bulong ni Sir Martin na ikinatawa ng grupo.
Pagbalik ni Jen ay inabutan pa niyang nagtatawanan ang mga ito na nakatingin sa kanya.
“Mukhang pinagtatawanan ninyo akoah,” hula ni Jen.
“Hindi Ma’am Jen may kwento lang si Sir Martin na eksena sa presinto nila,” pagkakaila ni Tatay Delfin.
“Mamaya na po ang kwentuhan sa biyahe para hindi antukin si Manong Rudy busugin muna natin ang ating mga tiyan at ng malaman natin kung talagang pang best seller itong palabok nila,” sagot ni Jen.
“Oo nga naman tara na kayo Martin,Dennis,” sagot ni Tatay Defin sabay kindat sa dalawa.